"Bukas 'yong awarding niyo, 'di ba?" Diretso ang tingin ko sa daan at hindi na nag-abalang lumingon kahit na tinanong ko sila. "Well, yeah. Clap your hands for us, okay?" Bossy-ng sabi ni Quentil at maangas pang ngumisi. "Coming from someone who's only second to Ril..." Parinig ko at nagkibit-balikat. "Hoy, hag. What are you saying?" Dahan-dahan akong umiling at ngumiti. "I didn't say anything." Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para mas magmukhang inosente. Umismid lang ito at mas nauna sa'min ng kaunti sa paglalakad. "Whatever." He was unbelievably fast when it came to sulking... I wonder if he had such a secret? "See you tomorrow, insects. Bye." Saglit akong kumaway bago pumasok sa loob ng kotse. Pinagmasdan ko sila sa labas ng bintana hanggang sa mawala na sila sa pani

