"Ready na kayo?" Bungad ko sa kanila pagpasok ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas nang mag-uwian. Nauna sa'kin si Quentil dito dahil tumulong pa ako sa paglilinis kanina ng classroom namin. Duty ng mga cleaners– wala naman akong magagawa. "Wala pa si Daphne..." Sabi ni Quentil at binaba ang paa sa mesa. "Si Ril?" Tanong ko nang mapansin na wala pa siya. "What's up?" Nagtaasan na lang ang mga balahibo ko sa batok nang may bumulong sa'kin mula sa likod. "R-Ril!" Natawag ko na lang siya sa pangalan niya at humarap sa kanya saka ngumuso. "Don't scare me like that!" "Oh, sorry..." Tinaas niya ang dalawang kamay at tipid na ngumiti. Tumango lang ako at humarap ulit kay Quentil. Pumunta naman si Ril sa karaniwang pwesto niya– which is tabi ni Quentil. "Anyway, wala pa rin naman si ma'

