"And why did you run away?"
Nanatiling tahimik lamang ako sapagkat hindi ko alam ang isasagot kay Dr. Clemente. Alangan namang sabihin ko na sinundan ko sila ni Ma'am Lorenzana, ang creepy naman nun. Kailangan kong mag isip. Pero paano ako makakapag isip kung ganiyan niya ako kung tingnan, hindi lamang sagad to the bones, sagad hanggang kaluluwa kaya naman parang slow motion kong nilunok ang pagkain ko bago uminom ng tubig para pampakalma ng nagwawala kong pwet na gustong gusto ng humiwalay sa upuan para mag tatakbo na naman ako palayo sakaniya.
"A-ano po kasi doc. Nagkataon lang po 'yun. Pero pramis doc, kahit nakita ko po ang nangyari ay hindi at wala po akong pag sasabihan."
"So you really did see it huh?"
Dahan dahang hinilot ni Dr. Clemente ang kaniyang sintido at ipinikit ang kaniyang mata para.. Ewan.. Pakalmahin din ang sarili niya? Pero hindi rin naman siya nag tagal sa ganoong posisyon dahil kinuha niya ang tubig at uminom.
"Ahm.. Doc?"
"Hmm?"
"Akin po 'yang bote ng tubig na iniinom niyo."
Gustohin ko man mangiti dahil may indirect kiss na ako kay doc pero hindi pwede kaya pinanatili kong seryoso ang mukha ko't ibinaling ang tingin sa bintana. Mukhang affected talaga si doc sa pagkakahuli ko sakanila ni Ma'am Lorenzana at hindi niya namalayang hindi sakaniya ang dinampot niyang tubig. Teka, kung may indirect kiss ako kay doc eh di ibig sabihin ba nito may indirect kiss rin ako kay Ma'am Lorenzana? Ang saya't kilig na naramdaman ko kanina ay kaagad ding napawi kaya naman sunod ko namang ininom ay ang kanina pang namamawis kong softdrinks.
"You know, as a person who's medically inclined, you know that soda is bad for an empty stomach."
"Ah oo nga po. Tama po kayo. Pasensya na."
"No worries. Let's eat now. We have 10 minutes left before we resume the check ups."
Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pagkain at maging si Dr. Clemente ay nag simula na ring sumubo. Amazing nga eh, akala ko hindi siya kumakain ng adobong pusit at ginisang sayote pero heto at mukhang kulang pa sakaniya. Nang tanungin ko kung gusto pa niya mamaya nalang daw dahil kulang na sa oras kaya naman matapos kumain ay itinuro ko sakaniya ang banyo dahil kailangan niya raw mag toothbrush. Sumunod naman akong pumasok ng matapos siya at ng pareho na kaming ready to go ulit ay side by side ulit kaming nag lakad pabalik sa basketball court at ipinag patuloy ang check ups.
"May VSD pala po si baby."
"Ano po 'yun doc?"
"Candice, would you mind explaining what's a VSD."
"Po? Ano po.. VSD po ay Ventricular Septal Defect. Ang ibig sabihin po ay may butas po yung muscle na nag pa-pump ng dugo sa aorta na dumadaan sa aortic valves. Kung walang medical attention, lalala po ang butas at baka magkaroon din ng lung damage ang pasyente."
"Diyos ko."
Hindi naiwasang maiyak ang babae sa nalamang kondisyon ng kaniyang sanggol. Nagkatinginan tuloy kami ni doc lalo na ng lumapit ang ama ng baby at nalaman ang kondisyon ng kanilang anak ni misis.
"Gagaling pa po ba ang anak namin doc?"
"Base po sa Echo results maliit pa po ang butas kaya gagawin namin ang lahat ng aming makakaya. Isa pa, base rin sa lab results ay malusog naman si baby so I'd advise you visit me in UFMC next week para tuloy tuloy ang pag papagaling ng munting prinsesa ninyo."
"Pero doc, wala po kaming malaking halaga ng pera para mapatingnan si Rose sa UFMC. Kakarampot at sapat lamang ang kita naming mag asawa."
"Huwag po kayong mag alala, magagawan ko po 'yan ng paraan lalo na't kapangalan ng nanay ko ang anak ninyo."
"Maraming salamat doc. Pagpalain pa po kayo ng Maykapal."
Hindi ko malaman kung mata-touch ako sa nakikita ko ngayon o matatawa. Naiiyak na ako kanina lalo na ng yakapin ni sir si doc para magpasalamat ang kaso ba't may pa-kiss pa sa pisnge? Maging si Dr. Clemente ay nagulat din kaya ng tumingin siya sa'kin ay kaagad akong nag iwas ng mata sabay kagat ng pang ibabang labi.
Natapos ang medical mission bandang ala sais na ng gabi kaya naman bukod sa laking pasasalamat ng aming baranggay sa lahat ng volunteers, ay may hinanda pang pagkain ulit ang aming baranggay para sakanila. Kung kanina ay adobong pusit at ginisang sayote ang ulam namin, ngayon ay barbecue naman, mixed vegetables, at chicken curry. May dessert na rin ngayon na coffee jelly dahil itong si Ate Candy ay nag sumbong kay nanay na nag de-demand daw ako ng dessert. Masaya naman ang salo-salo namin sa basketball court. Hindi rin maiwasang may mag tanong sa'king mga kapitbahay kung sino raw yung doktor na kasama ko kanina at kung kaano-ano ko raw. Nagulat pa nga sila ng malamang professor ko si Dr. Clemente sa Saint Agatha, akala raw kasi nila jowa ko dahil bagay kami. How I wish. Pero may gusto ng iba si doc eh kaya hanggang tingin at crush nalamang ako. Sapat na 'yun tutal sabi ko nga sa sarili ko, wala akong pag asa sa mga kagaya niya. Napaka imposible.
Isang subo nalang ay malapit ko ng maubos ang coffee jelly ko ng biglang may tumabi sa'kin. Kumakain din siya ng coffee jelly at may dala na siya ngayong sarili niyang tubig na ipinakita niya pa sa'kin kaya hindi namin maiwasang magka tawanan.
"Did you have fun?"
"Yes po doc."
"You know Candice, since we're outside the school and hospital why not call me by my first name."
"Huwag na po. Nakakahiya. Isa pa di hamak na mas matanda po kayo sa'kin."
"Di hamak talaga? Early 20s lang naman ang edad ko. Di hamak namang hindi malayo sa edad mo. You're really rude, aren't you?"
"Hala, hindi naman po."
"Yes you are. You think nakalimutan ko na yung ginawa mong pagtakbo sa parking area? Ba't ka nga pala tumakbo? Diba nandoon din ang kotse mo or ninyo?"
"Haah? Wala po. Wala po kaming kotse doon."
"Kung wala kang kotse roon, ibig sabihin ba ay sinundan mo kami ni Ate Nadia?"
"PO?!"
Lagot! Paano ko pa 'to lulusutan kung caught in the act na ako. Muli ay nanatili na naman akong tahimik kaya naman narinig ko ang mahinang pag tawa ni doc.
"Actually nakita na kita sa katapat na fast food nung time na 'yon. Hindi ko nga lang alam na sinusundan mo kami kasi mukha kang loner sa loob. Tulala ka pa habang kumakain. Gusto sana kitang tawagin kaso kasama ko si Ate Nadia which was a rare opportunity for me to have her for myself."
Nilingon ko si Dr. Clemente kaya naman nagkasalubong ang mga mata namin. Sa mga mata niya ay confirm na confirm ko na ang kasagutan sa tanong ko noon kung type niya si Ma'am Lorenzana. Isang malungkot na ngiti lamang ang lumabas sa kaniyang maamong mukha bago ulit sumubo ng coffee jelly at nag patuloy sa pag sasalita.
"Ate Nadia is the youngest sister of Ate Niña, my nanny when I was still a kid. I was in grade school when I first met her. Doon kasi sa bahay namin siya pinatuloy nila Dad and Mommy para raw hindi na kailangan mag board si Ate Nadia at the same time para hindi na malayo silang dalawa ni Ate Niña sa isa't isa. I was distant from here at first because you know, she's a stranger but one of the things I noticed about her was her tenacity. She's friendly also.. Super friendly to the point she even befriends with the cacti outside our house. Can you believe that?"
"Opo, minsan nahuhuli rin namin si Ma'am kinakausap ang mga tanim niya sa loob ng opisina niya."
"Hindi pa rin pala siya nag babago."
"Ang sabi niya po kasi sa'min stress reliever niya raw po at nakakatulong daw po sa pagpapalaki ng halaman."
"Funny woman. So there, as time goes by, I got to know her. When Ate Niña's not around she's the who took care of me. Dahil din siguro sa fact na panganay ako kaya nakakita ako kay Ate Nadia ng 'Ate'. I was fond of her not until a guy visited our house. He's a schoolmate of hers and would like to ask her out for a date."
"Nag selos ka doc?"
"Yeah, mad and jealous."
"At doon mo na po nalaman na mahal niyo na si Ma'am?"
Tumango siya sa'kin kaya ako ay napatango na rin. Game over na talaga ang lahat ng may crush kay Dr. Clemente. Huwag ng umasa at magsi uwian na't may nanalo na. Hindi ko akalaing pang matagalan pala kung umibig si doc. Sinabi niya rin na akala niya ay parte lamang iyon ng hormones dahil nasa stage na siya ng puberty pero hindi raw dahil hanggang ngayon ay si Ma'am Lorenzana lamang ang nag mamay ari ng puso niya.
"Question lang po doc."
"Yes?"
"Hindi naman po sa nakiki alam ako sa love life niyo pero NGSB ka po?"
"Haha! Interesting question. I guess yes. "
"O, talaga po?'
"Yes but doesn't mean I am an 'NGSB' I have no experience."
"Experience saan po?"
Muli, imbes sagutin niya ang tanong ko ay tinawanan niya lamang ako't ginulo ulit ang buhok. Naguguluhan ako. Anong experience ba ang tinutukoy niya? Para siguro maiba ang usapan ay siya naman ang nagtanong kung kumusta ang experience ko sa pag du-duty sa ospital. Inisip ko nalang na experience sa ospital siguro ang tinutukoy niya kung kaya't nagkwento rin ako ng unang beses kong mag duty after ng aming capping ceremony hanggang sa dumating ang oras para mag uwian na sa kaniya kaniya naming tahanan.
"It was nice talking to you Candice. You wouldn't tell anybody what you saw and what you've heard tonight right?'
"Opo doc. Makakaasa po kayo na ligtas ang sekreto niyo sa'kin. Peks man, mamatay man si Little Mermaid."
"Haha! I love Little Mermaid just so you know."
"Seryoso po?"
"Yes. Don't tell anybody."
"Ang daming sekreto mo pala doc."
"Well, it's not just my secret anymore. It's our dirty little secret, Candice."
Ginawaran niya ako ng isang kindat bago siya nag simulang humakbang papunta sa kotse niya. Hala, asan na ba yung pulse oximeter at parang ako ata ngayon ang may abnormal heart rate.
"Candice, ikaw na ang mag bitbit ng tirang coffee jelly tutal ikaw naman ang nag pagawa ng pang himagas kay nanay."
"Opo ate. Ako ng bahala niyan."
"O ba't ngiting ngiti ka riyan?"
"Wala ate. Hehe! Tara na, uwi na tayo."
Bitbit ang cooler na naglalaman ng coffee jelly ay sabay sabay na kami nila Ate Candy, Tatay, at Nanay na umuwi sa bahay. Nakaligo't nakapag bihis na ako pero hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil nag lalaro pa rin sa isip ko ang pag kindat sa'kin ni McYummy kanina. Akala ko mawawala na ang pagka crush ko sakaniya matapos malaman ang history nila ni Ma'am Lorenzana pero ba't ganito, parang lalong tumibay pa tuloy?
"Tenacious at friendly din naman ako ah."
Makalipas ang kalahating oras ng pag mumuni-muni ay nakatulog ako na may planong nabuo sa aking isipan.