"Say bye bye na to mommy and daddy. " Masiglang kumaway si Cloud kila ate Candy at kuya Mason bago ito ngumiti sa'kin. Ang cute talaga ng pamangkin ko! Day off ko ngayon at ngayong araw ko rin isasama si Cloud sa mall para makapag bonding naman kaming mag auntie. Halos isang buwan din kasi kaming hindi nagkita ng batang 'to dahil bukod sa malayo ang tirahan nila sa'min ay ngayon lang din ako nakalabas on time galing trabaho. Ang dami kasing nagkakasakit ngayon sa'min kung kaya't madalas nagiging 12 hours ang shift namin.. Ako lang pala dahil ako ang on call ngayong buwan kaya heto, kung fu panda ang eye bags ng inyong lingkod. Pasalamat ko talagang naimbento ang make up lalo na ang concealer, at least napagtatakpan ang madilim kong nakaraan. "Candice, mag text o tumawag kapag pauwi na k

