I still didn't give my permission to Ril for him to court me. Ayokong gumawa agad ang desisyon na pagsisisihan ko sa huli. Hindi sa ayaw ko kay Ril... sa totoo lang, mas gusto ko siyang magustuhan kaysa kay Quentil. Pero si Quentil 'yong pilit na pinipili ng puso ko. Hindi ako nalilito. Tama 'yong nararamdaman ko. Kung ide-deny ko lang 'to sa sarili ko, wala rin namang magandang mangyayari. Baka mas lumala lang dahil hindi ko pinapansin. Ngayong na-acknowledge ko na ang feelings ko kay Quentil ng buong puso... handa na ako para itigil 'to. Hindi ko na hahayaang umusbong pa. Hindi ibig sabihin ng pagpigil ko ay ang paglayo ko kay Quentil at Daphne. Mag-i-stay pa rin ako sa tabi o sa likod nila para i-support sila at bigyan ng advise kung kailangan nila. I won't run away. It'd be

