"Quentil! Saan ka na naman pupunta?!" Sigaw ko rito nang mapansin na palabas na naman siya ng club room. Napatigil ito sa paglalakad at alanganing ngumiti nang humarap sa'min. "I'm going to buy drinks," Palusot nito. Madiin akong umiling at tinuro ang upuan niya. "Balik dito. Hindi ka pa tapos sa sinasagutan mo." He shrugged. "Tss. This sucks." "Quentil..." Mahinahong tawag sa kanya ni Daphne. Tumingin ito rito at tumango. "Yes. Sorry." Palihim akong umismid at nanliit ang mata. Ang bilis niyang sumunod kapag si Daphne ang nag-uutos. May problema ba siya sa'kin? Bumagsak sana siya sa test bukas. "Malapit na akong matapos rito. May kasunod pa ba 'to, Riane?" Tanong ni Quentil maya-maya. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa libro ng Science na binabasa ko. Bukas

