Chapter Five

1983 Words
MAAGANG nagising si Celeste dahil sa magkakasunod na katok sa pinto ng apartment niya. Magulo pa ang buhok niya at nakasuot ng floral house dress, padabog niyang binuksan ang pinto. "Sino ba—Leandro?!" Nanlaki ang mga mata ni Celeste. Nakatayo sa labas ng pinto niya ang CFO, nakasuot ng simpleng white v-neck shirt, maong pants, at white sneakers. He looked effortlessly breathtaking, even in a cramped Taguig apartment hallway. Seryoso nga ang binata sa sinabi nito kagabi na babalik ito ngayong araw. "Good morning, angel. I told you I'd pick you up," nakangiting bati ni Leandro. "Ano ba, Leandro! Sabi ko huwag ka nang bumalik dito, 'di ba? Atsaka Sabado ngayon, rest day ko!" pilit na itinataboy ni Celeste ang binata habang pilit isinasara ang pinto, pero iniharang ni Leandro ang binti at paa nito. "We're having breakfast. Dress up, or I'll drag you out in your house dress," banta nito, ang ngiti ay may halong pilyong determinasyon. Wala nang nagawa si Celeste. Makalipas ang kinse minutos, natagpuan na lang niya ang sarili na hila-hila ni Leandro papunta sa isang carinderia sa kanto. How do he even know this place? Maraming nakatingin sa kanila—lalo na kay Leandro na halatang hindi taga-rito dahil sa kutis at tindig nito—habang kumakain ito ng tapsilog at umiinom ng mainit na sabaw sa isang maliit na plastic na lamesa. "Nakakahiya, ang daming nakatingin," bulong ni Celeste habang naghihiwa ng itlog. "Let them look," kibit-balikat ni Leandro, walang paki-alam sa mundo. "This tapsilog is actually amazing." Hindi makapaniwalang pinanuod ng matagal ni Celeste si Leandro habang abala at masaya itong kumakain. This is the man she keeps falling in love with. PAGKATAPOS kumain, bumalik sila sa apartment. Natalo na si Celeste sa kakulitan ni Leandro kaya hinayaan na lang niya ito. Nagsimula siyang maglabas ng mga planggana para maglaba sa maliit niyang banyo. "What are you doing?" tanong ni Leandro, nakasandal sa hamba ng pinto. "Maglalaba. Sabi ko sa'yo busy ako tuwing Sabado, 'di ba?" Walang sabi-sabi, tiniklop ni Leandro ang sleeves ng shirt niya at umupo sa maliit na bangko sa tabi ni Celeste. "Teach me. First time kong gagawin 'to." "Seryoso ka ba? May mga maids kayo, Leandro. Baka masira lang ang mga damit ko sa'yo!" natatarantang saway ni Celeste. "How hard can handwashing be?" kampanteng sagot nito sabay lubog ng mga kamay sa plangganang may sabon. Naging kulitan at asaran ang sumunod na kalahating oras. Puno ng bula ang sahig ng banyo. Tawa nang tawa si Leandro habang tinuturuan siya ni Celeste kung paano kusutin ang mga damit. Pero biglang natigilan si Celeste nang mapansin kung ano ang hawak ng binata. Ang kanyang pink na lace underwear. At matiyaga itong kinukusot ni Leandro, may nakakalokong ngiti sa mga labi. "Oh my god! Leandro, bitawan mo 'yan!" Namula hanggang tainga si Celeste, mabilis na inagaw ang panty mula sa mga kamay ng binata. "That's my personal undergarment! You can't wash that. Ibigay mo iyan sa akin." Tumawa nang malakas si Leandro. "Bakit ka nahihiya? I've seen you in less, Celeste. Actually, I've seen you in nothing." "Siraulo ka talaga!" hinampas ni Celeste ng basang tuwalya ang braso nito, sobrang hiyang-hiya. "Lumabas ka na nga doon! Ako na ang tatapos nito!" Itinaas ni Leandro ang mga kamay sa ere at umaktong sumusuko. Kapagkuwan tumatawa pa itong naghugas ng mga kamay sa gripo. "Alright, alright. Ang cute mong mag-blush. But seriously, pink is definitely your color." He casually said it and he mean it with a wink. TANGHALI na nang matapos sila sa gawaing bahay. Nagluto si Celeste ng Tinolang Manok. Pamilyar si Leandro sa putahe dahil madalas itong ipaluto ng lola niya sa mga chef nila sa mansion, pero iba ang timpla ni Celeste. "This is genuinely delicious," papuri ni Leandro habang humihigop ng mainit na sabaw. "Masarap pa sa luto sa bahay." "Bolero," pabulong na sagot ni Celeste, pero hindi niya maitago ang tipid na ngiti. Pagkatapos kumain, lumipat sila sa pink na sofa ni Celeste at nagbukas ng Netflix. Nanonood sila ng isang pelikula, pero ramdam ni Celeste na kanina pa nakatitig sa kanya si Leandro imbes na sa TV. "May dumi ba ako sa mukha?" naiilang na tanong ni Celeste, nilingon ang binata. Umiling si Leandro. Naging seryoso ang ekspresiyon nito. Sumandal ito sa sofa at hinarap nang buo si Celeste. "How did you do it, Celeste?" panimula ni Leandro, ang boses ay mababa at kalmado. "Ang alin?" "Managing your heavy workload in the research department, while secretly fixing the entire financial reports of my office every single night. Paano mo kinaya iyon?" Natigilan si Celeste. Ibinaba niya ang remote. "I... I just did." "Wala kang accounting or finance degree, Celeste. Clerical office degree ang tinapos mo. Our financial briefs are incredibly complex. Kaya nagtataka ako nang malaman ko na ikaw ang nag-aayos sa ilang mga problema sa mga papeles namin. Paano mo natutunang ayusin ang mga iyon ng walang palya?" Bumuntong-hininga si Celeste, alam niyang hindi na siya makakapagtago. "Inaral ko. Bumili ako ng mga murang libro sa Recto tungkol sa corporate finance. Kumuha ako ng free online courses kapag weekend. Tapos... palihim akong nagtatanong kay Garry at sa ibang staff mo sa finance kapag may mga bagay akong hindi maintindihan at nais matutunan." Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Leandro, hindi makapaniwala sa dedikasyon ng dalaga. "Two years, Celeste. Dalawang taon mong inaral ang trabaho na wala ka namang background, para lang mapagaan ang trabaho ko? Bakit?" Nag-iwas ng tingin si Celeste, nakakaramdam ng init sa sulok ng mga mata niya. "Kasi... nakikita kitang pagod palagi. Noong una, gusto lang kitang tulungan. Pero hindi ko namalayan, nasanay na ako. Naging routine ko na ang alagaan ka mula sa malayo. Kahit hindi mo ako napapansin. Kahit hindi mo alam na ako 'yon." Kasi mahal kita, gusto sana niyang isigaw, pero pinigilan niya sa kanyang lalamunan. It was unconditional love in its purest form. Hinawakan ni Leandro ang kamay ni Celeste at marahan itong pinisil. "You know, women in my circle, they do everything to get my attention. They climb into my bed, they fake their personalities, they want my family's status and the wealth my name brings. They want something in return." Hinaplos ni Leandro ang pisngi ni Celeste. "But you... you stayed in the shadows. You climbed my corporate workload just to make my life easier, expecting absolutely nothing. You are entirely different, Celeste." Tumingala si Celeste at nagtama ang mga mata nila. "And for the record," dagdag ni Leandro, isang malambot na ngiti ang sumilay sa labi niya. "I noticed you. Long before Batangas." "T-Talaga?" hindi makapaniwalang bulalas ni Celeste. "Yes. Months ago. You're remarkable in the research team. Smart, capable, and terrifyingly strict. Lagi kitang nakikita sa hallway. I just didn't know you were the same angel making my coffee." Biglang nag-iba ang kislap sa mga mata ni Leandro. Isang pilyong ngiti ang pumalit sa seryosong mukha nito. "But I have to admit... what really caught my full attention was that sexy red bikini in the pool party. And the fact that you bravely followed me to my villa." Namula si Celeste, mabilis na hinampas ang dibdib nito. "Leandro! Sabi ko kalimutan mo na iyon, eh! Lasing tayo pareho!" Hinuli ni Leandro ang kamay nito at inilapit ang mukha niya. "Lasing ako, pero tandang-tanda ko kung gaano ka nakakabighani, Celeste. That's why I'm completely crazy right now. I don't want to just be the guy you take care of in secret. I want to take this relationship to the next level." Huminto ang paghinga ni Celeste. Ang lalaking pinapangarap niya sa loob ng dalawang taon ay pormal nang nagpapahiwatig sa kanya. Nandoon na ang pagkakataon na sunggaban ang inaalok nito. Isang pagkakataon na maging nobya ng isang Leandro Co. Pero mabilis na bumalik sa kanyang isipan ang reyalidad. Ang kanyang sirang pamilya. Ang lola niyang mukhang pera. Ang katayuan niya sa buhay. Dahan-dahan, binawi ni Celeste ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Leandro. Pilit siyang ngumiti, kahit na pakiramdam niya ay dinudurog ang puso niya. "Leandro... masaya ako na na-a-appreciate mo ako. Masaya ako na nandito ka ngayon," panimula ni Celeste, pinipigilan ang panginginig ng boses niya. "Pero hanggang dito lang tayo. I know my boundaries. I know the limit between us." Napakunot ang noo ni Leandro. "What boundaries? Celeste, I'm literally sitting on your couch—" "Ikaw ang Chief Financial Officer. Galing ka sa pamilyang Co. Ako? Ako si Celeste. Isang clerk na galing sa pamilyang puro pasanin at problema ang dala. The night in Batangas was a beautiful mistake, pero hindi pwede. Masyadong magkalayo ang mundo natin, Leandro. You belong to the high society, and I belong here." "I don't give a damn about society," matigas na sagot ni Leandro, frustration evident in his eyes. "Pero ako, may pakialam," malungkot na ngiti ni Celeste. Tinignan niya ito nang diretso habang tinatago ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. "Please. Hanggang magkaibigan lang tayo, Leandro. Iyon lang ang pwede kong ibigay." Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang maliit na apartment. Tanging ang mahinang tunog lang ng TV ang naririnig. Tinitigan ni Leandro si Celeste, pinagmamasdan ang pilit nitong pagngiti kahit na malinaw niyang nakikita ang panginginig ng mga labi nito at ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Hindi siya nagalit. Imbes na mainis sa patuloy nitong pagtataboy, mas lalo lang lumalim ang paghanga niya sa babaeng kaharap. She was completely selfless, willing to break her own heart just to protect him from her chaotic reality. Dahan-dahang umusod si Leandro. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Celeste gamit ang malalaki at maiinit niyang kamay, pinupunasan ang isang luhang nakawala mula sa mga mata ng dalaga. "Do you honestly think I'll just walk away after hearing that?" malumanay ngunit mariing tanong ni Leandro, nakatitig nang diretso sa mga mata ni Celeste. "Tingin mo ba, papayag akong hanggang dito lang tayo pagkatapos kong malaman na dalawang taon mo akong palihim na inalagaan?" "Leandro, please... intindihin mo naman ako," garalgal na pakiusap ni Celeste, pilit na ibinababa ang tingin. "Ayaw kitang hilahin pababa." "You are not pulling me down, Celeste. You're the only one pulling me together," mabilis na sagot ng binata. Inangat niya ang baba ni Celeste para pilitin itong salubungin ang tingin niya. "Take note of these three things, Celeste, and I want you to carve them into your beautiful, stubborn mind," huminga ng malalim si Leandro bago nagpatuloy sa mga sasabihin, umaasa siyang makakabawas sa nararamdamang takot ngayon ng dalaga. "Hindi ko kailanman nakita ang sarili ko na mas mataas sa'yo. If my world is too complicated for you, I will gladly step down and sit with you in this pink apartment every single day." "Your family's burden and messy background? That is not a dealbreaker. If it's heavy, let me help you carry it. You don't have to survive all on your own anymore." "Sabi mo kaibigan lang ang kaya mong ibigay ngayon? Fine. I accept your boundary. We'll start as friends. But let me make this very clear—I am not stopping there." Napasinghap si Celeste. Wala siyang mahanap na salita para ibalik sa lalaking buong-buong tinatanggap ang lahat ng kapintasan ng buhay niya. Ngumiti nang tipid si Leandro, isang ngiting puno ng kumpiyansa at pagkagusto. Hinalikan niya ulit si Celeste sa noo—matagal, mabagal, at puno ng respeto. "I'll leave you for today so you can rest. I had fun doing the laundry and eating tinola with you," bulong ni Leandro bago tuluyang tumayo at naglakad papunta sa pinto. Nang hawakan niya ang doorknob, lumingon siya, kumikislap ang pilyong mga mata. "See you on Monday at the office, friend. Humanda ka, dahil liligawan kita araw-araw hanggang sa makalimutan mo ang mga boundaries na iyan." Tuluyang umalis si Leandro, naiwang tulala, namumula, at lihim na nag-uumapaw ang puso ni Celeste sa loob ng kanyang maliit na apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD