"Hey..." I greeted as I walked towards him. Nilingon niya naman ako at umusod ng kaunti sa bench nang makita ako. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ang sarili ko. Medyo malamig na rin pala. Sana ay walang dumating na bagyo sa parating na intramurals namin. "Kumain ka na?" Tanong niya at saka hinubad ang suot niyang jacket at binigay sa'kin. Jacket nila 'to sa swim club... ang ganda pala. Ngayon ko lang 'to nakita ng ganito kalapit. "Uh, oo." Ngumiti ako at tumingin sa langit. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at huminga nang malalim. "Is it fine for me to wear this?" I asked. I was worried about him. Baka siya 'yong nilalamig at biglang magkasakit. I couldn't afford that. Lalo na ngayong palapit ang preliminary nila sa swimming. Makokonsensya ako sa habang buhay. "Yeah..." But h

