Chapter Four

2316 Words
NAKATAYO si Leandro sa isang madilim at tagong bahagi ng hallway sa labas ng CFO department. Mag-aalas otso na ng gabi, tahimik na ang buong floor, pero mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya ang nag-iisang ilaw na nakabukas sa loob ng kanyang opisina. Doon, nakita niya si Celeste. Maingat nitong inaayos ang mga case digests sa ibabaw ng mesa niya. Pinunasan pa nito ang paborito niyang itim na ceramic mug at inilagay sa tamang pwesto. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Leandro. I'm such a jerk, bulong niya sa sarili. Dalawang taon. Dalawang taon siyang umuuwi at pumapasok na walang kaalam-alam na hindi pala si Garry o ang team niya ang gumagawa ng mga nasasaksihan niya ngayon. Ni hindi man lang pumasok sa isip niyang i-check ang mga CCTV footages para alamin kung sino ang anghel na palihim na nag-aalaga sa kanya. But now, he knows and he's watching her. Hindi na niya palalampasin pa ang pagkakataon. SUMAPIT ang Biyernes. Kinansela ni Garry ang lahat ng business meetings ni Leandro para sa gabing ito. Sa halip na umattend ng corporate dinner, nag-aabang ang makinis at itim na Audi ni Leandro sa labas ng building ng law firm. Nang makita niyang lumabas si Celeste, bitbit ang tote bag nito at mukhang pagod, agad siyang bumaba ng kanyang sasakyan. "Celeste," tawag niya. Natigilan ang dalaga. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang CFO na naghihintay sa kanya. "S-Sir Leandro? Anong ginagawa niyo rito? Gabi na po." "Get in the car. I'm driving you home," seryosong utos niya, binubuksan ang passenger door. Umiling si Celeste, pilit na iniiwas ang tingin. "Hindi na po kailangan. Maglalakad na lang ako hanggang sakayan ng tricycle. Nakakahiya po, tsaka—" "Celeste, get in, or I will literally carry you inside this car in front of all the remaining employees in that lobby," banta ni Leandro, though his voice was surprisingly soft. Alam ni Celeste na hindi nagbibiro ang binata. Napabuntong-hininga siya at wala nang nagawa kundi ang sumakay. Pagkapasok ni Leandro sa driver's seat, agad nitong pinaandar ang sasakyan at dumiretso sa kalsada. Tahimik lang si Celeste habang bumibiyahe sila, pero makalipas ang sampung minuto, napansin niyang hindi man lang nagtatanong si Leandro kung saan siya nakatira—at mas lalong napansin niyang pamilyar ang dinadaanan nila. Patungo ito mismo sa barangay niya sa Taguig. "Wait... paano mo nalaman ang daan papunta sa apartment ko? Hindi ko naman ibinigay sa'yo ang address ko," gulat na tanong niya, nakatitig sa binata. "I'm the Chief Financial Officer of the firm, Celeste. I have access to employee files. And when I decide I want to know something, I make it my business to know," kalmadong sagot ni Leandro, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Naramdaman ni Celeste ang pamumula ng pisngi niya dahil sa halong hiya at kaba. Nang pumasok sila sa masikip at medyo madilim na kalsada ng barangay niya, biglang umatake ang insecurity niya. "Sir Leandro, ihinto mo na dito," pakiusap niya, nag-iiba ang tono ng boses. "Please. Hanggang dito na lang. I-U-turn mo na lang itong sasakyan mo pabalik ng BGC para makauwi ka na." Itinabi ni Leandro ang sasakyan sa mismong tapat ng maliit na apartment gate ni Celeste, pinatay ang makina, at seryosong lumingon sa dalaga. "Why would I do that?" "Kasi nakakahiya!" matapang ngunit basag ang boses na sagot ni Celeste. "Look around you, Sir Leandro! Mayaman ka, isinilang kang may gintong kutsara sa bibig. At ako? Ito ang buhay ko. Maliit, squatter's area tingnan, puro ingay... I'm just barely surviving. You don't belong here. Kaya please, umuwi ka na." Leandro slowly unbuckled his seatbelt and leaned closer to her. "I belong exactly where you are. Stop pushing me away, Celeste, because I am not leaving." Bumaba si Leandro at pinagbuksan siya ng pinto. Sa sobrang kakulitan at pagpupumilit ng binata, sumuko na rin si Celeste. She sighed in defeat and unlocked her apartment door, letting him inside. Pagkapasok, agad na nilibot ng mga mata ni Leandro ang kabuuan ng inuupahang studio type apartment ng dalaga. It was small—barely the size of his walk-in closet back in their family mansion. But it was incredibly neat. Walang kalat, maaliwalas ang amoy, at halos lahat ng makikita mo ay kulay pink. Pink ang bedsheet, pink ang mga kurtina, pati ang maliliit na throw pillows sa nag-iisang sofa. Napangiti si Leandro. So she loves pink. Good to know. "Upo ka lang diyan sa sofa," mabilis na utos ni Celeste, pilit itinatago ang hiya. Iniabot niya ang remote ng TV. "Manood ka muna kung gusto mo. Maghuhugas lang ako ng katawan, kapag nagsawa ka puwede ka nang umuwi at gabing gabi na rin" Hindi na sumagot si Leandro at tahimik na naupo sa pink sofa. Kumuha si Celeste ng tuwalya at mabilis na pumasok sa maliit na banyo. Pagkaraan ng ilang minuto, narinig ni Leandro ang buhos ng tubig mula sa shower. Agad na tumigas ang panga ng binata. Napasandal siya sa sofa at mariing ipinikit ang mga mata. The sound of the water hitting her skin was absolute torture. All he could think about was the night they shared together in that resort in Batangas—the way her skin felt against his, the soft whimpers she made when he took her virginity, the intoxicating scent of her hair. He gripped the armrest tightly. He wanted nothing more than to kick that bathroom door open, step into the shower with her, and claim her all over again. But he held back. No, he reminded himself. I am here to court her properly. Not to scare her away. Nang bumukas ang pinto ng banyo, lumabas si Celeste na nakasuot na ng simpleng floral house dress. Amoy na amoy ang sabon at shampoo sa kanya. "O, ba't nandito ka pa?" mataray na tanong ni Celeste habang nagpapatuyo ng buhok. "Umuwi ka na, Leandro. Wala kang mapapala dito ngayon." "I'm staying," matigas na sagot niya. "And I'm hungry. Let me order us some dinner. May paborito ka bang restaurant sa BGC? I'll have it delivered." Umiling si Celeste at humalukipkip. "Sabi nang umuwi ka na, eh. Pero kung talagang mapilit ka at gusto mong maghapunan dito... kakainin mo kung ano lang ang lulutuin ko at ihahain sa'yo. Walang o-orderin. Take it or leave it." "Deal," Leandro agreed immediately in a heartbeat. Ni hindi siya nag-isip. Napakunot ang noo ni Celeste. Nagtaka siya sa bilis ng sagot nito, pero tumalikod na rin siya. "Maghintay ka dito. Lalabas lang ako sandali." Pumunta si Celeste sa kapitbahay nila para manghingi ng kaunting dahon ng malunggay. Nang bumalik siya, nagsaing na siya sa rice cooker, binuksan niya ang maliit niyang gas stove, at nag-gisa ng bawang at sibuyas. Inihalo niya ang isang lata ng sardinas, iginisa, dinagdagan ng kaunting tubig at inihalo ang dahon ng malunggay. The smell of garlic and tomato sauce filled the small room. Nang ihain niya ang hapunan sa maliit na folding table, napatingin si Leandro sa pagkain. Rice and canned sardines with some green leafy vegetable. It was lightyears away from the wagyu steaks, truffles, and caviar he normally had for dinner. "Sardinas lang 'yan," defensive na sabi ni Celeste habang sumasandok ng kanin. "Kung ayaw mo, pwede ka nang umu—" Bago pa matapos si Celeste sa sasabihin, sumubo na si Leandro sa inihaing pagkain para sa kanya ng dalaga. Nginuya niya ito, at unti-unting nanlaki ang mga mata niya. The rich, savory tomato sauce mixed with the fresh vegetable and hot rice was completely unfamiliar, yet surprisingly delicious. "This is..." Leandro took another big spoonful. "This is really good, Celeste." "Seryoso ka ba? Sardinas lang 'yan," hindi makapaniwalang sagot ni Celeste, unti-unting nawawala ang pagiging mataray. "I'm serious. This is the best meal I've had all week," Leandro said genuinely, enjoying the simple dinner. He finished his plate clean, earning a soft, almost imperceptible smile from the usually strict clerk. Pagkatapos kumain at maghugas ng plato, nag-toothbrush si Celeste sa maliit nilang lababo. Paglingon niya, nakasandal si Leandro sa hamba ng pinto, pinapanood siya. Umirap si Celeste, pero may kinuha siyang isang bagong toothbrush na nakabalot pa sa plastic mula sa cabinet niya at inihagis ito sa dibdib ni Leandro. Nasalo naman ito ng binata. "O, mag-toothbrush ka na bago ka umalis. Stock ko 'yan." Tinitigan ni Leandro ang murang toothbrush sa kamay niya, pagkatapos ay tumingin siya kay Celeste na nagmumumog. A wave of immense happiness and warmth washed over his chest. Nakakapasok na siya sa mundo ni Celeste. Alam niyang matigas ang labas nito dahil nasanay itong mag-isa. She was fiercely independent, but deep down, she was a woman crying out to be loved and taken care of. Habang binubuksan ni Leandro ang plastic ng toothbrush, lihim siyang nangako sa sarili. He finally knows where to start. He knows exactly how to handle her delicate heart, and he isn't going anywhere until this pink, small apartment is replaced by the real home she truly deserves. NAGMUMUMOG si Leandro gamit ang murang pink na baso sa ibabaw ng maliit na lababo, hindi niya maiwasang sulyapan si Celeste mula sa maliit na salamin. Ang dalaga naman ang nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, at pinapanood ang bawat galaw niya. Pagkatapos magpunas ni Leandro ng bibig gamit ang panyo niya, inilahad ni Celeste ang kamay nito. "Akin na 'yang toothbrush," utos ni Celeste. "Itatapon ko na. Mura lang 'yan, nabili ko ng buy-one-take-one sa palengke." Imbes na ibigay, naglakad si Leandro papunta sa sink cabinet ni Celeste at maingat na inilagay ang toothbrush niya sa tabi ng mismong toothbrush ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Celeste. "Hoy! Bakit mo iniwan diyan? Sabi nang itatapon na, eh!" "I'm keeping it there," seryoso ngunit may nakakalokong ngiti na sagot ni Leandro. Humarap siya kay Celeste at dahan-dahang lumapit. "I'll need it for next time." Umatras nang kaunti si Celeste, ramdam ang biglaang pagkabog ng dibdib niya. "Sinong may sabing may next time, Sir Leandro? Swerte ka nga pinakain kita ngayon imbes na itaboy kita palabas." Leandro stopped just inches away from her. "Drop the 'Sir', Celeste. We're way past that. Leandro. Just call me Leandro." Nag-iwas ng tingin si Celeste, pilit itinatago ang pamumula ng mga pisngi niya. "O-Oo na. Umuwi ka na nga. Gabi na oh, baka ma-carnap pa iyang mamahalin mong sasakyan sa labas." Tuluyan nang naglakad si Celeste papunta sa pinto para pagbuksan ito. Sumunod naman si Leandro. Nang makalabas sila sa makipot na hallway ng apartment, humarap muli si Celeste sa kanya. Medyo lumamig na ang hangin ng gabi, at naramdaman ni Leandro ang kapayapaan na matagal na niyang hindi nararanasan sa maingay at magulong mundo ng korporasyon. "Seryoso, Leandro," basag ni Celeste sa katahimikan. Nawala ang pagiging mataray ng boses niya at napalitan ito ng sinseridad. "Thank you. Pero... please, huwag mo na itong uulitin. Nakakahiya talaga ang lugar ko para sa isang tulad mo. Naiilang ako." Umiling si Leandro. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Celeste na tumatabing sa mukha nito. The gesture was so soft, so tender, miles away from the aggressive passion they shared back in Batangas. "Celeste, look at me," malambing niyang utos. Nang magtama ang mga mata nila, nakita ni Leandro ang takot at kaba sa mga mata ng dalaga. Takot na umasa. "Wala akong pakialam kung nasa isang maliit na apartment ka," patuloy ni Leandro, ang boses ay buo at puno ng kasiguraduhan. "I loved tonight. The simple food, this pink room, everything. Mas na-enjoy ko ito kaysa sa kahit anong Michelin-star dinner na napuntahan ko. Kaya masanay ka na, dahil babalik at babalik ako rito." Napalunok si Celeste, pilit na pinipigilan ang pagngiti at ang luhang nagbabadyang mamuo dahil sa tuwa. "Siraulo ka talaga. Sardinas lang iyon." "It was the best sardinas ever," natatawang sagot ni Leandro. "At ipagluluto mo pa ulit ako." Bago pa makasagot si Celeste, yumuko si Leandro. Inasahan ng dalaga na hahalikan siya nito sa labi, kaya bahagya siyang napapikit. Pero imbes na sa labi niya, naramdaman ni Celeste ang mainit na labi ni Leandro na dumampi nang matagal sa kanyang noo. It was a kiss of respect. A silent promise of protection. "Lock your door, okay? Huwag kang lalabas kapag hindi ako ang kumakatok," bilin ni Leandro nang paglayuin na nito ang kanilang mga mukha. "I'll text you when I get home. Susunduin kita bukas ng umaga." "Ha? No need!" mabilis na tutol ni Celeste, bumabalik sa reyalidad. "Saturday bukas, walang pasok! Tsaka mag-lalaba pa ako—" "Then I'll help you do the laundry," kibit-balikat na sagot ni Leandro. "Susunduin kita at mag-aalmusal tayo. Ako naman ang taya." "Pero—" "No arguments. Goodnight, Celeste." Kinindatan niya ito bago tuluyang tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan niya. "Ang kulit ng bungo mo!" pahabol na sigaw ni Celeste, pero hindi na niya mapigilan ang malawak na ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Pinanood ni Leandro mula sa loob ng Audi niya ang pagpasok ni Celeste at ang pag-lock nito ng gate. Nang makasigurong ligtas na ang dalaga sa loob, saka lang niya pinaandar ang makina. Habang nasa biyahe pabalik sa malawak ngunit tahimik niyang condo sa BGC, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Leandro. Ang higpit ng hawak niya sa manibela ay napalitan ng gaan. As a Chief Financial Officer, he closed multi-million peso deals effortlessly. But getting a stubborn, guarded, and independent clerk to let him into her tiny pink apartment, feed him canned sardines, and keep his toothbrush by her sink? That was his biggest victory yet. He finally got his foot in the door of Celeste's heavily guarded heart. Nakangiting kinuha niya ang cellphone niya paghinto sa isang red light at nag-type ng mensahe. "I'm home. Sleep well, my angel. See you tomorrow." Para kay Leandro Co, umpisa pa lang ito ng pinakamagandang investment ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD