Linggo ng umaga. Kagagaling ko lang mula sa palengke dala ang mga pinamili ko ng agad akong tawagin ni tatay. Hirap man akong bitbitin ang lahat ng pinamili ko ay nag madali akong nag lakad at lumapit sakaniya at sa kausap niya ngayong estranghera na ngumiti sa'kin.
"Ito ang bunso ko, si Candice. Siya ang nabanggit ko sainyo na nag aaral ng nursing sa Saint Agatha. Third year na siya ngayon."
"Magandang araw po."
"Magandang araw din sa'yo, Candice. Sa Saint Agatha ka pala nag aaral. Doon din ako nag tapos ng pre-med ko."
"Talaga po? Hindi na po nakapagtataka kung bakit maganda po kayo."
"Haha! Sinabi mo pa. Kung third year ka na eh di malamang pinagsasabay niyo na ang pag aaral at duty sa hospital?"
"Opo. Sa katunayan nga po bukas na kami mag sisimula kaya hangga't maari gusto ko po talagang makatulong mamaya sa gagawin niyong medical mission."
"Oo naman. Walang problema. The more the merrier ika nga lalo na't kaya nga nagkaroon ng batch two ng medical mission dito sa baranggay niyo dahil maraming hindi nakaabot o nakapag palista."
"Maraming salamat po doktora. Sige po, mauna na po ako sa loob. Maliligo lang po muna ako para naman fresh na fresh ako mamaya."
Matapos kong makapag paalam ay nag dirediretso na ako sa loob ng aming bahay para maibigay kila nanay at Ate Candy ang lahat ng pinamili ko. Nag paalam din ako sakanilang hindi muna ako makakatulong sa pag luluto ng pagkain ng volunteers dahil tutulong ako mismo sa medical mission. Malaking pagkakataon ito lalo na't parte ng realidad ng mga nurses at doctors ang pag vo-volunteer at the same time para na rin masaksihan mismo ng dalawa kong mata ang lahat ng itinuro sa'min mula sa libro. Kaya nga kapag naalala ko noon ang pagiging assistant ko kay Dr. Clemente sa pagpapa anak ay may kalakip na fulfilment ang kabang naramdaman ko dahil sa kabila ng kakulangan sa kagamitan ay matagumpay naming nai-deliver ang sanggol at maayos din ang kalagayan ni madam. Speaking of Dr. Clemente, kumusta na kaya siya at kumusta naman kaya ang sunod naming pagkikita? Matapos niya kasi akong madakip sa parking area ng mall ay agad akong nag tatakbo palayo. Hindi ko nga rin alam ba't ko 'yun ginawa imbes na sagutin ang tanong niya. Nagmukha tuloy akong nasaktan at pinagtaksilan. Girlfriend lang?
"Candice, sasabay ka na ba sa'kin papunta sa basketball court?"
"Opo tay. Malapit na po akong matapos."
"Sige, bilisan mo na't mag sisimula na sila roon."
Sa sobrang excitement ang dating 30 minutes kong pag ligo ay naging 15 minutes nalamang. Nang maibalot ang tuwalya sa aking katawan sunod ko namang tinuyo ay ang buhok ko gamit ang isang maliit na tuwalya. Ibinalot ko rin ito sa aking ulo bago ako lumabas ng banyo at dumiretso ng aking kwarto para makapag bihis. As usual, tshirt, jeans, at rubber shoes lamang ang get up ko dahil 'yun naman talaga ang palagi kong suot at karamihang laman ng cabinet ko. Nang makapag bihis, sunod ko namang ginawa ay mag lagay ng baby powder at cologne sa aking katawan at pang huli ay ang lip balm dahil mas tuyo pa sa Sahara desert ang labi ko.
"Tara na tay."
"Sige. O siya misis at Candy, mauna na muna kami nitong si Candice. Yung pagkain dalhin niyo nalang mamayang alas onse y media. Papapuntahin ko rin naman dito sila Lando at Chris para tulungan kayo."
Nang makapag paalam ay sabay na kami ni tatay na lumabas ng bahay at nag tungo sa basketball court kung saan ang medical mission. Kaya pala nagkaroon ng second batch sapagkat ang daming tao ngayon ang narito hindi lamang mga kabaranggay namin, maging katabing baranggay ay nandito rin. Sa gilid ng basketball court ay may tatlong malalaking trucks na may nakalagay na UFMC kaya naman lalo akong namangha.
"Ba't hindi niyo sinabi tay na UFMC pala ang nandito?"
"Akala ko alam mo na. Hindi ko pala nasabi sa'yo."
"Hindi po. Wala ka pong nabanggit kahit noong unang medical mission dito."
"Naging abala siguro ako kaya wala akong naikwento sainyo. Pero maswerte tayo Candice dahil UFMC ang sponsor natin, alam mo namang hindi lahat ay kayang makapag patingin sa ospital na 'yan."
"Totoo po kaya nga tay nag susumikap talaga ako para balang araw makapasok ako sa UFMC. Balita ko kasi maganda ang benefits diyan at pasweldo."
"Tama 'yan. Pag butihan mo lang at balang araw matutupad din ang lahat ng pangarap mo sa buhay. Makita ko lang na maganda ang buhay mo at ng ate Candy mo para na rin akong nanalo sa lotto."
"Lotto talaga tay?"
"Aba oo naman. Alangan namang hindi niyo kami ng nanay niyo ambunan ng grasya."
"Ay oo naman tay. For sure na 'yang ambon na 'yan. Yeah, we gonna go up nga sabi ng SB19."
Na sinabayan ko pa ng dance step kaya naman pinag tawanan lamang ako ni tatay bago kami lumapit sa doktorang kausap namin kanina sa bahay. Nakasuot na siya ngayon ng kaniyang white coat na tinernohan ng isang kulay pink stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg.
"Ready ka na Candice?"
"Opo doc."
"Sige, ang gagawin mo lang naman ay mag abot ng kailangan namin kasi nag aaral ka pa. Alam mo na, wala rito ang C.I mo eh kaya tama na muna ang pag abot mo ng gamot, test results, etc. Huwag ka rin mahihiyang mag tanong kung may gusto kang malaman o kung may hindi ka maintindihan ah. No worries, hindi naman kami nangangagat. Nananaksak lang."
"P-po?"
"Injection dear. Hahaha!"
"Oh.. Akala ko po eh."
"Namutla siya oh. Bale wala pa kasi yung doctor na mag a-assist ka pero parating na siya. Sakaniya kita inassign tutal member siya ng faculty ng Saint Agatha."
Member ng faculty sa Saint Agatha? Wala ng ibang professor s***h doctor sa faculty namin bukod kay.. Oh my G! Naligo naman ako pero bakit hindi natanggal ng 99.9% kong sabon ang mikrobyo ng kamalasan? Wala naman sanang problema kung haharapin ko si Dr. Clemente kung kasama ko sana sila Alyson at Cholo pero hindi eh, lone ranger ako ngayon. Anong gagawin ko? Magkukunwari ba akong hinimatay? Mali, eh di ako ang nacheck up ng di oras imbes na makatulong. Isa pa, mahirap lusutan ang mga doctors at nurses rito.
"Andito na pala siya. Austin, dito."
Sa isang sulyap niya ay nabihag ako.. Para bang himala ang lahat ng ito. Takte, ba't ako napakanta? Ang pag aalala ko kanina ay sa isang iglap nawala na parang bula at napalitan ng pag hanga, lalong pag hanga dahil bagay na bagay sakaniya ang suot niyang white coat. Mukhang hindi lang ako ang tinamaan ng karisma ni McYummy, maging ang ibang nurses na volunteers ay hindi rin maitatago ang pag hanga sakaniya lalo na ng pa isa-isa niya itong binati.
"Good morning sir. Hello Candice."
Isang ngiti ang bungad sa'min ni Dr. Clemente kaya naman lalong naging awkward ang sitwasyon para sa'kin sapagkat parang hindi siya affected sa ginawa ko sakaniya noong huli naming pagkikita.
"Magkakilala kayo, Candice?" Tanong ni tatay.
"Yes sir, I'm her professor in one of her subjects. It's nice to meet you po."
Sagot ni Dr. Clemente sa tanong ni tatay na sinabayan niya ng pag abot ng kamay para makipag kamay. Malugod namang inabot ito ni tatay bago ako pinagsabihang huwag maging pasaway.
"Mahirap na't baka bumagsak ka sa subject ni doc."
"Haha! Actually sir magaling po sa klase ang anak niyo kaya I doubt na bumagsak siya sa'kin."
'Yan ang alam mo. Bumagsak na kaya ako sa'yo doc. I've fallen in crush with you. Char! Matapos ang konting pag uusap at briefing ay nag simula na ang medical mission dito sa lugar namin. Kagaya ng sinabi sa'kin kanina ni doktora o Dra. Uysingco, assistant ako ni Dr. Clemente. Naging maayos naman ang takbo ng pagiging assistant ko sakaniya at kahit papaano nawala na ang awkwardness sa'ming dalawa dahil bukod sa tuloy tuloy na check up ay nagkakaroon din ako ng free lessons mula sakaniya lalo na pag dating sa usaping puso. Hindi tungkol sa love life ah, puso meaning mga karamdaman sa puso, treatment, ganern.. kasi nasa cardio ang specialization ni Dr. Clemente.
"Medyo mabilis po ang t***k ng puso niyo. Nakikita niyo po itong nasa pulse oximeter? Normally, a person should have 60-80 beats per minute pero sainyo umaabot ng 105 bpm. May ginawa po ba kayong mabigat bago pumunta rito?"
"Wala naman doc. Naglakad lang naman ako papunta rito tapos naupo. 'Yun lang."
"I see. Nagkakape po ba kayo or tea or chocolate?"
"Ah oo, nag kape ako kanina. Pero kanina pa 'yun bago mag ala siete ng umaga. Pampabuhay lang ba."
"Okay po. Candice, would you mind telling the team from the first truck that I have a lovely lady here for 2D Echo?"
"Sige po Dr. Clemente."
"Thank you and you're doing great by the way."
Dala ng instinct at reflexes ay kaagad akong napangiti sa sinabi ni Dr. Clemente bago nag pasalamat at pumunta sa unang truck para sabihin ang utos ni doc. Mag a-ala una na ng pansamantalang nag break si Dr. Clemente kaya naman maging ako ay nakapag break na rin. Nakita ko ang pag inat niya bago tumayo at kinuha ang cellphone niya't may tinawagan. Hindi ko man alam kung sino ang tinatawagan niya pero base sa expression ng kaniyang mukha ay mukhang si Ma'am Lorenzana ang tinatawagan niya dahil halatang frustrated siya.
"Doc?"
"Oh hey Candice. Why are you still here? You should take your lunch."
"Mag tatanong sana po ako kung gusto niyong kuhaan ko kayo ng pagkain at maiinom?"
Imbes na sagutin ang tanong ko ay ginulo niya ang buhok ko sabay ngiti. Pakiramdam ko tuloy hindi na dala ng mainit na panahon ang pag init ng pisnge ko, epekto niya na naman 'to na sana hindi niya nahalata.
"Let's go."
"Saan po?"
"Kakain tayo diba?"
"Sabi ko nga po. Tara na po."
Side by side kaming nag lakad ni Dr. Clemente papunta sa baranggay hall kung saan nakahain ang mga niluto nila nanay at Ate Candy. Pagkapasok namin ay saktong nag aabot si Ate Candy ng pagkain na nakalagay sa styro kaya naman pinag hintay ko nalamang si doc at ako na ang kumuha ng pagkain para saming dalawa.
"O, diba siya yung lalaking pinabantayan sa'tin yung sports car niya?"
"Oo ate. Doctor siya at professor ko rin."
"Oo nga pala. Sa UFMC pala siya. Heto, dalawa. Tig isa kayo. Bumalik nalang kayo kung kulang ang pagkain. Yung tubig nandiyan sa cooler pati softdrinks kung gusto niyong mag softdrinks."
"Walang dessert te?"
"Candice, medical mission 'to. Hindi 'to restaurant. Hala, layas na't kumain na kayo."
"Nag tanong lang eh."
Nang makuha ang pagkain ay lumapit akong muli kay doc at inabot sakaniya ang pagkain niya. Ako na rin ang kumuha ng tubig at softdrinks namin saka ko siya inaya sa maliit na opisina ni tatay sa second floor para doon kumain at mag pa electric fan. Yiiee.. Pakiramdam ko tuloy nag de-date kami.
"So it's just the two of us here?"
"Opo. Mamaya pa 'yun si tatay pupunta rito kaya kain na po kayo. Eat well."
"Good. So going back to what happened in the mall's parking area, how long have you been there, Candice?"
Yung akala kong nakalimutan niya na 'yon, 'yun pala hindi pa. Tapos ngayon hindi ko pa malunok-lunok itong kanin at ulam na sinubo ko sapagkat seryosong nakatingin lamang sa'kin si doc.