Makaraan ang isang linggo ng pag walk out nila Dr. Clemente at Ma'am Lorenzana sa canteen ay naging usap-usapan ito sa school namin ngunit parang keber lamang ito kay Dr. Clemente dahil ganoon pa rin siya pag pumapasok sa classroom namin, nakangiti at lively ang interaction sa'ming mga estudyante niya maging sa fans club niya rin na halos talunin pa si Kuya Kim sa pagiging mapagmatiyag at matanglawin. Tama ang narinig niyo mga kaibigan, may fans club na si Dr. Clemente na nabuo lamang noong first day of school, nakakatawa man pero 'yon ang totoo.
"Which among these options is the characteristic or component shared by skeletal and smooth muscles? Anyone?"
Lahat kami ay nag papalit-palit ng tingin ng mag simulang mag tanong si Dr. Clemente tungkol sa lesson niya for the day. Hindi lamang kami nagkatinginang lahat, agad din kaming nag madaling hanapin ang kasagutan sa libro namin na siyang rason para mapawi ang inaantok naming diwa.
"Dr. Clemente."
Tawag ko sakaniya sabay taas ng kamay para sagutin ang tanong niya. Hindi ko sigurado kung tama itong nakita ko sa libro pero wala namang masama mag try. Mabuti ng magkamali habang nasa classroom pa kesa naman magkamali kapag nasa realidad na. Kaya nga tayo nag aaral eh dahil dito rin kadalasan nangyayari ang trial and error. Muli ay ipinakita sa'kin ni Dr. Clemente ang mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin kung kaya't yung kaba ko ay parang dumoble pero may kasama na itong kilig. Hindi man ako kasali sa fans club ni Dr. Clemente pero wala naman sigurong masama kung kikiligin din paminsan minsan. Sino ba kasing hindi kikiligin kung ganiyan kagwapo ang bubungad sa'yo sa umaga? Tapos ngingiti-ngiti pa ng ganiyan, nakow. Parang naiihi tuloy ako sa kilig.
"Yes Miss Amorsolo?"
"That would be elevation of intracellular for excitation-contraction coupling."
"And what made you think that is the right answer? Would you like to elaborate?"
"Ah.. Y-yes doc. Yung elevation of intracellular ay common po sa mechanism of excitation-contraction coupling in skeletal and smooth muscles. Calcium ion binds to troponin carbon that initiates the cross-bridge cycle while in smooth muscle, calcium ion binds to calmodulin.. "
Ipinagpatuloy ko ang pag "e-elaborate" ng sagot ko sakaniya hanggang sa unti-unti ay nakikita ko na ang pag tango-tango ng mga kaklase ko. Mukhang nabubuhay na rin ang diwa nila gaya ng pagkabuhay ng diwa ko habang nakatutok ang mga mata ko sa mukha ni doc. Yiiee!
"And lastly, spontaneous depolarizations and gap junctions are characteristics of unitary smooth muscles but not to skeletal muscles."
Para akong mawalan ng hininga matapos kong mag salita. Dala siguro ng kaba kaya naman dirediretso ang pagpapaliwanag ko hanggang sa kaagad akong naupo. Ilang segundo ring natahimik ang klase hanggang sa narinig namin ang pag palakpak ni Dr. Clemente na sinabayan niya pa ng mahinang pag tawa.
"Impressive Miss Amorsolo. You just gave me the complete and exact wordings from the book though next time try to slow down when you're talking."
"O-okay po."
"Great job. Alright, Miss Amorsolo's answer is right. It is the elevation of intracellular for excitation-contraction coupling. Let me add also further details about the answer.."
Nag patuloy ang lecture ni Dr. Clemente hanggang sa malapit ng matapos ang klase niya ngunit bago niya kami pinalabas ng room ay may pahabol pa siyang assignment para sa'min. Bagama't jam-packed ang schedule namin ngayong araw kung kaya't agad kaming nag madaling umalis ng room at nag simulang mag lakad papunta sa opisina ng clinical instructor namin.
"Iba talaga ang nagagawa ng isang Austin Clemente sa kaibigan natin, diba Cholo?"
"Sinabi mo pa. Nagkakaroon din ng instant photographic memory."
"Tse! Eh sa wala sainyong gustong sumagot kanina."
"Weh? Sigurado ka ba talagang hindi ka kasali sa fans club ni McYummy?"
"McYummy?"
"Si Dr. Clemente. 'Yun ang code name kuno ng mga tao rito sakaniya. Hindi ko naman masisisi kung bakit ganun ang tawag sakaniya, yummy nga naman from head to toe. Rawr!"
Kaagad kong sinaway si Alyson lalo na ng makita namin ni Cholo na nag lalakad si Dr. Clemente kapareho ng direksyong tinatahak namin. Kasalukuyan siyang umiinom ng dala niyang kape hanggang sa hindi sinasadyang may nakabungguan siyang isang estudyante kaya naman hindi lamang sa bibig niya nag tuloy tuloy ang pag buhos ng kape, maging sa suot niyang damit. Pag minamalas nga rin naman siya, hindi lamang coat ang nabasa ng kape, maging ang tshirt niyang puti ay hindi rin nakaligtas kaya naman..
"Takte.."
"Yummy nga. Literal na pan de sal sa kape."
Isang malakas na batok ang natamo namin kay Cholo kaya naman pareho kaming lumingon ni Alyson kay Cholo. Nawala tuloy ang focus namin sa nag mumurang abs ni Dr. Clemente na bakat na bakat sa tshirt niyang puti. Si Cholo naman kasi eh, KJ. Hmp!
"Kayong dalawa, ipapaalala ko lang na hinihintay tayo ng C.I natin noh? Hindi 'to oras para pag pantasyahan ang McYummy niyo."
"'To naman. May period ka boy?"
"Tama si Cholo, Alyson. Tara na't baka tagusan pa 'tong si Cholo."
Nagkatawanan pa kami ni Alyson kaya naman lalo lamang napikon sa'min si Cholo. Buong araw ay laman ng usapan namin ni Alyson si Dr. Clemente pero syempre hindi rin namin nakaligtaan pag usapan ang lessons at schedule ng duty namin sa susunod na linggo. Nang dumating ang oras para umuwi na ay nauna na sila Alyson at Cholo samantalang ako ay nandito sa guard house inaantay si Ate Candy para sunduin ako.
"Austin, diba napag usapan na natin 'to?"
"What's the matter? Are you ignoring me just because of Dr. Williams?"
"Hindi sa ganun.."
"Then why won't you come with me? It's just a simple a dinner."
"Austin.."
"And I am not taking No for an answer."
Bagama't ako lamang ang nandito ngayon sa guard house dahil nag roronda ang mga guards namin sa buong campus kung kaya't kitang kita at rinig ko ang pag uusap nila Ma'am Lorenzana at Dr. Clemente na magkatabing nag lalakad palabas ng gate ng university. Ewan ko nga rin ba't ang instinct at reflex ko ay inutusan akong mag tago kaya naman parang ang labas ko ngayon ay chismosa. Pero dahil nakapag tago na rin lang naman ako ay wala naman na ata akong choice kundi ang makinig kahit pa mali itong ginagawa ko.
"Juskong bata ka."
"Hindi na ako bata."
"Alam ko at hindi pa rin ako makapaniwalang ang laki mo na't nag tuturo ka pa rito sa Saint Agatha."
"I told you I'll be working here. Ayaw mo kasing maniwala. So let's go?"
Nakita kong inoffer ni Dr. Clemente ang braso niya kay Ma'am Lorenzana at natatawa namang tinaggap ito ni Ma'am sabay abrisyete. Muli, dala ng instinct at reflexes ay natagpuan ko nalamang nakakunot ang noo ko.
"Mag jowa sila?"
Tanong ko sa sarili kaya naman imbes na hintayin si Ate Candy ay dali dali akong umalis ng guard house at sinundan sila Dr. Clemente at Ma'am Lorenzana na ngayon ay kakasakay lamang sa kotse.
"Para po."
Dahil hindi ko afford ang mag taxi kung kaya't pinara ko kaagad ang tricycle na saktong palapit sa'kin at sumakay. Sinabi ko rin sa driver na sundan ang pulang kotse at kahit na naguguluhan man si kuya driver ay wala na siyang nagawa ng iabot ko ang 100 pesos kong bayad sakaniya. Sa daang tinatahak namin ay mukhang papunta kami sa pinaka malapit na mall sa university kaya naman ng makababa ako ay kaagad kong hiningi ang sukli kay kuya driver.
"Sige na kuya, intindihin mo ring estudyante lamang ako kaya malaking bagay sa'kin ang sukli lalo na't mahirap ang buhay ngayon. Alam mo 'yan. Sige na, kahit 50 pesos nalang ang ibalik mo. 'Di ka na lugi niyan."
Umiiling iling na binigay sa'kin ni kuya driver ang 50 pesos kong sukli kaya nag pasalamat ako't sinabihan siyang mag ingat sa daan bago nag madaling sinundan ang dalawa kong professors na ngayon ay kakapasok lamang sa parking area ng mall.
"Saan ka pupunta Miss?"
"Ano po.. May kukunin lang po ako sa kotse ng daddy ko."
Tiningnan ako ng security guard ng mall mula ulo hanggang paa kaya naman abot abot hanggang kili kili at singit ang pawis ko hanggang sa pinayagan niya akong pumasok ng parking area. Nang makapasok ay hinanap ko ang kotse ni Dr. Clemente. Dahil kakaiba ang kotse ni doc. Kung kaya't kampante akong mahahanap ko ang kotse kaagad at hindi nga ako nagkamali lalo na't nandito lang din sa first floor nag park si doc. Tumatawang lumabas sila Dr. Clemente at Ma'am Lorenzana hanggang sa nag simula ulit silang mag lakad papasok ng entrance ng mall at doon ay sumunod akong muli sakanila.
"Ba't ko nga ba 'to ginagawa?"
Out of curiousity ba? O dahil I'm all out of love? Kahit alam kong wala naman talaga akong pag asa kay Dr. Clemente ay hindi ko pa rin maiwasang maging interesado sakaniya, makilala siya lalo. Ganito siguro ang magkaroon ng crush, crush na tipong magiging inspirasyon mo hindi lamang sa pag aaral, maging sa buhay. Sa konting panahon kasing pag tuturo ni Dr. Clemente sa'min ay makikita mo talagang magaling at alam niya ang sinasabi niya. Hindi lamang din kaalaman mula sa lesson plan ang ibinabahagi niya sa'min, maging life lessons din. Nag e-effort din siyang makilala kaming lahat kaya nakadagdag points pa 'yun sakaniya. Idagdag pang napaka bait niya sa'min at parang hindi marunong magalit sa estudyante bukod nalang kung si Ma'am Lorenzana ang pag uusapan kaya siguro nagkusa akong sundan sila. Sapagkat nabanggit ni Ma'am Lorenzana na parang kapatid niya si Dr. Clemente, sa nakikita ko ngayon, parang bakit higit pa sa pagkakapatid ang turingan nilang dalawa?
Pumasok sa isang restaurant sila Dr. Clemente at Ma'am Lorenzana kaya naman pumasok din ako sa katapat nitong fast food chain para doon na kumain ng hapunan. Hindi pa keri ng budget ko ang kumain sa restaurant kaya kontento na ako rito sa fast food chain ni masayang pulang bubuyog. Habang kumakain ay kaagad ko na rin tinext si ate Candy at ang mga magulang ko na nasa mall ako dahil may kailangan akong bilhin sa bookstore. As usual, napagalitan na naman ako ni ate Candy dahil hindi ako kaagad nag paalam.
Isang oras mahigit din ang itinagal ko sa loob ng fast food chain hanggang sa nakita kong lumabas na sila doc. At ma'am. Talagang dinner lang ang ipinunta nila rito dahil pabalik na sila ng parking area at syempre, sumunod pa rin ako. Pwede na siguro akong pumalit kay Detective Conan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako nahahalata.
"I had a good time Ate Nadia."
"Ako rin, Austin. Thank you for the dinner."
"Don't mention it."
Akmang bubuksan na sana ni Ma'am Lorenzana ang pinto ng kotse ni Dr. Clemente ng bigla siyang pinigilan ni doc. at iniharap sakaniya hanggang sa pareho kami ni ma'am nanlaki ang mga mata. Ako, dahil sa hindi inaasahang tanawin samantalang si ma'am dahil sa gulat ng halikan siya ni Dr. Clemente sa kaniyang mga labi. Ngunit hindi nagtagal ang pagkakalapat ng kanilang mga labi dahil kaagad na itinulak ni Ma'am Lorenzana si Dr. Clemente at sa isang iglap ay dumapo ang palad ni ma'am sa pisnge ni doc.
"Don't you ever do that again Austin."
"Nadia.."
Dirediretsong naglakad si ma'am palabas ng parking area at naiwang mag isa si doc. At pagkakataon nga naman, alam niyo yung nasagi ko yung may alarm na kotse kung kaya't rinig ito sa parking area rason para lumingon sa direkayon ko si Dr. Clemente na halatang gulat na gulat ng matagpuan akong hindi kalayuan sakaniya.
"How long have you been there, Miss Amorsolo?"