"Riane, bababa muna ako saglit." Paalam ko sa kanya at tinanggal ang pagkakaakbay rito. "Bakit?" Agad niyang tanong at nilingon ako. "May kailangan lang kausapin regarding sa next project," sagot ko habang kinukuha ang tsinelas. "Ah, okay." "Sure?" Kumunot ang noo niya. "Oo, bakit?" "Well... parang ang cold no'ng huli mong sinabi." Pag-amin ko at kumamot sa batok. Ilang sandali pang nanatili ang pagkakunot ng noo niya hanggang sa natawa na lang. She even threw the cap of bottle of mineral water. Mabuti na lang at naiwasan ko 'yon kundi ay saktong tama sa noo ko. Kailan pa siya naging sharpshooter? "Hindi, 'no! Baliw ka talaga! Lumabas ka na, naii-stress ako sa'yo." Natatawa niyang sabi at kinuha ang unan para yakapin nang mahigpit. Napaiwas ako ng tingin at pinihit ang doo

