Chapter 8

2142 Words
"A-Akin na nga 'yong salamin!" Tatayo pa lang ako ay hinawakan na ni Quentil ang dalawang braso ko at diniin ako sa upuan. "Where the f**k on earth did you get that bruise?" He seriously asked with his intense eyes. I looked away. "I-I got it... from nothing..." I was stuttering a bit. I couldn't say that I got this from Daphne's ball. I knew I'd feel disappointed if sakaling makita ko ang magiging reaction niya... for sure, hindi siya magagalit. Hindi pa ako sure kung anong relasyon niya kay Daphne pero alam ko na close sila– kung hindi sila relatives, tiyak na may gusto siya kay Daphne which is hindi nakakapagtaka. Daphne was famous and pretty. Matalino rin siya at halos nag-e-excel sa lahat ng bagay. "It's impossible. Don't joke around, Riane. Why do you have that stupidly bruise?" I couldn't help but to frown. He just didn't know it was because of his stupidity that I got this bruise. Well, I'd get my revenge someday. Humanda siya sa'kin kapag nangyari na 'yon. "I'm fine, okay? Umalis ka na d'yan. Ang init, e." Mukha namang natauhan siya sa sinabi ko kaya umalis na ito at bumalik doon sa upuan niya. Naiwan sa tabi ko si Acril na nakatingin pa rin sa'kin. Bahagya siyang ngumiti nang mapansin na nakatingin ako sa kanya. "You really fine?" Nagningning agad ang mata ko nang ilabas niya ang lemon juice in can at binigay sa'kin. "Yup!" Natawa na lang ito habang binubuksan ko ang lata at tuloy-tuloy na nilagok ang juice. "Hoy..." Binaba ko ang lata sa tabi kong mesa nang maubos at tumingin kay Quentil dahil sa pagtawag niya sa'kin. "What, insect?" "That's lowclass insect..." My mouth parted. "W-What?" I smiled a little. "You're correcting me." Umismid ito at umiwas ng tingin. "Saan ka ba talaga galing?" Hindi pa rin siya tapos sa topic na 'yon? Sobrang eager niya bang malaman ang truth? Kung sa'kin lang, wala namang problema at ipapamukha ko pa sa kanya– kung hindi ko lang sana nakitang magkasama sila ni Daphne at mukhang masaya siya. I didn't see him like that. He wasn't my friend but it wasn't also bad to give your club mates their happiness. "It's a secret," I shortly replied. "Y-You fought with someone?" Mahina lang ang boses niya at parang hindi pa sigurado sa tinatanong. "I mean... girl's fight?" Gusto kong matawa sa way ng pagsasalita niya pero pinigilan ko ang sarili ko at umiling pero tumigil din agad ako at tumingin ng taimtim sa kanya. "What if yes?" Was he concerned about me? "T-Then... you're pretty weak for a demon..." Napabuntong-hininga na lang ako at pumangalumbaba. I knew it. He wasn't concerned about me even a bit. More like, inaalala niya ako dahil alam niyang tutuparin ko ang wish niya. More or less, iyon lang ang tanging dahilan na nakikita ko. "Anyway, kamusta pala 'yong novel no'ng babae na nagpunta rito no'ng nakaraan? Nabigay niyo ba nang maayos 'yong opinion niyo?" Tinaasan ko silang dalawa ng kilay. "S-Syempre!" What was with his stutter? I looked at Acril and he just simply nodded. Halos kalahating oras din kaming natahimik sa loob ng club at walang humamon na magsalita. Hindi naman ako nabo-bother dahil sanay ako na ganito lang. Madalas akong walang kasama sa bahay. Si Quentil ang unang bumasag sa katahimikan– as expected from his stupidity. Hindi siya tatagal sa gano'n. Wala akong sama ng loob sa kanya kahit na dalawang araw akong walang tulog at dalawang araw akong pagod dahil sa wish niya pero ngayon, iba na. Nakakairita ang boses niya na kwento nang kwento ng kung ano! Or maybe, no... he wasn't talking about random things. There was a topic. One person. It is Daphne. He didn't give the name and he just simply said that it was a girl. No mistake... it was her. "I also have a news." Tinaas ko ang kamay ko nang tumigil siya sa pagsasalita. "What?" Parang inantok siya bigla. Though, alam kong magigising din ang diwa niya once na narinig niya ang balita ko. Magsasalita pa lang ako ay tumunog naman ang bell na sign na kailangan nang pumasok sa bawat klase kaya hindi ko na muna tinuloy at sabay-sabay na kaming lumabas sa club room. I wondered if I would be able to say it? "Get your notebooks for taking down of informations..." Tumalikod ako para makuha ang notebook sa bag ko. Nang iangat ko ang mata ko, saktong nagtama ang paningin namin. Tumaas ang kilay nito at iniikot ang ballpen sa kamay niya. Bahagyang tumagilid ang ulo ko at ngumiti lang siya ng tipid. He was really weird. I couldn't read his mind even though sometimes, he was transparent as hell. Maybe... I won't just say it. Malalaman din naman niya mamaya kapag pumunta si Daphne. I would just spoil the excitement of his. "Acril!" Sabay kaming dumating ni Quentil sa club room. Lumapit agad ako kay Acril pagpasok ko at kinuha ang math notebook ko. "I need help!" Tinuro niya ang upuan ni Quentil at umupo ako ro'n. "Wait! That's my chair!" Protesta nito at pinagkrus ang braso niya. "I'm just borrowing it, birdbrain..." Akala ko, sasagot pa siya o lalaitin din ako pabalik pero tahimik lang itong nagpunta sa upuan ko at doon umupo. Magtataka sana ako pero naisip ko na weird siya. Natural lang ang gano'ng reaction sa kanya at walang mali ro'n. Nang matapos akong turuan ni Acril sa Math, ginising ko rin si Quentil para makipagpalit ng upuan sa kanya. Ilang minuto ang lumipas pagtapos no'n ay bumukas ang pinto at sabay-sabay kaming napatingin do'n. They were expecting that it was Ma'am Cavah but... it was her. "Hello." Bati nito nang makapasok. Hawak-hawak niya pa ang isang bola ng volleyball at diretso lang ang tingin sa'min. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko naisipang tumayo. "H-Hi..." I greeted, too. Tumingin ako sa dalawang tanga at pinanliitan sila ng mata. "O-Oh... hello..." Quentil was too stiff. Probably, nagulat na narito si Daphne. "Yo." Tipid na bati ni Acril at pinikit na ulit ang mata niya. "A-Are you a costumer?" Alanganing tanong ni Quentil at tumayo rin. "Costumer?" Bahagyang ngumiti si Daphne na parang natuwa sa sinabi no'ng isa. "She's a new member of our club." Pagpapakilala ko sa kanya at nginitian siya ng tipid. "Daphne's her name." "Nice to meet you!" Ngumiti ito nang matamis at naglakad palapit sa bawat pwesto namin at kinamayan kami na parang nangangandidato. "You're joining our club for real?" Hindi makapaniwalang tanong ni Quentil at inaya si Daphne na umupo sa tabi niya. "Well, yeah. It seems fun to be in your club so I'll give it a try." Napangiwi na lang ako. Seems fun, huh? Hinipan ko ang ilang takas na buhok ko at bumagsak ang tingin sa hita ni Daphne. Ang puti niya rin. Suot niya pa ang jersey ng volleyball team kaya halatang-halata pa kung gaano niya iniingatan at inaalangan ang balat niya. Did it really matter? Mukhang masaya silang dalawa sa pinag-uusapan nila. Hindi ako makasingit dahil wala akong alam kahit na isang information sa topic nila. Though, kahit may alam ako, hindi pa rin ako magsasalita. I didn't want to interrupt their talk. They looked happy... and enjoying themselves. Tsk. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana hindi ko na siya hinayaang makasali sa club at ako na lang ang gagawa ng paraan para makilala ko si Acril at mapasali sa club ko. "Riane..." Umangat ang tingin ko at nakita si Acril sa harapan ko. "Yes?" Walang ganang sagot ko. "Sasamahan mo ako sa training ko, 'di ba?" Umawang ang labi ko pero hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na." "U-Uh..." Nilingon ko sina Quentil at Daphne. Nakatingin din sila sa'min– to be specific, sa kamay namin na magkahawak. "We'll excuse ourselves for now..." Hindi na hinintay ni Acril ang pagsang-ayon nila at hinila na ako sa labas. "That was suffocating." Aniya nang makalabas. Binitawan nito ang kamay ko. "T-Thank you..." I shyly said. "For?" Taka niyang tanong. "You saved me..." Natawa ito at umiling. "It's fine. Ayoko rin ng atmosphere sa loob kaya lumabas ako." I just nodded. Nilahad niya ang kamay niya sa'kin kaya kumunot ang noo ko. "What's that for?" Ako naman ang nagtataka ngayon. "You'll join me in my training from now..." "E... seryoso?" Tumango siya. He looked serious. "U-Uhm... fine." Malapad itong ngumiti at kinuha ang kamay ko sa gilid ko. "Great! We'll start now," "Wait!" Humarap siya sa'kin. "Why?" "I-I think... w-we can be friends..." Pahina nang pahina ang boses ko at umiwas ng tingin habang naghihintay ng sagot niya. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa ulo ko. "What do you think, R-Ril?" "Is that a nickname for me?" I nodded. "Yeah..." Pinisil niya ang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. "Yup. We can be friends once your bruise on your forehead heals." Napanguso ako. "M-Moron!" Hindi na niya ako sinagot at natawa lang. Hinila na ako nito at nalaman ko na lang na nasa harap na kami ng swimming club. "You sure I can go inside?" Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. "As long as you're with me." My mouth parted because of what he's said and I just ended it with a small smile. "Wala na palang tao..." I mumbled as I looked around. "Kanina pa sila umuwi," Aniya. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Mag-aala sais na pala. "I'll just change my clothes." I silently nodded. Ang laki rin ng pool nila rito at ang linis ng tubig. Araw-araw ba nila 'tong pinapalitan? "Want to swim?" Napamaang ako nang may magsalita sa likod ko. "U-Uh, no..." Si Ril lang. Ang bilis niyang magbihis. Umiwas din agad ako ng tingin nang mapansin na wala siyang damit pang-itaas at tanging swimming trunks lang. "You got that bruise from her, right?" Pinanood ko lang siya sa paglangoy niya. "Sort of." Nakangiti kong sagot. "Sort of, huh?" Sabay na lang kaming natawa. "Tell me if uuwi ka na, okay? Baka hinahanap ka na ng parents mo." I shook my head. "It's fine. Si kuya lang naman ang nasa bahay..." "Nasa work 'yong parents mo?" Tumango ako. "I see..." "Ikaw? Hindi ka ba hahanapin ng mama o papa mo?" Ilang saglit pa kaming nagtitigan bago siya umahon sa tubig at kinuha ang towalya sa bench. "He's here..." Kumunot agad ang noo ko at tumingin sa pintuan. Umawang ang labi ko nang makita si Quentil na nakatayo ro'n... at wala na rin siyang pang-itaas. Suot na niya ang swimming trunks. I looked away as I let out a sigh. What is he doing here? Dapat in-entertain niya muna si Daphne. "Hoy," Hoy? Dahan-dahan ko siyang tiningnan. Nanlaki na lang ang mata ko nang makita na nasa tabi ko na siya. Umusod ako ng kaunti pero umusod din siya palapit sa'kin. "Are you avoiding me?" Aniya nang patuloy lang kami sa pag-usod. "Birdbrain! C-Change your clothes first before sitting beside me..." "But I'm gonna swim," "Then, swim!" Tinuro ko ang pool at pinagkrus ang braso ko. Naramdaman ko ang pagtayo niya. Akala ko ay aalis na siya at lalangoy na pero pumunta lang ito sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. "W-What!" Binawi ko ang kamay ko. "What do you think you're doing, insect?!" Ngumuso ito at umupo sa harap ko. "Acril held your hand. It's not fair. I also want to hold you." Nanliit ang mata ko. It was just pride. I doubted that there was any meaning beside that. After all, he is Quentil. The man who hated losing to someone. Napangiwi na lang ako. "Just swim," I said. "Ilang araw kang walang tulog?" So, narealize niya na? 'Yong part na imposibleng pumasok si Daphne sa club namin kundi dahil sa'kin. He should be grateful. "It doesn't matter," "It does," I intently looked at him. "Why does it matter?" "He's just being eaten by his conscience because of his stupidity," Singit ni Ril at umupo sa tabi ko. Gusto ko na lang takpan ang mukha ko at sipain silang dalawa. Bakit ganito sila kalapit sa'kin at wala silang damit kundi ang swimming trunks?! Damn them! "Shut up, Acril. I'm being reasonable here," "It doesn't erase the fact that because of your f*****g stupidity, Riane got a bruise..." "Just wait, damn you! I was about to say sorry, okay?" Ngumiwi pa ito bago ulit humarap sa'kin. Napahilamos na lang ako sa sarili ko sa stress sa kanilang dalawa. "Sorry, Riane..." He didn't sound sincere, actually. "You're not sincere," Ril just said it for me. "What?! For real?" Hindi niya ba alam ang sarili niya? Maaga akong tatanda kapag sila lagi ang kasama ko. "Well, I'm really sorry, Riane. I said that with sincerity, okay? Bawal na magreklamo." Sinamaan niya ng tingin si Ril. "Lalo na ikaw." What was wrong with these guys? Kulang ba sila sa buwan o ano? "But... I am really glad that Daphne is now in our club." I nodded. "Tss..." Si Ril. "Yeah," I shortly replied. I wonder... what would happen to us now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD