"2pm..." I mumbled to myself as I looked at the wall clock. Ngayon ang match nina Ril at Quentil sa swim club. Hindi ko alam kung excited ba sila o ano pero kadalasan kasi ay nasa bandang gitna o huling araw ang mga senior high. I just wondered if what they did at nasa unang araw sila. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinabi ang libro na tinatapos kong basahin. Babalik ang owner nito bukas para kuhanin at pakinggan ang opinion ko sa pagsulat niya. So far, nagustuhan ko ang way ng pagsusulat niya at ito na lang talaga ang tanging naglilitas sa'kin mula sa boredom. Mula kaninang umaga, apat na estudyante pa lang ang naliligaw rito para bumili nitong paninda namin. Tinali ko muna ang buhok ko at saka lumabas ng club room. "Oh..." Kumunot ang noo ko nang may makitang nakatayo sa harap

