bc

Austin's Condition ( Completed )

book_age18+
795
FOLLOW
3.4K
READ
teacherxstudent
self-improved
sweet
bxg
lighthearted
campus
office/work place
school
virgin
nurse
like
intro-logo
Blurb

Inspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and normal but little did she know, the young hottie and lady killer, Dr. Austin Clemente will turn her student life upside-down.

Having Austin as their part time teacher adds fuel to Candice's determination especially the determination to catch the young doctor's attention. For Candice, nobody's better and can be oh so perfect than Austin that is why her joy is above sea level when friendship flourishes between the two of them. A friendship she thought would bring hope for her feelings but instead, became an issue as Austin immediately cut his ties with her when he found out she is the person behind the love letters he has been receiving. Difficult it may be but Candice had to move on without an Austin Clemente in the picture.

Two years have passed and Candice has finally fulfilled her dream. She have the diploma and license, but unfortunately unemployed. Since fate is a real menace, what if Austin is the key to her employment and family problems? Will she set aside their history? Will she trust the person who turned down her love? And finally, will she accept Austin's condition?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:
"Ano ba Candice, kanina ka pa nag bibihis. Male-late na ako sa trabaho." "Bababa na ate. Sandali lang." Matapos kong matahi ang napunit sa uniform ko ay agad ko itong isinuot. Mamaya nalang ako mag aayos ng sarili pag dating sa classroom kasi naiinis na si Ate Candy. Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan ay saka ako bumaba. Sa baba ay naabutan ko si ate na halatang inip na inip ng nag aantay sa'kin. "Sorry Ate, tumaba ata ako. Napunit ng konti yung bandang kili-kili ng blouse ko kaya tinahi ko pa." "Ba't kasi ayaw mo pang bilihan kita ng bagong blouse?" "Wag na Ate. Dalawang taon na rin naman lang graduate na ako." "Ewan ko sa'yo. 'Yang pagiging matipid mo unreasonable na rin eh. Tara na nga." Sa labas ay naabutan namin si Nanay na focus na nag wawalis ng mga tuyong dahon. "Ang Tatay, Nay?" "Nasa baranggay hall na. Maaga siya ngayon dahil kailangang asikasuhin yung mag sponsor na ospital sa baranggay natin para sa libre check up at bakuna." "Wow, may pa-ganun palang ganap dito. Amazing. Sige Nay, mauna na po muna kami. Mamaya nalang ulit. Lab yu." Humalik na kami ni Ate Candy sa pisnge ni Nanay saka lumabas ng gate namin. Naunang sumakay sa scooter niya si Ate Candy saka iniabot sa'kin ang helmet ko at sumakay sa likod niya. "Kapit kang mabuti Candice." Kumapit naman ako sa baywang ni Ate saka niya pinaandar ang scooter at umalis. Habang lulan ng scooter ni Ate ay hindi ako makapaniwala na nasa 3rd year college na ako ngayon. Konting panahon nalang gagraduate na ako't magiging ganap ng nurse. Hindi naman talaga nursing ang first option ko noong bata pa ako, pangarap ko noon maging TV reporter pero noong 2020 ay nagkaroon ng pandemya at isa si Ate Candy sa mga kawawang nilalang na tinamaan ng virus. Ang kwento sa'kin ni Ate dahil daw hindi pwede sila Tatay at Nanay sa kwarto niya sa ospital kung kaya't puro nurses lang ang araw araw niyang nakakasalamuha. "Alam mo 'yun na kahit hirap na hirap din sila sa kalagayan nila sige pa rin ng sige sa trabaho kahit hindi kasiguraduhan ang kaligtasan nila. Nakakaawa man pero mas nanaig yung pag hanga at pag respeto ko sakanila. Hindi lang sa mga nurses, sa lahat ng frontliners noon." Kaya ng malaman ko ang nangyari sa nakaraan ay naenganyo akong kumuha ng nursing. Hindi lang dahil sa gusto kong makatulong sa kapwa, gusto ko rin maalagaan at mabantayan ang kalusugan ng pamilya ko. "Anak ni gagamboy naman o." Dismayadong itnigil ni ate ang kaniyang scooter. Inabot na kasi kami ng traffic kahit na 6:30 palang ng umaga. Hindi rin kami makasingit sa mga sasakiyan dahil halos magkakadikit na ang mga ito. Ano ba 'yan, hindi pa man din ako nakapag ayos ng sarili, dadating pa ako sa school nito na parang inihaw na pusit. Habang nag aantay umusad ang daloy ng trapiko ay napatingin ako sa katabi naming sasakiyan na kulay pula. Halatang mamahalin, kung hindi ako nagkakamali mukhang sports car ito. Eh di siya na ang may sports car. Kung ako sakaniya hindi ko ilalabas ang ganiyang sasakiyan, bukod sa hindi bagay sa ganitong lugar, mainit din sa mata ng mga carnapper. Pinagmamasdan ko na rin lang naman ang sasakiyan, bakit hindi na rin ako manalamin. Dahil sa napaka kintab at malinis ang kotse ay kitang kita ko ang itsura ko. Nakakadismaya, naligo naman ako pero ngayon para akong ibinabad sa suka kaya kinuha ko sa bulsa ng suot kong slacks ang panyo ko saka nag punas ng mukha. Pero nagulat nalamang ako ng ibaba ng driver ang bintana ng sasakiyan niya kaya agad akong humarap at inayos ang pagkaka kapit kay Ate Candy. "Excuse me, Miss." Pareho naming nilingon ni Ate ang driver ng pulang sports car at anak ni Bathala naman. Artista ba 'to? Model? O Prinsipe? Syete! Ang gwapo. Ang gwapo gwapo. Mukhang ako ang tinutukoy niyang Miss dahil sa'kin siya nakatingin. Sa'kin ba talaga o assuming lang ako? Ah ewan. "Kinakausap ka Candice." Sita sa'kin ni Ate Candy. Dahil hindi ako nakapag salita kaagad kaya siniko niya pa ako ng mahina. "Ay sorry. Ako po ba kinakausap niyo?" "Yes, I'm talking to you." Ngumiti pa siya sa'kin kaya nakita ko ang maputi at pantay pantay niyang mga ngipin. Lalo lamang siyang gumwapo sa paningin ko, makalaglag uterus. Haha! Ang fresh niyang tingnan kaya hindi ko maiwasang mahiya. "Bakit po?" "Can you see anything from your position if what's causing the traffic?" Ay? Akala ko pa naman kukunin na ang number ko, gawin ba akong teleskopyo? Pero dahil mabait ako at binuo niya ang araw ko ay sinunod ko ang sinabi niya. Ibinaling ko sa unahan ang mga mata ko para tingnan kung may kakaiba na nag dudulot ng traffic. "Ay, ay, meron po. UV Express po. May nakabanggaan ata po." "Really? Will you look after my car for the meantime? I'll be right back." "Po? Sir, sandali." Lumabas ng kotse si Kuya Pogi at nag dirediretso sa lugar kung saan sinabi kong may nag banggaan. Kami naman ni Ate ay nataranta dahil baka umusad ang traffic eh nandito sa daan itong sports car. "Candice, sundan mo na yung lalaki." "Hala, bakit Ate? Hindi naman ako desperado para mag habol sa lalaki." "Tanga. Anong pinagsasasabi mo riyan? Ang ibig kong sabihin sundan mo yung lalaki kasi mamaya niyan may mawala o mangyari sa kotse niya sa atin pa isisi." "Ah. Sorry naman. Sige, sundan ko muna siya." "Bilisan mo lang." Bumaba ako sa scooter ni Ate at sumunod kay Kuya Pogi. Habang papalapit ako ay unti unti kong naririnig ang mga nag uusap sa paligid pero mas kapansin pansin ang nangingibabaw na boses ng isang babae. "Aaaah!" "That's it. Almost there. Another push Ma'am." May nag bangaan ngang UV Express at kotse kaya naman pansamantalang abala ang mga pulis sa nag bangaan at daloy ng trapiko pero mas nakakagulat itong nanganganak ngayon dito sa loob ng kotseng nabangga. Siguro sa pagmamadali ng driver ng kotse na maisugod sa ospital si Misis ay dun nag simula ang bangaan. Buti nalang wala namang nasaktan sa mga pasahero ng mga sasakiyan pwera nalang kay Misis na ngayon ay hirap na hirap na sa pag-ire. Hindi na ata makapag hintay ang baby niya na makalabas kaya hindi na sila aabot ng ospital dahil sa traffic. "Oh no, Ma'am don't fall asleep. f**k! Anybody here a doctor or a nurse or someone who knows or trained on how to deliver a baby?" Si Kuya Pogi pala ang nag papa anak ngayon kay Misis. Kahit hirap na hirap siya ba't ang fresh niya pa rin. Saktong lumingon sa'kin si Kuya Pogi kaya tinawag niya ako. "Bakit po?" "Assist me. No matter what happen do not let her close her eyes. Keep her awake. Do you understand?" "P-po?" "We don't have much time Miss otherwise both the mother and the baby will be in critical condition." Hala, Estudyante palang ako eh.  Tiningnan ko ang mga tao sa paligid pero wala rin ata silang alam at walang balak na tumulong. Kaya naman kahit kinakabahan ako ay tumulong na ako. Parang naging scrub at ciruculating nurse ako habang tinutulungan si Kuya Pogi at si Misis. Patience is a virtue ika nga kaya laking tuwa namin ng makalabas ang baby at kaagad itong umiyak. Ipinakita rin ni Kuya Pogi ang anak ni Misis bago ito nawalan ng malay dahil sa pagod. Ilang minuto palang ang nakakalipas ng panganganak ay may lumapit na rin sa'ming paramedics. Base sa nakita ko sa uniform nila, galing sila sa UFMC. Ang UFMC ang isa sa mga premier hospitals dito sa Pilipinas kaya kapag nasa UFMC ka nag tatrabaho, aba, cream of the crop ka mars. Kaya nga pinag iigihan ko ang pag aaral ko para naman kung sakaling mag apply ako sa UFMC ay matanggap ako. "Hey." Naputol ang panunuod ko sa ginagawa ng mga paramedics sa mag-ina ng tawagin ako ni Kuya Pogi. Kasalukuyan siyang nag lalagay ng alcohol at kapansin pansin din ang dugo sa kaniyang damit. Pero bakit ganun? Ang pogi pa rin niya. "Ano po?" "Thank you." "Wala po 'yun. Balang araw naman po gagawin ko rin ang ganun, mas matindi pa. Mas nakakabilib po kayo. Salamat po sa malasakit niyo sa mag-ina." "Well, part of the oath. Anyway, you mentioned you'll do this in the future. Are you planning to become a doctor?" "Hindi po. Nurse po. Nursing student ako." "Really? From what school?" "Saint Agatha po." "Wow, interesting." Tumango tango pa si Kuya Pogi. Speaking of school, MALE-LATE NA AKO!" "Mauna na po ako. May pasok pa po ako eh." Tatakbo na sana ako pero tinawag muli ako ni Kuya Pogi. Bakit? Hihingiin mo na ba Kuya ang number ko? Hihi! "Bakit po?" "What time is your first subject?" "9:00 AM po. Sige po, una na po talaga ako." Hindi ko na hinintay na sumagot siya at bumalik na ako kay ate. Patay! Ang sama ng tingin sa'kin ni Ate. "Ano kasi ate.." "Diba ang sabi ko puntahan mo lang yung lalaki?" "Oo ate ang kaso kailangan niya ng tulong ko.." "Weh? Gusto mo lang mag palusot eh." "Hindi ah. Tumulong talaga ako." "Yes, she's right. She helped me." Pareho kami ni Ate tumingin ng marinig ang nag salita. Papalapit na rin pala ito sa'min. "I'm sorry for causing you trouble. I helped a woman who gave birth a while ago and I drag this young lady to assist me." Nilingon ko si Ate na para bang sinasabi ng mga mata kong 'sabi ko naman sa'yo' bago muling hinarap si Kuya Pogi. Mag sasalita na sana ako ngunit inunahan niya ako. "That's why she'll get a perfect score in participation and will be exempted on the pre-test later in class." Haaaah? Haaanoraw? Haaaakdog? Kinindatan pa ako ni Kuya Pogi bago sumakay sa kaniyang kotse. Saktong umuusad na rin ang traffic pero bago pa man siya tuluyang umalis ay sumilip siya mula sa bintana ng kaniyang kotse. "By the way, I'm Austin. But you can call me Dr. Clemente later in class. It was nice meeting you Candice. Be well." Parang umurong ang dila ko sa nalaman kaya't tumango nalang ako at pilit na pina-process sa utak ang mga nalaman at nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook