"What... just happened?" Halos pabulong na ang huling salita ko. "Here, drink this first." Binigyan ko siya ng tubig. Tipid itong ngumiti at winagayway ang kamay. "No, I'm okay." She said. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at pinatong sa hita niya. Nakayuko ito at mukhang malalim ang iniisip. Kita ko pa rin ang panginginig ng kamay niya kahit na pilit tinatago. "May nangyari bang masama?" Nilakasan ko ang loob para makapagtanong. Actually, sobrang late na ako sa trabaho. Tingin ko nga ay hindi na ako makakapasok. Though, hindi pa ako nakapagpaalam kaya baka mapasama ako nito... wala pa namang valid reason. Hinatid ko muna si... uh, I still didn't know her name, hinatid ko muna siya rito sa condo ko para pakalmahin. No'ng pumunta kasi kami sa isang restaurant, mukhang hindi pa

