"Pass all your papers forward." Sabay-sabay na pagbuntong-hininga ang narinig ko at ang pagtunog ng mga nalaglag na ballpen sa mesa o sahig. Isa na ako ro'n. Hinilot ko ang sintido ko at ilang segundo pang tinitigan ang papel ko bago naisipang ipasa sa nasa harapan ko ang sarili kong papel. The test was finally over, huh... hindi pa iyon finals at patikim pa lang pero parang unti-unti nang pinupunit ang utak ko sa hirap ng mga questions lalo na sa Math. Wala akong problema sa ibang subject dahil kering-kering ko 'yon. Well, you couldn't blame me for being weak in that subject. Kakaunti lang din ang mga pinagpala sa bagay na 'yon. I was a talentless person at tanging sa academic lang ako nag-e-excel pero hindi pa rin gano'n kadali 'yon. Unlike ng natural talent na natural din ang pa

