"Wala pa rin?" Tanong ko pagbukas ko ng pinto ng club room at dumiretso sa paborito kong sofa.
Sabay silang umiling at napabuntong-hininga na lang ako. Hindi dahil sa wala pang pumupunta na interesadong estudyante sa club namin kundi sa mga paa nilang nakataas at busy sa pagpipindot ng cellphone nila. Online games na naman ang inaasikaso nila. May ilang mura pang naliligaw sa tainga ko na galing sa kanila.
Sino bang tanga ang sasali sa club namin nito?
"Si Ma'am Cavah? Dumaan ba rito?" Tanong ko ulit sa kanila.
"'Di," Sabay nilang maikling sagot at tumawa pa nang malakas si Quentil saka may tinuro kay Acril sa cellphone niya hanggang sa sabay na silang matawa at manglait.
I knew it. Wala talagang pag-asa 'tong club ko sa mga kamay ng mga utak ibon na 'to. We needed one member.
Speaking of that... hindi ko pa rin alam kung paano ko i-a-approach si Daphne. Iyon ang wish ni Quentil– ang sumali si Daphne sa club namin.
Mukhang close sila kaya nagtataka ako kung bakit hindi na lang si Quentil ang mag-invite ro'n? Personally, mas gusto ko pang mastuck sa dalawang 'to kaysa makasama si Daphne sa loob ng club room na 'to for one year.
So far, I was enjoying this club. Ayokong dumating 'yong point na ako na mismo ang aalis para hindi ma-out of place– sabi ko nga, close si Quentil at Daphne. Though, nandito pa naman si Acril. Siya na lang talaga ang pag-asa ko.
"G-Good afternoon po..." Umangat agad ang ulo ko nang bumukas ang pinto at niluwal ang isang babae.
Bagong member?! This is it!
Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. Ibinigay ko na ang pinakatamis kong ngiti at kulang na lang ay yakapin siya at halikan sa pisngi bilang pagwelcome– pero hindi ko nature ang gano'ng bagay.
"Good afternoon! Welcome to our club, Art Review Magazine. What's your business with us? Looking for a clun to join? Then, you're wel–"
She cut me off with a little smile on her face. "A-Actually, magpapa-critique po sana ako ng gawa kong novel. Pwede po ba 'yon dito?" Nilabas niya ang isang maliit na libro.
So... hindi siya bagong member?
What the hell... medyo naging excited ba ako?
Nilingon ko 'yong dalawa sa likod at halatang nagpipigil sila ng tawa. Sinamaan ko lang sila ng tingin at hindi na pinansin. Mga walang kwentang member. Mas mabuti pa yata kung ako lang mag-isa rito.
"W-Well... yeah, I guess..."
Teka. Bakit parang hindi pa ako sigurado sa sagot ko? Masyado ba talaga akong nadisappoint na magpapa-critique lang siya? Wala namang masama ro'n at maganda pa rin 'yon dahil 'yon naman talaga ang purpose ng club namin.
First task 'to para sa'min.
"Magkano po ba?"
Magkano?
Hindi ko nga naisip kung magkano. Si Dara kasi lagi ang umaasikaso ng club dati at no'ng nawala naman siya ay si Claire ang pumalit kaya wala akong alam pagdating sa ganito. Isang beses ko nga lang natry na mag-critique ng libro. Pangatlong taon ko na 'to ngayon dito sa club.
"Walang bayad..." Ang alam ko ay gano'n 'yon. Ngayon ko lang naalala ang sinabi ni Dara dati. "Pero pwede kang magbigay ng donation sa'min,"
If I wasn't mistaken, para sa pondo ng club ang donation. May times kasi na kapag festival, lahat ng club ay kailangang may ipe-present o sa mga iba pang gastos dito sa loob ng club.
"O-Okay... kailan ko po pwedeng balikan?" She politely asked.
It was a shame that she wasn't joining our club. Mukhang responsible na estudyante pa naman siya at ginagalang ang mga upperclassman niya. Base sa lace ng ID niya, Grade 10 lang siya.
"Monday," I said.
"H-Hala... sigurado po?" Tumango ako at tiningnan ang libro na hawak ko.
Manipis lang naman kaya tingin ko, matatapos din nila agad ang pagbabasa.
"Yup. Ganitong oras ka ulit bumalik, okay?" Mabilis siyang tumango at ngumiti nang malapad.
"Super thank you po!" Ah... ang cute niya pa. Sayang talaga at hindi siya sasali.
"Always welcome." Tipid din akong ngumiti bago siya lumabas.
Napabuntong-hininga ako at nag-unat ng kaunti. Kung hindi ko mai-invite si Daphne... wala ng pag-asa na magkaro'n pa kami ng ibang member.
Though, ang sabi sa'kin ni Quentil ay hindi siya seryoso roon at nagbibiro lang, hindi pa rin ako naniniwala. He meant what he'd said. I'd make Daphne to join our club by any means.
"Ang bilis mo pala magbasa." Nilingon ko ang dalawa nang magsalita si Quentil.
"Huh? Bakit?" Taka kong tanong at lumapit sa kanila.
"Matatapos mo 'yan ng dalawang araw..." Tinuro niya ang librong hawak ko.
Tumaas ang kilay ko at nilahad sa kanila ang libro.
"Anong ako?" Tinuro ko silang dalawa at ang libro. "Basahin niyo 'to. Tapusin niyo ng dalawang araw, okay?"
"Huh?! Bakit?" Reklamo niya.
I glanced at Acril. Nagkibit-balikat lang ito at humikab. Sinamaan ko siya ng tingin kaya umayos agad ito ng upo.
"After niyong mabasa, sabihin niyo 'yong opinion niyo sa kanya. Be honest, okay?" Tumalikod na ako pero muling humarap sa kanila. Mas sumama ang tingin ko at iminuwestra ang kamay ko na pinutol ang leeg ko. "Kahit isang maling salita lang ang masabi niyo sa kanya... papatayin ko kayo." I seriously said as I turned my back.
"She's turned into a demon..." Rinig kong bulong ni Quentil.
"W-Well... I'll agree with that,"
"Yeah, yeah. I know, right?"
Pabagsak akong umupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko para makapagbrowse sa f*******:.
"I can't accept this!" Pasigaw na bulong na naman ni Quentil.
Palihim ko silang tiningnan. Patayo si Quentil at pinipigil naman siya ni Acril. Napailing na lang ako sa katangahan nila at hindi na sila pinansin.
"H-Hoy!" What was with this birdbrain?
"What?" Walang ganang tanong ko.
"W-Who do you think you are to order us?" Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay.
"Huh?!" Nanliliit ang mata na sabi ko at mas sumama ang tingin sa kanya.
"N-Nothing, really! B-By the way, I'm already at chapter six. Don't interrupt me when I'm reading, okay?" Tumalikod na ito sa'kin at bumalik sa upuan nilang dalawa.
"The f**k with you?" Si Acril.
"She's a f*****g demon. You see her glare? It's giving me chills, f**k it." Napahilamos na lang ako sa mukha ko at nilagay sa loob ng bag ko ang cellphone.
"Where are you going, Riane?" Pahabol ni Acril.
"Tanga! Hayaan mo ng umalis!" Frustrated na pabulong na sigaw ni Quentil.
Kumaway lang ako at hindi na sila sinagot. Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago naisipang dumiretso sa volleyball court.
Ito 'yong chance ko para ma-invite si Daphne sa club namin dahil ang alam ko ay busy ang iba niyang teammates sa pagwelcome ng mga bagong members. I was envious of them, to be honest.
Hindi mahilig sa mga gano'ng bagay si Daphne– as far as I knew.
"H-Hello..." Aniko nang makita siya sa gilid ng court na may dalawang juice in can.
"Oh?" Plain na bati nito.
I couldn't really understand her. She was moody! Minsan, feeling close siya sa'kin, minsan naman ay parang halos isumpa niya ako.
Kaunti na lang at iisipin ko nang dalawa ang personality niya sa katawan niya.
"What's your business with me?" So, she already knew that I came here for her.
"Actually... I want you to join our club..."
"The one in second floor?" Tumango ako. "What's the name again?" I didn't know but I felt something heavy in my chest– it was more like my pride was being stomped on.
"Art Review Magazine..." I shortly replied.
"Hmm... the reason for inviting me? Is it Quentil? I know you don't want me to be a part of that club." Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko ang sarili ko. She was sharp. She nailed it that fast.
"Yeah. Right," I didn't deny it. Tama ang sinabi niya at hindi ko rin balak maging plastic pagdating sa kanya para lang gumanda ang relasyon namin.
"I see..." Pinulot nito ang bola na gumulong sa gawin namin at saka niya pinatalbog-talbog sa sahig. "I'll join your club."
I faked my smile. "Really?" I sounded disappointed but it was fine.
"But there's one condition." Kumunot ang noo ko.
"What's that?"
"Help me in my practice for two days,"
"What? Again?" Tumalikod siya at hinagis sa'kin ang can ng juice. Nasalo ko naman iyon.
"We'll start on Monday at 5am to 7am. Bye." Kumaway ito at pumasok na sa loob.
Naiwan ako ritong nakatulala at tamad na naglakad papuntang basurahan para itapon ang lata ng juice niya.
Dalawang araw? Hindi naman masama 'yon. Pero ang aga kong gigising. May thesis pa kami na dapat asikasuhin na ipapasa rin two days from now kaya kailangan kong magsipag. Mukhang tatlong oras na naman ang maging tulog ko nito for two days.
Monday came and I really hated it. Pagod na pagod akong pumunta sa club ng pumatak ang ala syete. Halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig dahil sa sobrang uhaw.
Puro pulot at bato ng bola ang ginawa ko. Ang sakit ng likod ko kakayuko at gano'n din ang braso ko. Ito yata ang resulta ng hindi pag-e-exercise.
"What's with the long face?" Tanong ni Acril nang sabay silang pumasok ni Quentil sa pintuan.
"Nothing..." I lazily said as I drank the water in my tumbler.
"You look tired." Komento ni Quentil at hinagis sa'kin ang can ng lemon juice. My favorite!
"I'm fine." Binuksan ko iyon at tuloy-tuloy na nilagok.
"Here." Nilahad ni Acril ang puting panyo niya.
"Huh? Mayro'n ako..." Kinapa ko ang bulsa ng palda ko pero wala ro'n.
Mukhang nakalimutan ko magdala dahil sa pagmamadali.
"Use this. Tumutulo na 'yong pawis mo." Parang nahiya naman ako sa sinabi niya kaya kinuha ko na ang panyo niya at pinamunas sa pawis ko.
"Ibabalik ko na lang bukas." Tumango lang siya at dumiretso na sa tabi ni Quentil.
"Naglakad ka lang ba papunta rito sa school?" Takang tanong ni Quentil at tinaas ang paa niya sa mesa.
"N-No..."
"Bakit pawis na pawis ka?"
I shook my head. "It's... just because of heat." I said. Even though wala pang araw no'ng dumating ako rito.
"If you say so," He just agreed.
Kinabuksan, gano'n ulit ang naging cycle ng buhay ko. Nadagdagan ang sakit ng mga buto ko dahil sa pagsabay kay Daphne sa practice niya.
"This is the last day, right?" I asked.
"Well, if you want to–"
I cut her off. "No,"
Bahagya itong natawa at hinagis sa'kin ang bola. Sa pagkataranta, hindi ko 'yon nasalo at tinamaan ako sa noo. That hurt. Damn it.
"I'll join your club,"
"Of course!" I frustratedly yelled.
"No need to shout, you know?" I just looked away as I picked up the ball on the floor.
Isang oras pa bago kami matapos at tinulungan ko siya sa stretching niya.
She was really good at this. Halos master niya ang bawat position pero middle blocker talaga ang pisition niya. Matangkad siya kaya hindi kataka-taka. Pareho lang yata sila ng height ni Quentil.
Come to think of it... mapapaligiran na ako ng mga titans once na magsimula na siyang bumisita sa club namin.
"Thank you for helping me. I'll come later, okay?" Tipid lang akong tumango bago umalis.
Naubos ang buong lakas ko ngayong araw kahit wala pang tanghali. Hindi rin ako nag-almusal kaya kaunti na lang ay babagsak na ako sa sobrang pagod.
"O-Oh..." Kumunot ang noo ko nang makita ang dalawa sa loob.
Nandito na agad sila?
Umayos ako ng tayo at huminga nang malalim. Hindi nila pwedeng mahalata na pagod ulit ako.
"Where did you go?" Tanong ni Quentil.
"What do you care, insect?" I needed to change the atmosphere and topic!
Pero mukhang seryoso sila sa pag-confront sa'kin ngayon dahil hindi nakataas ang paa nila at seryoso rin ang tingin nila sa'kin.
"I'm fine." Aniko at dumiretso sa sofa.
But... I wanted to eat to regain my strength.
"You are not." Lumapit silang dalawa sa'kin at naglahad ng pagkain.
I was drooling before I knew it!
Akmang kukuhanin ko na sa kamay nila pero sabay nilang iniwas sa'kin.
"H-Huh... e 'di 'wag!" Pinagkrus ko ang braso ko at iniwasan sila ng tingin.
"Saan ka galing?" Tumaas ang kilay ni Quentil.
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang panyo ni Acril sa bag ko saka isinauli sa kanya. "Thank you." Mahina kong sabi.
Tumango lang ito pero agad ding kumunot ang noo.
"Saan galing 'to, Riane?" Mahina akong napa-aray nang haplusin niya ang noo ko.
"s**t! May pasa ka!" Ani Quentil.
The hell! May pasa ako sa noo?!
Damn that Daphne!
"A-Akin na nga 'yong salamin!" Tatayo pa lang ako ay hinawakan na ni Quentil ang dalawang braso ko at diniin ako sa upuan.
"Where the f**k on earth did you get that bruise?" He seriously asked with his intense eyes.