01: FAMILIAR FACES

1733 Words
SAGE "Ang swerte mo ha, ang aga-aga ng out mo ngayon, Sage!" Tinawanan ko ang sinabi sa akin ng workmate ko, si Leo, na nagliligpit ng mga baso, kutsara't tinidor pati mga platito na iniwan ng mga customer sa kani-kanilang tables pagtapos mag-dine in sa coffee shop. Hindi naman talaga maaga ang out ko, sadyang buong araw lang ang pasok ni Leo dahil hindi lumiban ang kapalitan niya. "Bukas, maaga na rin ang uwi mo," sagot ko habang inaayos ang aking shoulder bag. I pulled my hair back and tied it up in a loose ponytail. Napakamot siya sa batok niya at saka bumuntong-hininga, iyon bang pagod na pagod na buntong hininga. "Sana matapos agad 'tong shift na 'to! Pero sige na, mauna ka na. Ingat, ha!" "Yes, sir! Ikaw rin Leo, ingat sa out mo mamaya!" tugon ko, tumatawa. Tinapik ko ang balikat ng kaibigan ko at lumabas na ng coffee shop. ♡ ⋆。˚ It is one in the afternoon and I am on my way to the treehouse. Wala naman akong gagawin sa bahay pag-uwi kaya naisip kong pumunta muna roon para ituloy na rin ang pagbabasa ko ng libro. Sa paglakakad ko sa damuhan, pumitas ako ng isang dilaw na rosas. I have always waited for this rose to finally bloom. Lagi nga akong natutuksong galawin ito noon kasi kakaibabang kulay. And the roses are so pretty! Now, I am glad that I really did not gave into my intrusive thoughts to pluck the buds out. Iba talaga ang nagagawa ng paghihintay. We get to see better and even more amazing things when we learn the art of waiting. Sa bawat hakbang na gagawin ko, nadudurog ang mga tuyong kahoy at dahon na parang musika sa tainga ko. Tirik na tirik din ang araw pero hindi ko naman ramdam ang init dahil sa makakapal na dahon at nagtataasang puno rito. Ilang hakbang na lang, mararating ko na ang puno ng acacia. Halos patakbo na nga akong pumunta roon pero agad akong natigilan nang may makitang nakatayo sa tapat ng puno ng acacia at nakatingala sa treehouse. Who is this mammal? "Sino naman 'to?" bulong ko, naniningkit ang mga mata. Wala naman akong inimbita sa treehouse at lalong wala akong ibang pinagsasabihan tungkol dito. Truth be told, the treehouse is not impossible to find but I just find it odd. Wala naman kasing masiyadong nagpupunta sa parte na ito ng gubat dahil medyo masukal na. Lumunok ako at inayos ang aking itsura bago tinuloy ang paglalakad papunta sa acacia tree. "Excuse me po?" sabi ko nang nasa tapat na rin ako ng malaking puno. Aherm! Sinadya ko pang lakasan ang boses ko pero walang kibo ang lalaking nakatalikod sa akin at nakatitig lang sa treehouse. Wow. Sikat. Famous. Untouchable. Superstar. Kaming dalawa lang dito pero hindi pa ako pinansin! Lumunok ako para mag-ipon pa ng lakas ng loob na magsalita uli. Nakakahiya kasing hindi pansinin sa unang tawag. "Hello po? Ano pong ginagawa niyo rito?" Hindi pa rin siya humaharap sa akin! Is this intentional or not?! Whatever it is, I am starting to get really, really offended. Gusto ko nang umakyat sa treehouse ko at namnamin ang sarap ng pag-iisa pero paano ko 'yon gagawin kung may stranger dito? At malay ko ba kung ano ang pakay niya. He could be silently standing there but having plans to God knows what. Akmang kakalabitin ko na ang lalaki para pansinin niya na ako nang bigla naman siyang pumihit para humarap sa akin. "Sorry?" Napakurap ako. Nang humarap sa akin ang lalaki, bigla kong naalala si. . . Riel. Naalala ko si Riel sa mga kulay tsokolate niyang mata at sa maliit na nunal sa tuktok ng ilong niya. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Katulad na katulad ng kay Riel ang mga mata pati ang nunal niya. My heart started beating like crazy and my mouth froze half-open. Years have passed but I can still clearly remember the way Riel's eyes sparkle whenever the sunlight hits it the right way. I can still remember the small mole I used to poke and compliment Riel for every single day. "Hello? Are you alright?" the guy asked, tilting his head to see my face better probably. He is tall so he needs to adjust a little to have a look at my expression. Napailing ako agad, binabalik ang sarili sa tamang ulirat. What am I thinking?! This guy cannot be Riel. Hindi naman kasi imposible na magkaroon ng katulad na mata at nunal, hindi ba? "Y-yes, of course I am. . ." "I was just strolling and I came across this tree. . . and saw that treehouse," the guy answered with his deep voice. His English sounded a little foreign to me. Doon pa lang, alam ko nang hindi siya nakatira rito. Tumango ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos. I was stunned, heck, I was dumbfounded. Riel and this guy's resemblance is uncanny. I nodded again but this time, smiling awkwardly. "Ah, g-gano'n ba. . ." "You own that treehouse?" tanong niya na naman, saglit na tiningnan uli ang bahay sa taas ng puno at bumalik din sa akin. The way he talks, his eyes, his mole. . . everything makes me remember my old friend. "Yes," sagot ko. "Dalawa kami, actually." "Who's the other one, then?" "He's gone," I answered. Para akong lumunok ng tinik nang sabihin ko 'yon at agad akong nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo niya. "What do you mean gone? Is he. . . dead? Rest in peace if the answer is yes." I sighed. "I don't know, but I hope not." Hindi siya nakasagot agad. Parang may gusto pa siyang itanong pero hindi niya mahanap ang tamang mga salita para sabihin sa akin. Akmang magsasalita na siya nang makarinig kami ng sigaw. Sigaw ng isang lalaki mula sa damuhan sa bandang kanan namin. "Riel! Enough with this hide-and-seek!" Riel? Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Someone's calling for Riel and someone is in front of me looking like an exact same copy of him. What the heck is going on here? Sunod-sunod pa ang mga sigaw hanggang may isang lalaki na lumabas mula sa makakapal na d**o at sa hindi inaasahang pagkakataon, kilala ko kung sino siya. Kilalang-kilala. "Riel! Sabing bawal lumampas sa ilog, e!" Si Ralph, ang nakatatandang kapatid ni Riel. Sigurado akong siya ito. I cannot be wrong! I may have doubts about this guy in front of me but not with Ralph. Binata na si Ralph nang huli ko siyang nakita at walang dudang siya ang ang nagsisisigaw na lalaki ngayon. Pero, kung nandito si Ralph at ang tao ngang kaharap ko ang hinahanap niya. . . Muling bumaling ang tingin ko sa lalaking kamukha ni Riel sa harap ko na ngayon ay nakangiti na, nakatitig sa direksyon ni Ralph na naghahanap sa kaniya. Naglakad palapit sa amin si Ralph. Humalakhak ito at nagmamadali na para bang isang batang ngayon lang nakakita ng kalaro. "Come on, dude! Balik na raw sa tent kasi—" Napaawang ang bibig ni Ralph nang makita ako na nakatayo sa tabi ng lalaking hawig ni Riel. Sinasabi ko na nga ba. . . makikilala niya ako. "Kasi ano?" tanong ng lalaki, natatawa sa biglang pagtigil ni Ralph. "Kuya, what?" Kuya. Pakiramdam ko, tumahimik ang buong gubat at wala akong ibang naririnig kung hindi ang paulit-ulit na kuya sa utak ko. . . Napalunok si Ralph at nawala ang ngiti sa labi niya, nakatingin pa rin sa akin. "K-kakain na raw, Riel. Pinapabalik ka na ni Mama." So. . . he really is Riel. I knew it. His smile, the way he talks, his mole, and his beautiful eyes. Hindi ako p'wedeng magkamali dahil kilala ko siya. Pero. . . bakit ganoon? Bakit hindi niya ako nakikilala? Bakit hindi niya alam na isa siya sa dalawang tao na bumuo ng treehouse? My eyes started welling up in tears. I am more confused as I am happy. Nalilito ako dahil hindi nagtutugma ang mga nangyayari sa inaasahan ko. Hinawakan ni Ralph ang balikat ng nakababata niyang kapatid at may binulong dito na nagpatawa kay Riel bago ito naglakad paalis. Riel did not even look at me again. It was as if I was just a mere stranger he bumped with in the forest. Nang tuluyan nang makalayo si Riel, humakbang palapit sa akin si Ralph, nakayuko at bagsak ang balikat. Ganitong-ganito pa rin ang hitsura niya noong huli ko siyang nakita. Mas tumangkad lang siya at pinalitan niya na ang malaking bilugang salamin na lagi niyang suot noon. "R-Ralph. . ." I whispered, my voice shaking. Ralph gulped, he couldn't even look at me in the eye. "Sage. You're here. . ." "Nakilala mo ako. And y-you guys are finally back," I said, smiling through my now welling tears. "After a very long time." Tumango siya, nag-angat ng tingin sa akin at pumeke ng ngiti. "Yes. It is. . . good to see you again." Hindi ako sumagot. Iyan lang ba ang sasabihin niya? Is it really good to see me again in this state? Na nalilito? Gulat na gulat, takang-taka? "You've met Riel." "So that's really him?" I asked Ralph. Nilayo niya na naman ang tingin niya sa akin at parang nag-iisip pa ng sagot. After a few seconds, he nodded, followed by a deep sigh. "Of course. . . that's him." "Bakit ganoon, Ralph?" "Let's talk about this some other day, I'll tell you whatever you want to know—" "Bakit hindi na ngayon?" Hindi na naman siya sumagot at tumalikod na saka naglakad paalis; pero bago siya tuluyang makalayo, sinabi ko na ang tanong na kanina pa bumubulabog sa akin. If he answers this with a yes. . . I don't think I will be able to control my emotions. "He can't remember me, right?" I asked. I wiped my tears away, trying to muster enough courage to bear whatever he will be saying. I am afraid of his answer. Natatakot ako. I know something's wrong but. . . I am scared to hear the truth. He stopped walking and then there was silence-a long, eerie stretch of silence. "Yes," Ralph finally answered. "That is right, Sage. My brother cannot remember you." And then, Ralph walked away while I was left stunned, shaking and crying over the bad news.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD