CHAPTER 6:

1967 Words
Matapos ang medical mission sa'ming baranggay ay panibagong pag subok na naman ang kailangan kong harapin. Nag simula na ulit kasi ang clinical training or duty namin sa ospital kung kaya't pagkatapos ng klase namin sa umaga ay diretso kaagad kami sa ospital kasama ang clinical instructor namin. Si Dr. Clemente naman ay wala ngayong week dahil may biglaan daw na commitment itong kailangan pagtuonan ng pansin kaya ginamit nalamang namin ang oras ng klase niya para gumawa ng assignments at reports sa ibang subjects namin. Hectic man ang aming schedule pero para sa bayan ay kakayanin. "Ano 'yang ginagawa mo?" "Wala." Itinago ko kaagad ang kulay pink na papel sa aking notebook pero mabilis ang kamay ni Alyson kung kaya't naagaw niya sa'kin ang notebook at kinuha ang papel. Pinipilit ko sanang agawin ulit sakaniya pero hindi ko maagaw agaw dala na rin siguro na mas matangkad siya sa'kin. "Ano 'to? Love letter kay McYummy?" "Sssh! Quite ka lang." Buti nalang at wala si Cholo ngayon dito dahil kung hindi malamang napag sabihan na naman ako nun. "Okay. Ba't may pa love letter kang nalalaman? High school ka ghorl?" "Tse! Eh sa 'yan lang ang paraan na alam ko para maparating kay McYummy ang pag hanga ko ng hindi nakikilala." "Hindi na 'yan pag hanga Candice. In love ka na eh." "Uy hindi ah. Crush ko lang. Iba ang pag mamahal sa crush." "Sus, paano mo naman nasabi? Eh no boyfriend since birth ka." "Basta, alam ko sa sarili kong hindi 'to pag mamahal. Crush lang. 'Yon na 'yon. Maniwala ka man o hindi." Tahimik na binasa ni Alyson ang love letter.. O crush letter pala ( kasi kasasabi ko nga lang na hindi 'to pag mamahal diba? ) hanggang sa unti-unting napapangiti na siya. "In fairness Candice ah, bet ko yung pa P.S mo. Blood is red, Cyanosis is blue, I get tachycardia when I think of you. Naks! Hahaha!" "Korni ba?" "Hindi. Well, para sa'kin hindi. Ang cute nga eh pero ba't wala ka pang pangalan sa baba nitong Sincerely Admiring You? " "Eh kasi inagaw mo yung notebook ko. Patapos na sana ako ng pag susulat." "Ay ganun? Sorry naman. O sige ilagay mo na bago tayo pumunta ng ospital." Ibinalik sa'kin ni Alyson ang notebook at pink kong papel kaya naman nailagay ko na ang code name ko na kokompleto sa crush letter ko para kay Dr. Clemente. Decided na talaga ako na ibigay ito ng palihim para naman mamulat siya na hindi lang si Ma'am Lorenzana ang babae sa mundong ito. Hindi naman sa hinahadlangan ko ang pag mamahal niya kay Ma'am pero kitang kita naman kasing one sided love ang namamagitan sakanilang dalawa. Parang ako, one sided crush lang sakaniya. Mamaya niyan sa sobrang kamartyran ni doc sa pag ibig siya na ang sunod sa Gomburza na ilagay sa garotte. "P.M.S? Code name mo P.M.S? Ano ka? Premenstrual syndrome?" "Hindi. P.M.S, Palaging Magpapasaya Sa'yo." "Ay, 'yan. 'Yan ang korni. Palitan mo nga. Nakakahiya." "Eh hindi na pwede. Nakasulat na eh at hindi na ako uulit dahil parating na si Cholo. Ikaw lang nakaka alam nito haah." "Hindi natin sasabihin kay Cholo?" "Huwag na. Sa'tin lang 'tong dalawa. Pangako mo 'yan Alyson ah?" "Oo na. Promise. Cross my heart, magkatuluyan man kayo ni McYummy. Yiiee!" "Tse!" "Tse ka rin, kinikilig ka naman bruha." Nang maiabot sa'min ni Cholo ang pina photocopy namin ay sabay sabay na kaming nag tungo sa ospital kung saan kami nakaduty. As usual vital signs dito, vital signs doon, hatid ng gamot sa pasyente, kung mabait ang doktor minsan sinasama kami sa rounds, at kung ano-ano pa. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag usap sa isa sa mga nurse on duty ng may lumapit sa nurse's station. "Charts for Ramirez, Santos, and Tolentino please." "Yes doc." Kaagad na kinuha ng kausap kong nurse ang charts para sa mga pasyente namin kaya naman sa hindi sinasadya ay nagkatinginan kami ng doktor na nasa harapan ko ngayon. "I know you." "Hello po Sir.. Ay.. Dr. Mark. Ako po si Candice. Nagkakilala na po tayo sa Saint Agatha." "Yeah, you're one of Nadia's students. Am I right?" "Yes po. You are right." "So how are you? You look good." "Salamat po. Okay naman po. Heto po, naka duty." "Yeah I can see. Would you like to join me and nurse Manda as we do our rounds?" "Opo. Syempre po." "Awesome. Let's go then." Matapos ma-skim ni Dr. Mark ang charts ng kaniyang pasyente ay sabay sabay na kaming tatlong umalis ng nurse's station at nag lakad papunta sa hospital room ng unang pasyente ni Dr. Mark. Ngayon ko lang din napag alaman na anesthesiologist pala si Dr. Mark kaya pala kailangan niyang kumustahin at tingnan ang kalagayan ng tatlong pasyente naming sasalang sa surgery ngayong linggo. Kagaya ni Dr. Clemente, sinasabayan din ni Dr. Mark ng pagbabahagi ng kaalaman ang lahat ng sinasabi niya sa pasyente kung kaya't lahat kami rito sa hospital room ay nagkakaroon ng free lessons na kaagad ko namang isinusulat sa maliit kong notebook. Sayang, wala rito si Alyson at Cholo. Sa fifth floor kasi sila naka assign samantalang dito naman ako sa second floor kasama ang kaklase kong si Gellie na member ng McYummy fansclub. Hindi ko siya kasama ngayon dahil may kasama din siyang nag ra-rounds na doktor at nurse. "So I'll see you tomorrow Mr. Ramirez. Remember what I've told you okay? And smile, everything's gonna be alright." Maging ako ay napapangiti rin ng makitang nakikipag biruan pa si Dr. Mark sa kaniyang pasyente. Sa nakikita ko, mabait naman si Dr. Mark at may sense of humor pa. Kumusta na kaya ang status niya sa buhay ni Ma'am Lorenzana? Wala lang, pagkatapos kasing iwan siya sa'min nila Dr. Clemente at Ma'am Lorenzana hindi na namin siya nakitang muli. Pagkalabas naming tatlo ng hospital room ay bumalik na rin kami kaagad ng nurse's station at doon nag simulang mag bigay si Dr. Mark ng kaniyang mga bilin. "By the way Candice, is Austin still teaching in your school?" "Yes po doc. Pero wala po siya ngayong week. May lakad daw pong importante." "Oh okay. Probably he's with Jonah right now." "Sino po si Jonah?" "Jonah Clemente. He's Austin's father." "Talaga po? As in yung nasa libro po naming may contribution sa pag formulate ng vaccine noong may pandemic?" "Yep, he's the guy." "Woah." No wonder ba't matalino rin ang bunga. Akala namin ka-apelyido lang ni Dr. Clemente ang nag iisang Mr. Jonah Clemente, 'yon pala ay mag ama sila. Ang ibig sabihin rin ba nito taga pag mana rin si Dr. Clemente ng pharmaceutical company ng papa niya? Werpa at mas lalong werpa sapagkat sakabila ng marangya niyang lifestyle, ay humble lamang si doc. Hindi pa suplado. Good luck at ngiti ang ibinigay sa'kin ni Dr. Mark bago siya nag paalam at umalis ng ospital. Kagaya noong nangyari sa medical mission, hindi pa rin maiwasang may mag tanong sa'kin kung kaano ano ko raw si Dr. Mark or Doc. Williams nalang daw sabi ni doc. "Manliligaw po ata siya ng guidance counselor namin sa Saint Agatha." "Talaga? Maganda ba nililigawan niya?" "Opo. Para sa'kin po maganda si Ma'am. Parang beauty queen po ba tapos may calming effect po siya sa tao kaya siguro ang gaan-gaan ng pakiramdam ni McYummy kay Ma'am." "Sinong McYummy?" "Ah.. Eh.. Wala po." "Candice ah, dali na. Sino si McYummy?" "Wala talaga po. Pagkain lang po sa McDo." "Sige ka, hindi ka namin pauuwiin hangga't hindi mo sinasabi sa'min." Akmang magsasalita sana ako para tumanggi ng biglang unahan ako ni Gellie na may kislap pa sa mga mata ng sabihin kung sino ang tinutukoy naming McYummy. "Si Dr. Austin Clemente po. Yung teacher namin sa Saint Agatha. Kilala niyo po?" "Oo naman. Kayo ah.. Sabagay, kay gwapong bata nga naman 'yon. Kung ka-edaran ko siguro kayo malamang kikiligin din ako kagaya ninyo." Humahagikhik na sagot ni Ma'am Manda habang patuloy sa pag cha-charting. At dahil mabilis ang chismis at walang pinipiling lugar ito kung kaya't bago kami natapos ng duty at makauwi ay alam na ng buong ospital kung sino ang tinutukoy naming McYummy. "You all did a great job today. So far positive feedback ang mga natatanggap ko mula sa mga hospital staff and please continue to give your best. Palakpakan niyo ang mga sarili niyo." Pinalakpakan nga namin ang aming mga sarili. May ilang pointers din ang C.I namin bago niya kami pinayagan ng umuwi. "By the way Miss Amorsolo." "Yes po ma'am?" "Balita ko ikaw daw ang Tala queen ng klase niyo." "Hala, hindi po." "Sila Miss Marasigan at Mr. Buendia ang nakapag sabi sa'kin." Malalagot sa'kin sila Alyson at Cholo. Hmp! Ibinahagi sa'kin ni ma'am kung bakit niya ako pinaiwan sandali. Dahil nakakasilaw ang dagdag points sa participation at libre pagkain ay kaagad akong pumayag sa gusto nilang mangyari. Isa pa, para naman ito sa ikakapanalo ng department namin sa nalalapit na intramurals. "Ilan po kayong tuturuan ko ng sayaw?" "Mga sampu. Limang faculty members at limang estudyante kasama ka na." "Ah. Diba sabado naman po yung event?" "Oo kaya huwag kang mag alala at hindi maaapektuhan ang klase't duty mo." "Sige po ma'am. Bakit nga pala po Tala ang gusto niyong sayawin?" Ayaw ba nila ng SB19? Hehe! Fan lang eh noh? Katuwaan lang naman kasi ang ginawa ko noong pag sasayaw ng Tala sa classroom dahil 'yun ang consequence ko nang nag lalaro kami ng Truth or Consequence habang nag hihintay sa professor namin. Binansagan pa tuloy akong Tala queen sa kalokohan namin pero sige, I'll take it as compliment nalang at baka nakita nila ang the moves ni Sarah G sa'kin. Char! "'Maganda kasi diba. Nakaka indak kahit hindi mo alam yung kanta. Pwede mo rin namang dagdagan pa. Ikaw ng bahala sa'min Miss Amorsolo. Para sa championship ulit." "Okay po. Makakaasa po kayo." Bilang dating vice president ng dance troupe sa Saint Agatha tungkulin kong masiguro ang panalo namin. Napaka competitive pa naman ng lahat ng departments sa unibersidad namin kaya war na naman itey. Friendly war nga lang. Sports lang dapat. Mag isa nalamang akong naglalakad ngayon pauwi sa'min ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si nanay kaya naman tumigil ako sa isang waiting shed at sinagot ang tawag. "Hello nay?" "Pauwi ka na ba?" "Opo, bakit po?" "May nag hihintay sa'yo rito sa bahay. Bilisan mo na't nakakahiya sa bisita mo. Kanina pa siya nag hihintay sa'yo." "Sino po?" Ay takte! Low bat pa. Kailangan ko na nga talagang umuwi para makapag charge na rin. Nag simula ulit akong umabante at dire-diretso na tinahak ang daan pauwi sa'min. Nang makapasok sa bahay ay nadatnan ko ang tatay ni baby Rose na pasyente ni Dr. Clemente noong medical mission kaya kaagad kong kinumusta ang anak niya. "Ineng, kailangan namin ng tulong mo." "Bakit po, anong nangyari?" "Ang taas ng lagnat ni Rose. Sinubukan sana naming dalhin siya sa pinakamalapit na pagamutan pero hindi raw sila tumatanggap hangga't walang down payment. Ang schedule ni Rose kay Dr. Clemente ay sa Linggo pa. Nakakahiya man ito pero desperado na akong mapagamot si Rose. Sana matulungan mo kaming mapatingnan kaagad si Rose kay Dr. Clemente. Parang awa mo na ineng." Nakakapanlumo talaga ang kahirapan ng buhay. Pero paano ko maco-contact si doc? Wala naman akong number niya. Si Ma'am Lorenzana. Tama, si Ma'am nga. Bagama't minsan nag papa schedule ako ng counseling kay Ma'am kaya alam ko ang cellphone number niya. Matapos maikabit ang charger sa aking cellphone ay walang pag aalinlangang tinawagan ko si Ma'am hanggang sa ilang segundo ay nasa kabilang linya na siya. "Ma'am, alam niyo po ba ang cellphone number ni Dr. Clemente?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD