"I don't think this is a good idea Miss Amorsolo."
"Hindi doc. This is a good idea. Tingnan mo nalang ang fans club mong nasa labas ng music room. Feeling ko nga po sa simpleng ahem mo lang titili na ang mga 'yan."
Isali niyo na rin ako. Hehe! Natatawang napailing nalamang si Dr. Clemente habang hinihintay naming maikabit ang microphone sa speaker. Dahil nasabi ko na ngang competitive ang mga estudyante rito sa Saint Agatha pag dating sa intramurals kaya syempre kailangan naming marinig ang singing voice ni doc. Para masiguro namin ang panalo sa Tawag ng Tanghalan faculty edition.
Nang maayos na ang microphone ay tinanong ko kung anong kakantahin niya. Tiningnan niya ang kaniyang phone at ng mahanap ang kanta ay ibinigay niya sa'kin ang title nito. Sinabi ko naman ito sa ka-schoolmate kong music major dito sa university at pagkakataon nga naman, miyembro rin pala siya ng McYummy fans club. Nang makahanap ang schoolmate ko ng instrumental ng kakantahin ni doc. Ay nag bigay siya ng cue para mag simula si doc. Huminga ng malalim si Dr. Clemente bago ibinigkas ang unang lyric ng kanta.
( B.M: We Don't Talk Anymore Cover by Jeon Jungkook )
Halos hindi na ata kami kumukurap habang nanunuod kay Dr. Clemente. Hindi ko rin malaman kung paborito niya ba itong kanta o may hugot lang? Pero regardless kung ano mang kwento sa likod ng kinakanta niya ngayon ay saka ko nalamang aalamin dahil nag huhuramentado na ang aming mga puso rito. Takte! Ngayon ko na masasabing ganap na akong miyembro ng McYummy fans club. In denial pa kasi ako rati pero iba na talaga itong nararamdaman ko ngayon.
"Kaloka, kahit magaling din ang pambato naming faculty member sa department namin sa Tawag ay kay doc. Ako boboto. Nakaka in love. Pakiramdam ko ako ang kinakantahan niya."
"Huwag ka namang makasarili, girl. Marami tayo rito oh. Hindi ka nag iisa."
Maging ang ibang faculty members ay nakisilip na rin dito sa loob kung kaya't nag mistulang may artistang kumakanta rito sa music room. Nang matapos si Dr. Clemente ay masigabong palakpakan ang ibinigay sakaniya at mukhang nasa mood pa siya sapagkat nag bow naman siya't sabay ngiti sa lahat ng nanunuod sakaniya. Nagpasalamat din ako sa schoolmate kong nag pahiram ng music room bago kami lumabas ni Dr. Clemente. Sa labas ay naka abang na rin sila Alyson at Cholo na agad inayos ang pagkakatayo ng makitang nakasunod sa'kin si doc.
"Nanuod kayo?"
"Oo naman. Ang galing niyo po doc."
"Mukhang ka-abang abang po ang magiging Tawag ng Tanghalan ngayong taon rito sa Saint Agatha ng dahil po sainyo."
"Is that so, Mr. Buendia?"
"Opo pero malakas po ang kutob naming ikaw ang mananalo. Kung hindi man at least ikaw pa rin po ang panalo sa puso ng karamihan."
Makahulugang sumulyap sa direksyon ko si Cholo kaya naman agad ko siyang pinandilatan ng mata. Humahagikhik naman si Alyson rason para ibaling ni doc. Ang tingin niya sa'kin. Para hindi ako mahalata ay kaagad nalamang akong nag bato ng tanong sakaniya.
"Paborito po ninyo 'yung kantang iyon?"
"Hmm.. Hindi naman pero let's just say I'm having a last song syndrome. Anyway, pasado na ba ako Miss Amorsolo?"
"Aba'y syempre naman po. Pasadong pasado."
"Cross your heart?"
"Opo. Mabuhay man ng pang habang buhay si Little Mermaid."
Bagama't kami lang ni Dr. Clemente ang nakakaalam ng tungkol sa pagiging fan niya ng Little Mermaid kung kaya't hindi nakaligtas sa paningin ko ang pabalik balik na tingin sa'min nila Alyson at Cholo. Nag offer din sana si doc. Na ihatid kami sa ospital kung saan kami naka duty pero tumanggi na kami dala ng hiya. Kalabisan na ang magpahatid pa sakaniya lalo na't sapilitan namin.. I mean ako pala, sapilitan ko siyang pinasali sa intramurals kahit wala naman talaga sa plano niya ang sumali. Mabuti nalang mabait si doc. Hindi at never kong magagawa ito kay Mr. Honesto at baka mapatawag ang mga magulang ko ng di oras.
Una ng nag lakad si Dr. Clemente habang nakasunod naman kami sakaniya. Nang makarating siya ng parking area ay wala na sila Ma'am Lorenzana at Dr. Williams na siyang ipinagpasalamat ko kay Lord dahil pakiramdam ko ay may nailigtas ako ngayong tao mula sa heartache.
"Ikaw pala ang kalaban ko sa singing contest?"
"Yeah, looks like I am."
Si Miss Stacy Pacheco. Kung may Dr. Austin Clemente ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dito sa Saint Agatha, si Miss Pacheco naman ang counterpart niya at ideal girl ng mga kalalakihan dito sa university. Isang member din ng faculty si Miss Pacheco pero sa College of Business Administration ang kaniyang department. Eh ang tanong, ba't siya sumakay sa kotse ni doc at sabay pa silang umalis ng university? Hanggang sa makarating ng ospital ay palaisipan sa'kin kung bakit magkasama silang dalawa at kung kailan pa sila magkakilala. Ang buong akala ko ay si Ma'am Lorenzana lang ang kakilala niya sa Saint Agatha.
"Ba't parang ang lalim ng iniisip natin diyan?"
Kakabalik lang ni Ma'am Manda mula sa pag bibigay ng IV push sa isa naming pasyente ng maabutan niya akong blankong nakatingin sa chart ng isa naming pasyente. Kaagad akong humingi ng tawad sakaniya sapagkat naabutan niya ako sa ganoong sitwasyon samantalang abala silang lahat sa trabaho.
"Ano ka ba, okay lang. Hindi naman talaga maiiwasan minsan ang lutang moments lalo na't hati ang atensyon mo sa pag aaral at pag du-duty. May problema ba sa school?"
"Wala naman po. Naguguluhan lang po ako Ma'am."
"Tungkol saan? Tungkol ba sa family mo?"
"Hindi po. Maayos naman po kami ng pamilya ko. Naguguluhan lang po ako kay McYummy."
"Oh.. Magulo talaga minsan ang buhay pag ibig. Speaking of McYummy, heto na pala si Princess. Princess, halika. Bilisan mo."
Isang mistisa at matangkad na babaeng nakasuot ng scrub suit ang lumapit sa nurse's station bitbit ang pinamili nitong pagkain na sa tingin ko ay pancit lomi at turon base sa amoy na lumalabas sa paper bag nito.
"Yes madam? Heto na yung pinasabay mo sa'kin. 75 pesos lang lahat kaya may sukli ka pang 25 pesos."
"Salamat Princess. Siya nga pala, ito si Candice. Nag aaral siya sa Saint Agatha. Isa siya sa estudyante ni McYummy."
Gulat at may halong pagka mangha ang rumehistro sa mukha ni Ma'am Princess bago niya ipinakita sa'kin ang mapuputi niyang ngipin na may kulay pink na braces kaya ngumiti rin ako sakaniya't binati siya.
"Kumusta na si Austin?"
Austin? First name basis? Lalo tuloy akong naguguluhan sa nangyayari.
"Maayos naman po. Ang bait niya po para pumayag siyang sumali sa intramurals namin. Siya po ang pambato namin sa singing contest ng mga faculty."
"Mabait? Sigurado ka bang si Austin Clemente ang pinag uusapan natin?"
"Opo. Si Dr. Clemente po mismo. Bakit po parang hindi po kayo naniniwalang mabait si doc?"
"Mabait naman siya sa mga pasyente. Pero kasi iba ang kilala kong Austin. Nakakausap mo ba siya madalas?"
"Opo. Kanina nga po gusto niya sana kaming ihatid pero kami na po ang tumanggi. Nakakahiya po kasi."
"I see. Mag ingat nalang kayo."
Sapagkat pansamantala lamang ang break ni Ma'am Princess kung kaya't nag paalam na siya sa'min at bumalik na sa Operating Room kung saan ang workplace niya. Bukod sa dati ng magulo ang utak ko ay nadagdgan na rin ito ng curiosity kung bakit ganoon ang nasabi ni Ma'am Princess.
"Ma'am Manda, ano po ni Ma'am Princess si Dr. Clemente?"
"Ex? M.U? Hindi ko alam eh. Hindi naman daw niya naging boyfriend si doc pero may pinag samahan daw sila. 'Yun ang sabi niya. Dati kasing taga UFMC si Princess tapos noong isang taon lang siya lumipat dito."
"Ah. Hindi naman po sa pang aano rito sa ospital natin pero bakit pa po siya lumipat dito? Sayang ng opportunity sa UFMC."
"New environment daw pero dahil sa narinig ko ngayon I doubt na new environment ang rason niya."
Kibit balikat na sagot ni Ma'am Manda bago pasimpleng kumagat sa turon na pinabili niya. Halos buong oras ng pamamalagi ko sa ospital ay naubos dahil sa pag cha-charting. Buti nalang at mababait at supportive naman ang mga kasama ko rito sa nurse's station kaya naman bago mag uwian ay natapos ko ang lahat ng kailangan kong gawin at kainin. Pinadalhan kasi kami rito sa nurse's station ng dalawang klase ng pizza at dalawang pan ng carbonara mula sa watcher ng isa naming pasyente bilang pasasalamat daw sa pag aalaga namin sa kaniyang kapatid.
"Maraming salamat po ulit mga ma'am at sir. Una na po kami."
"Sige, ingat kayo. Huwag na kayong mamroblema kay McYummy. Marami pa riyang yummy na doctors bukod sakaniya."
Pabirong pahabol nila sa'min ni Gellie bago kami tuluyang nakababa at nakalabas ng ospital. Saktong nandito na rin pala ang sundo ni Gellie kaya naman mag isa nalamang ako ngayong nag lalakad papuntang sakayan para makauwi sa'min.
"Ma'am Princess."
"Oy Candice. Out ka na rin pala."
"Opo. Uuwi na po ba kayo?"
"Hindi pa. May bibilhin lang ako sa mall tapos uuwi na rin. Ikaw?"
"Pauwi na rin sana po pero.."
"Pero?"
"Okay lang po ba ma'am kung mag tanong ako?"
"Oo naman. Tungkol ba 'to kay Austin?"
"O-opo."
Sa pinaka malapit na coffee shop kami nag punta ni Ma'am Princess at kahit nakakahiya ay tinaggap ko ang inorder niyang frappe para sa'kin kesa naman masayang.
"Parang nababasa ko sa mga mata mo ang gusto mong malaman."
"Halata po ba?"
"Naku Candice, kahit ang pagka gusto mo kay Austin halatang halata kaya nga pinag iingat kita."
"Hala."
"Haha! Okay lang 'yan. Sabagay, ganiyan din ako rati noong unang pagkikita namin sa UFMC."
O.R nurse rin ang trabaho noon ni Ma'am Princess sa UFMC ayon sakaniya. Unang pagkikita nila ni Dr. Clemente ay sa pantry ng UFMC kung saan nasa likod daw niya ito nakapila para bumili ng maiinom.
"Wala siya noong dalang smaller bill kaya naman ang kinalabasan eh ako muna ang nag bayad ng inumin niya."
Simula noon ay madalas na ang pagkikita nila ni Dr. Clemente hanggang sa naging magkaibigan silang dalawa. Magkaibigan pero with benefits na labis kong ikinagulat. Alam niya rin ang tungkol sa iniibig nitong babae ( obviously naman na si Ma'am Lorenzan) pero never niya raw itong nakilala hanggang sa dumating na ang araw para sapilitan na siyang mag resign sa UFMC.
"Ahm.. Kaya po ba kayo nag resign dahil may nangyari na sainyo ni Dr. Clemente?"
"Hindi Candice. Dahil 'yun ang kondisyon ni Austin."
"Kondisyon?"
"Yep na hindi ko inaakalang magagawa niya dahil napakalayo sa mala prinsipe niyang itsura."
Nagkaroon ng pagkakataon noon na kinailangan ng tulong ni Ma'am Princess dahil inatake sa puso ang tatay niya. Tanging si doc lang ang may kakayahan na tumulong sakaniya at sa tatay niya kung kaya't nag lakas loob siyang humingi ng tulong dito. Walang pag aalinlangang tumulong daw si Dr. Clemente kaya naman malaki ang pasasalamat niya at ng pamilya niya kay doc.
"One time nagkita kami sa sleeping quarters niya. Akala ko maniningil na siya ng perang pinahiram niya sa'kin pero hindi. Hindi ko na raw kailangang bayaran 'yon sa isang kondisyon."
Matapos ang pag uusap namin ni Ma'am Princess ay nagpasalamat na ako sakaniya. Habang pauwi ay hawak ko lamang ang sunod kong crush letter para kay doc, malalim na nag iisip kung dapat ko na bang ihinto ang nararamdaman ko para sakaniya.