"You're late, hag." Inis na sabi ni Quentil no'ng makarating ako. Sinulyapan ko si Daphne sa tabi niya na nakasuot ng jersey ng volleyball team at pinapatalbog ang bola sa braso niya. Hindi ba siya nalalamigan sa outfit niya o part 'yan mismo ng training niya? Well, I guess, she was just a volleyball freak. "Bakit hindi pa kayo pumapasok?" Tanong ko sa kanila habang kunukuha ang susi sa bulsa ng bag ko. "Idiot. Tingin mo may susi kami? Kayong dalawa lang ni Ril ang mayro'n, 'di ba?" Sinulyapan ko siya at nginiwian. Ang aga-aga, bugnot na bugnot siya. Siguro ay dahil sa antok. Hikab pa siya nang hikab at maya-maya rin ang pag-unat niya ng katawan niya kaya pansin ko. But I could blame him. Siya ang nagplano nito na i-surprise namin si Ril kaya dapat lang na siya ang maging exampl

