Dalawang buwan ang lumipas mula no'ng intramurals namin at mas naging busy kaming apat. Sila ay sa sari-sarili nilang sport habang ako naman ay sa study ko. Bihira na rin kaming nagpupunta sa club at mga dalawang beses na lang sa isang linggo kapag nagkasama-sama kami. Awkward pa 'yon at hindi ko alam kung saan kami magsisimula. Though, tuwing umaga ay bumibisita pa rin ako dahil dinidiligan ko ang halaman ni Dara. 'Tsaka umaasa rin ako na magsasama-sama ulit kami sa club room na 'yon. Siguro, kasalanan ko rin kung bakit naging gano'n. Dapat ay hindi ko na lang binigay sa kanila 'yon. Hindi ko pa rin alam kung bakit ganoon ang naging reaction ni Ril. Tinry kong maghanap ng information about sa kanya at nagpatulong pa ako sa personal detective ng family namin– walang nakakaalam no

