CHAPTER 7:

1899 Words
Sa labas ng bahay nila Mang Ylias at Aling Rosenda, ang mga magulang ni baby Rose, ay hinihintay naming dumating ang ambulansyang ipinadala ni Dr. Clemente para maihatid ang mag anak sa UFMC. Matapos kong matawagan si doc. Ay kaagad niya akong inutusan na tingnan ang kalagayan ni baby Rose para malaman niya kung ano na ang sitwasyon nito kaya agad kaming nag tungo ni Mang Ylias sa kanilang tahanan. Pagkarating ko ay chineck ko ang temperature ni baby Rose, kung nag dumi ba ito, kung may sipon, ubo, may wheezing sound ba ang dibdib, at kung may rashes. Nang matingnan ko si baby Rose ay tinawagan kong muli si Dr. Clemente at ibinalita sakaniya ang aking assessment. Malaking pasasalamat nalang namin sapagkat hindi pa dehydrated si baby Rose dahil kung oo ay 'yun talaga ang mas nakakabahala. "Ayan na po sila." Nauna na akong nag punta sa tabi ng kalsada para tawagin ang pansin ng ambulansya. Nang huminto sila malapit sa kinatatayuan ko ay tinawag ko na ang mag anak para maisakay na si baby Rose. Habang nag bibigay din ako ng detalye sa paramedics tungkol sa karamdaman ni baby Rose ay may isang itim na kotse ang huminto naman malapit lang sa'min at nagulat pa ako ng bumaba si Dr. Clemente at dali-daling nag lakad palapit sa'min. "Where is she?" "Sa loob ng ambulansya na po doc." "Alright." Nag punta siya sa ambulansya kaya naman ipinag patuloy ko ang pag bibigay detalye sa paramedics. Nang matapos ay nag pasalamat na sila't sinabi sa'king sila na raw ang bahala. Akmang mag lalakad na sana ako pauwi sa'min dahil nagawa ko na ang kailangan kong gawin nang biglang may humawak sa kamay ko na naging rason para bumilis hindi lamang ng pag hakbang ko, maging pintig din ng puso ko. "Where do you think you're going?" Saglit na lumingon sa'kin si Dr. Clemente at ngumiti habang patuloy kami sa pag lalakad papunta sa kotse niyang itim. Pinag buksan niya rin ako ng pinto at sa hindi inaasahan ay nakasakay pala rito ang ama niyang si Jonah Clemente na nakangiti rin sa'kin. Parang gusto ko na namang mag tatakbo tuloy pero paano? Mahigpit na hawak ni doc. Ang kamay ko. "Sakay na." "Pero hindi niyo naman po ako kailangan na." "Who told you we don't need you? We need you. I need you." "P-po?" "Hop in now. Dad and Kuya Owen will take you to UFMC. I'll be with Rose in the ambulance. Okay?" Wala na akong nagawa dahil tinulak tulak niya pa ako papasok ng kotse kung kaya't nahihiya akong tumabi sa isang Jonah Clemente lang naman. Paanong hindi ako mahihiya at maiintimidate eh bukod sa siya ang may ari ng pinaka malaking pharmaceutical company sa Pilipinas, isa sa may dahilan kung bakit nagkaroon ng vaccine noong may pandemic, ay siya rin ang ama ng crush ko. Nang masigurong nakasakay na ako ay isinara na ni Dr. Clemente ang pinto ng kotse saka nag madaling pumunta at sumakay ng ambulansya hanggang sa pareho ng tinahak ng ambulansya at kotse ang daan patungo sa UFMC. "So, you're Austin's student. Am I right?" "Opo sir." "What's your name?" "Candice po. Candice Rae Amorsolo po." "Nice to meet you. I'm Jonah. Austin's father." Inabot niya ang kaniyang kamay sa'kin kaya tinanggap ko ito at nakipag kamay pero kaagad ko rin namang binawi at kumuha ng alcohol sa aking backpack para bigyan si Mr. Clemente. "Pasensya na po sir. Hindi pa pala po ako nakapag alcohol. Baka nadumihan ko ang kamay niyo." Natatawa man ay ibinukas naman ni Mr. Clemente ang kaniyang palad para mabigyan ko siya ng alcohol bago ko nilagyan naman ang aking kamay. Ngayon ko lang napagtantong malaki pala ang pagkaka hawig ni Dr. Clemente sa ama niya lalo na kapag ngumingiti. Sa libro kasi bagama't hindi naman colored ang libro namin kaya medyo hindi mo mahahalata ang malaking resemblance ni doc. Kay Mr. Clemente. "Pasensya na rin po pala kung naistorbo ko po ang lakad niyo ni doc." "No, not at all. Don't be sorry Miss Amorsolo. That's his oath and saving lives is his job. If he dares to neglect his responsibilities I'd bloody kick his bum anytime, anywhere." Walang bahid ng pag bibiro ang pahayag ni Mr. Clemente na nag patayo ng balahibo sa'king batok at nagpatuyo ng aking lalamunan. Hindi lang pala siya intimidating, nakakatakot din pala. Nang ibaling niya ang tingin sa'kin ay napangiti ito at bahagyang natawa kaya nakitawa na rin ako kahit hindi ko alam ang pinagtatawanan niya. "You somewhat remind me of my wife Miss Amorsolo. Chill, I'm just joking." "Ah.. Hehe! Akala ko po talaga seryoso kayo. Hindi ko po kasi maimagine na masipa niyo si Dr. Clemente kasi mabait po siya at nakikita ko namang responsable po siyang tao. Magaling din po siyang mag turo at madali niya rin pong nakakasundo ang mga pasyente niya. Ang ganda pa kung ngumiti tapos ang gwapo gwapo." "Really?" Gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa mga labi ni Mr. Clemente sa aking sinabi. Bistadong bistado ka na Candice. Huli na para bawiin pa ang aking sinabi kaya naman pasimple kong kinurot ang aking hita para parusahan ang sarili kong nilaglag ang sarili ko. Magulo ba? Ah ewan. Pasalamat ko nalang at hindi ako dumiretso sa pagiging McYummy ng anak niya dahil jusko malamang tumalon na ako sa kotseng ito kung nagkataon. "I will agree with you Miss Amorsolo. Not because I'm his father but I hear that a lot also so it's totally fine." "Ahehe! Salamat po. Pero opo, gwapo naman po talaga si doc. Kasing gwapo niyo po." "Why thank you. I hear that a lot too." Totoo naman. Kahit na may edad na si Mr. Clemente ay hindi pa rin maikakaila ang angking kagwapuhan nito lalo na't kapag ganitong boss na boss ang itsura niya. Malamang sa malamang habulin o kilabot ng mga kolehiyala rin ito noong kabataan niya. Habang nag hihintay na makarating sa UFMC ay tinanong ni Mr. Clemente sa'kin si Miss Lorenzana. Oo nga pala, kilala niya rin si Ma'am dahil pansamantala itong nanirahan sakanila. Sinabi kong maayos naman si Ma'am at siya pa rin ang guidance counselor namin sa department namin. "What I mean is, is she still being pursued by Austin?" "Ah.. Eh.." Alam din pala ni Mr. Clemente ang tungkol kila doc. At ma'am. Sasabihin ko ba ang nakita ko noon? Hati ang isip ko kung sasabihin ko ang katotohanan o hindi dahil kung sasabihin ko ang katotohanan, hindi nga ako nag sinungaling ngunit lagot naman ako kay doc. Kung magsisinungaling man ako, kasalanan man ang mag sinungaling pero mapapanatili ko naman ang magandang relasyon namin ni doc. Relasyon bilang estudyante sa teacher haah, huwag kayo riyan. Kalaunan ay napagdesisyunan kong huwag sabihin ang katotohanan at umaktong walang alam. Napa buntong hininga nalamang si Mr. Clemente bago muling nag salita. "Would you do me a favor Miss Amorsolo? Of course if it's okay with you." "Kung kaya ko po sige po." "Yeah, I'm sure you can do it. I know Austin's your professor and given he's older than you but please look after him. From the past few days his mom and his sister told me he's not his usual self. I'm not sure if this is because of Nadia but my gut feeling is telling me that it's about her. I tried talking to him but he won't open up." Masampal ba naman siya ng love of his life kahit siguro ako hindi ako mag o-open up. Syempre hindi ko iyon sinabi dahil wala nga akong alam diba? Pero dahil masunuring estudyante ako ni Dr. Clemente kung kaya't pumayag ako sa pabor ng kaniyang ama. Bago rin ako tuluyang maihatid sa UFMC ay sabihin ko raw kila Mang Ylias at Aling Rosenda na sagot na ni Mr. Clemente ang lahat ng kakailanganin ni baby Rose at wala na raw kailangang ikabahala pa sa bayarin. "Thank you sir. Matutuwa po nito ang mag asawa." "Don't mention it. Now, go inside 'cause my son said he needs you." Abot langit ang aking ngiti sa huling sinabi ni Mr. Clemente bago bumaba ng kotse at dumiretso ng emergency room kung saan kakapasok lang ni baby Rose. -------------------------------------------------------------- Panibagong linggo na naman para mag aral, matuto, at tumulong sa mga nangangailangan. Syempre hindi rin mawawala ang patuloy at namamayagpag kong crush life kay Dr. Clemente. Balik klase na ulit siya ngayon kaya ngayong araw ko rin pasekretong iniwan ang pink kong crush letter sa kaniyang kotse. Para paraan at diskarte lang talaga ang puhunan sa lahat ng bagay dahil mula sa aking pwesto ay natatanaw ko ng binabasa niya na ang sulat ko. "Uuy.. Hindi lang isa, dalawang nilalang ang nakikita kong ngumingiti-ngiti ngayon." Panunukso ni Alyson kaya naman napalo ko tuloy siya ng mahina sa kaniyang braso. Baka mahalata kami ni Cholo na ngayon ay tahimik na nag aaral habang kumakain ng pan de coco. Totoong nakangiti nga kasi ngayon si Dr. Clemente at mukhang nabasa niya rin ata ang pa-P.S ko sa letter dahil bahagya siyang natawa bago isinilid sa kaniyang bulsa ang pink kong papel. "Siya nga pala Candice, kailan ka mag tuturo ng Tala?" "Speaking of Tala, mga pasaway kayo. Sinong nag sabi sainyong pwede niyo akong i-volunteer?" "Wala. Bawal ba maging proud kasi kaibigan namin ang Tala queen?" "Tse!" "Huwag ka ng mag tampo. O heto, pan de coco. Hindi man kasing yummy ng McYummy mo, pero COCOmpleto naman ng araw mo." "Meganun?" Kinuha ko ang inabot sa'king tinapay ni Cholo sabay kagat at nag patuloy sa pag babasa ng aming notes at libro. Isang minuto palang ang makalipas ay natigil lang din ako dahil mula sa pwesto namin ay tanaw ko naman ngayon si Ma'am Lorenzana na kasama si.. "Dr. Williams?" Magkahawak kamay pa silang papunta sa parking area ng university kung saan nandoon pa rin si Dr. Clemente na mukhang may hinahanap sa kaniyang hawak na portfolio. "Please look after him.. " Nag mistulang konsensya ko ang pakiusap sa'kin ni Mr. Clemente kung kaya't hindi ko na pinansin sila Alyson at Cholo ng ilang beses nila akong tawagin. Ang mahalaga ngayon ay mailayo ko si Dr. Clemente bago pa niya makita sila Ma'am Lorenzana at Dr. Williams. Mula sa kwento niya at nalaman ko sa kaniyang ama ay alam ko't may kutob akong may hindi magandang magagawa si Dr. Clemente kapag nalaman niyang may jowa na ang babaeng sinabi niyang nag mamay ari ng puso niya. "Doc!" Kaagad siyang lumingon sa'kin kaya naman itinaas niya ang kanang kamay niya para kumaway ngunit imbes na kumaway pabalik ay hinawakan ko ang braso niya't hinila papasok ng canteen kung saan nandoon din kumakain ang team leader ng aming team sa intrams. Halos mabilaukan pa nga siya ng matagpuan kami ni Dr. Clemente sa harapan niya. "Why did you drag me here Miss Amorsolo? Anong meron?" "Doc., anong talent mo o may sports ka ba?" "I can sing. I play archery. Why?" "Werpa. SCHOOLMATES, THE DOCTOR IS IN. ABANGAN NIYO SA INTRAMS SI DOC. Ilista mo na Ramona si Dr. Clemente. Wala pa tayong representative sa Tawag ng Tanghalan ni Saint Agatha diba?" "Wala pa nga sa faculty edition. Sige, salamat po doc." Gulat at hindi man makapaniwal ay wala ng nagawa si Dr. Clemente ng mag simulang kumalat ang balita sa pag sali niya sa intrams ng Saint Agatha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD