CHAPTER 2:

1781 Words
Hingal at nanlalagkit na narating ko ang classroom kung saan ang first subject ko. Less than 10 minutes bago mag 9:00 AM ng makapasok ako rito sa school kung kaya't para akong nakipag karera sa kabayo ng tinakbo ko mula entrance papunta rito sa aming building. Ang layo pa man din ng distansiya ng dalawa kaya heto, pinag tawanan pa ako ng dalawa kong kaibigan ng makita ang gusgusin kong itsura. "Yare sa'yo friend? Wala naman akong nabalitaang fun run ah." Tanong ni Alyson na abala sa pag kain ng pan de sal niya. Dala ng pagod, walang paalam na kumuha rin ako ng pan de sal sa brown paper bag niya at sinimulang kainin ito. Nakakagutom ang umagang ito kahit mabigat naman sa tiyan ang kinain kong almusal kanina bago umalis ng bahay. "Hala siya, nursing student ka ba talaga? Ni hindi ka pa nga nag a-alcohol o sanitizer kumakain ka na riyan." "Ay naku Cholo, hindi lang 'yan. Ang sabihin mo mukhang hindi nga siya naligo." "Hoy! Naligo ako for your information. Ang dami lang ganap kanina bago ako nakarating dito. Tumira pa kayo sa kili-kili ko eh." Parehong nalukot ang mga mukha nila Alyson at Cholo sa sinabi ko bago ko sinimulang ikuwento ang mga nangyari sa'kin kanina mula kay kuya pogi hanggang sa naging instant assistant ako sa pagpapa anak, at ang pinaka huli ay ng sabihin kong teacher pala namin siya. "Gwapo ba talaga?" "Oo. Sinasabi ko sa'yo, pag nakita mo si Sir, hindi lang panty laglag, buong reproductive system mo dala." "Kayo talaga, basta gwapo kung ano anong kahalayan ang pinag iisip ninyo. Kung teacher pala natin siya, asan na siya? Alas nuwebe pasado na o." Natigil kaming lahat sa aming mga ginagawa ng isang boses ang bumalot sa buong classroom. Sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan nito at kagaya ko rin, halos lahat ng mga kaklase ko ay mukhang namatanda ng masilayan ang nag pakilala sa'kin kaninang si Dr. Clemente. Nakapag palit na siya ng damit ngayon sapagkat kanina nakasuot siya ng beige silk long sleeves pero ngayon ay black polo na ito na tinernohan ng jeans at top sider. Nang tuluyang makapasok ay sinuklay niya muna ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mahahabang daliri bago sinimulang itupi ang sleeves ng kaniyang polo hanggang siko. "Sorry if I'm late class." Panimula niya na may kasama pang pag ngiti sa'min. Iginala niya rin ang kaniyang paningin sa loob at parang tumigil ang mundo ko ng mag tagpo ang aming mga mata. Hindi lang 'yon, lumawak din ang kaniyang pag kaka ngiti ng makita ako sa ikatlong row mula sa kinatatayuan niya malapit sa teacher's table. O baka imagination ko lang ang lahat ng ito? Char! "Good morning everyone. I'm Austin Clemente. But you can call me Doc. Austin or Dr. Clemente. Your choice. I'll be handling your Anatomy and Physiology class for this semester. If not mistaken, supposed to be Mr. Honesto should be the one in-charge of this class. Unfortunately, he got involve in a car accident and might take at least 4-6 months of recovery that's why I'll be taking over." OMG! Kahit hindi kagandahan ang ugali ni Mr. Honesto sana ay okay lang siya. Pero itong si Alyson mukhang wala lang sakaniya ang balita na dala ni Dr. Clemente, bukod sa pinagpapantasyahan niya si doc, war din sila ni Mr. Honesto. Panong di sila magkakaroon ng war eh hanggang ngayon hindi pa rin maka move on si Mr. Honesto sa pambabasted sakaniya noon ng mommy ni Alyson kaya tuloy ngayon, bumabawi siya kay Alyson. Mabuti nalang at sa lahat ng tanong ni Mr. Honesto na binabato niya kay Alyson during recitation or oral defense ay nasasagot ito ng tama ng kaibigan ko kung kaya't lalong napipikon si Mr. Honesto. Ngunit mukhang hindi lang si Alyson ang walang interes sa hatid na balita ni Dr. Clemente, maging ang buong kababaihan dito sa klase ay tutok na tutok lamang sa pogi at maamong mukha ng aming teacher. "Tama ka nga friend. Bukod tanging pinag pala tayo ngayong semester." "Diba, sinabi ko na sa'yo. O, isara mo na 'yang bibig mo. Mapasukan pa 'yan ng langaw." Matapos magpakilala ni Dr. Clemente sa'min ay kami naman ang nag pakilala sakaniya, you know, the usual meet and greet kapag first day of class. Nang ako na ang magpapakilala ay inayos ni Dr. Clemente ang pagkaka sandal niya sa teacher's table at nag cross arms pa. Parang naconscious tuloy ako kung kaya't huminga muna ako ng malalim saka ngumiti. "Hello everyone. Good morning Dr. Clemente." Sabay bow sakaniya. "I'm Candice Rae Amorsolo, Candice for short and I'm single and ready to mingle. Char!" Nagsitawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ko, pero kahit char char lang 'yun ay baka mapansin man lang ni doc. Beke leng nemen. Yiiee! Ang harot ko. Nang matapos kong ipakilala ang aking sarili ay sumunod naman si Alyson na may baon din banat para kay doc. Natapos ang aming self introductory na puro banat kaya napuno ng katatawanan ang buong klase. Maging si Dr. Clemente ay hindi rin naiwasang matawa sa kakulitan namin. Kung si Mr. Honesto 'to malamang umuusok na naman ang bumbunan nun, siya lang ata ang kilala kong wala man lang sense of humor sa katawan. Literal na pinag lihi sa sama ng loob ba. "Alright, settle down everybody. Did you have fun?" "Yes, Dr. Clemente." Chorus naming sagot. "Good because right now, I would like you all to keep unnecessary things in your bag except your pen." Hindi pa man nag sisimula ang lecture ay inanunsyo na ni Dr. Clemente na may pre-test kami ngayon sa Anatomy and Physiology kung kaya't agad din naglaho ang tawanan sa klase. Personal din na binigay ni Dr. Clemente ang test papers sa'min ngunit ng ako na ang bibigyan niya ay nilagpasan niya lamang ako kung kaya't kailangan ko pang tawagin siya. "I told you earlier you're exempted, right?" "Akala ko po kasi nag bibiro lang po kayo." "Of course not. You did well a while ago so you deserve to have an exemption." "Pero po doc nakakahiya. Okay lang po talaga na mag take ako ng test." "Are you sure about that?" "Yes po." "Is that your final answer?" "Opo." "Hmm.. okay. If you insist." Inabot niya sa'kin ang isang copy ng test paper bago muling bumalik sakaniyang ginagawa. Hindi naman nakatakas ang short talk namin ni doc sa mga kaklase ko kung kaya't ang iba ay pabulong na nag tanong sa'kin kung magkakilala na kami at bakit ako exempted. "Long story. Next time nalang." Matapos maibigay ni doc ang test papers ay nagbigay na siya ng hudyat para mag simula na kami pero harujusko, ano ito? Multiple choice nga sana pero ni hindi ko alam ang isasagot sa mga ito. Pasimpleng sumilip ako kay Cholo at baka may alam siya ngunit maging si Cholo ay nakakunot ang noo na nakatuon ang atensyon sa kaniyang test paper. "Having regrets?" Agad akong tumingala at natagpuan si Dr. Clemente na nakangisi sa'kin. Totoo naman kasi ang sinabi niyang nag sisisi ako ngayon kung ba't di ko tinanggap ang exemption offer niya. 'Yan ang bunga ng pride mo Candice kaya pangatawanan mo 'yan. Argh! Bahala na si Iron Man. Lumipas ang isa't kahalating oras at natapos din ang mala board exam naming pre-test kung kaya't ng makalabas kami nila Cholo at Alyson ay dumiretso kami sa canteen para makapag recharge ng brain cells namin. "Oh, ba't naka simangot ang magaganda at gwapo kong estudyante haah?" Tanong ni Ma'am Lorenzana, guidance counselor namin at former teacher sa general psychology. Sa sobrang pag iisip namin kung pasado ba kami sa pre-test ay hindi na namin napansin na nakapila pala siya sa unahan namin para umorder din ng pagkain. "Eh kasi Ma'am, yung pogi naming teacher binigyan lang naman kami ng nakaka brain hemorrhage na test." Sumbong ni Alyson na sinabayan namin ng pag sang ayon ni Cholo. Natawa tuloy si Ma'am Lorenzana sa'min sabay may kinawayan sa bandang likuran namin. Nang lumingon kami ay natagpuan naming papalapit ang isang hot at matipunong lalaki na may dalang bouquet of flowers at box of chocolates. "Hi Nadia." Nakangiting bati nito kay Ma'am Lorenzana sabay abot ng dala niya. Nang tingnan namin si Ma'am ay nag mistula itong kulay rosas at huminga ng malalim bago tinanggap ang bulaklak at tsokolate. Mapapa hashtag ka nalang ng #HopeAll at maging ang ibang estudyante at empleyado rito sa canteen ay hindi rin maitago ang kilig para sakanilang dalawa. "Thank you Mark. By the way, meet my students. Candice, Alyson, and Cholo." "How are you doing?" Sabay abot ng kamay ni Sir Mark sa'min. Malugod naman kaming nakipag kamay at in fairness ah, ang lambot ng kamay ni Sir kahit na ang laki niyang tao. Mag papaalam na sana kaming aalis na at sa labas nalang kami ng school kakain ng nahinto kami sa sinabi ni Ma'am Lorenzana. "Si Austin ba ang nag pahirap sainyo?" "Po? Kilala niyo si Dr. Clemente?" Tanong ko kaya muling napabuntong hininga si Ma'am ng makumpirmang si Dr. Clemente nga ang tinutukoy namin. Mukhang close rin sila dahil Austin lang ang tawag niya kay Dr. Clemente. "Oo naman, para ko na rin siyang nakababatang kapatid." Nagpalitan kami ng titig nila Alyson at Cholo kaya matapos makapag order ng pagkain ay hindi na kami tumanggi ng niyaya kami ni Ma'am Lorenzana at Sir Mark sa table nila. Akmang mag sasalita na sana si Ma'am ng may tumawag sa pangalan niya. "Ate Nadia." Pare-pareho kaming lumingon at nakitang papalapit si Dr. Clemente sa table namin. Ewan ko ba at nakakatakot ang awra niya ngayon lalo na ng mapansin ko ang mga mata niyang nakatuon kay Sir Mark.  "Care to share why you're here Dr. Williams?" "Oh, I'm just visiting Nadia." "Aren't you supposed to be with Dad and Uncle Vale?" "We're done with the meeting that's why I'm here, Austin." Kumunot ang noo ni Dr. Clemente bago sinuri si Ma'am Lorenzana at walang pag aalinlangang hinawakan sa kamay si Ma'am kaya si Sir Mark naman ngayon ang kumunot ang noo lalo na ng abutin ni Dr. Clemente ang bulaklak at tsokolate na bigay ni Sir Mark kay Ma'am Lorenzana at binigay sa'min.. Or rather sa'kin. "You are not allergic to flowers, are you Miss Amorsolo?" "Hindi naman po doc." "Great. Its all yours. Ate Nadia is allergic to flowers." Ilang minuto rin kaming natahimik matapos mag walk out si Dr. Clemente kasama si Ma'am Lorenzana na sunundan ng nahihiyang paalam ni Sir Mark sa'min. Kaya pala kanina pa malalim ang hininga ni Ma'am pero mas kapansin pansin kung pano siya itrato ni Dr. Clemente. Type ba ni doc Clemente si Ma'am?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD