CHAPTER 9:

1887 Words
"Isang cheesecake matcha po. Yung alto lang." "Anything else ma'am?" "Wala na po. 'Yun lang. Salamat." Dala ng init ng panahon kaya imbes na dumiretso ng bahay ay napagpasiyahan kong mag mall muna at mag milktea. Weekend na kaya nag simula na ang pag tuturo ko ng sayaw sa mga kagrupo ko sa intramurals. So far so good naman kahit unang beses palang naming nag practice. Ang nakakatuwa pa roon ay kahit parehong kaliwa ang paa ng iba kong professors at C.I ay bongga sila kung humataw nang Tala na ang sasayawin. Iba talaga ang kapangyarihan ni Ate Sarah G. "Alto cheesecake matcha for Candice." Matapos makuha ang order ko ay nag simula na akong mag lakad lakad dito sa mall. Haay.. Iba talaga kapag walang pera, pinagkakasya nalamang ang sarili sa window shopping. Matagal ko na sanang gustong bumili ng sapatos pang duty dahil hindi na rin komportable ang paa ko sa kasalukuyan kong sapatos pero dahil nahihiya ako sa mga magulang ko at kay Ate Candy kaya pinag tiya-tiyagaan ko nalamang kung anong meron ako. Ang mahal kasi ng tuition ko tapos maya't maya pa ay may mga unexpected na bayarin sa school kaya para makatulong din sakanila ay ibayong pagtitipid talaga ang ginagawa ko para sa baon ko nalang ako kukuha ng pambayad. Pero okay lang, matapos ko lang ang pag aaral ko't makapasa ng board exam ay magiging maginhawa rin ang lahat. Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa isang kilalang babae ang natatanaw ko ilang metro mula sa'kin. Tumatawa pa ito habang kausap ang isang lalaki.. Cute na lalaki actually kaya naman palihim ko silang sinundan gaya ng ginawa kong pag sunod noon kila Ma'am Lorenzana at Dr. Clemente. "Kaya pala naka bestida ka ngayon haah." Hindi man ako makapaniwala sa nakikita ko pero deep inside ay nagbubunyi ang aking puso. Sa wakas! May nakahuli na rin sa mailap na puso ng isang Candy Royce Amorsolo. Ang buong akala ko talaga magiging matandang dalaga si Ate Candy kasi nga naniniwala siyang isa siyang strong and independent woman at para sakaniya ang pagiging strong and independent woman ay hindi kailangang umasa sa mga kalalakihan. Tama naman si ate pero syempre iba pa rin yung may support system ka bukod sa family tapos yung pakikiligin ka araw-araw then magbibigay sa'yo ng something or words of affirmation just to show his appreciation na dumating ka sa buhay niya. Mga ganern. Hihi! Kinikilig ako takte. Sa isang restaurant pumasok sila ate.. Pamilyar na restaurant actually dahil doon din kumain sila Ma'am Lorenzana at Dr. Clemente noong sinusundan ko sila. Parang déjà vu tuloy ang nangyayari ngayon sa'kin pero sana naman wala ng sapakan after ng date nila dahil mukhang mabait naman si kuya eh. "Mabait? Sigurado ka bang si Austin Clemente talaga ang pinag uusapan natin?" Matapos mag flashback sa utak ko ang sinabi ni Ma'am Princess ay kaagad kong binawi ang impression ko at minabuting huwag munang i-conclude na mabait si Kuya Cute. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa 'yon ni Dr. Clemente. Noong nag uusap kami ni Ma'am Princess ay naibahagi niya sa'kin na may isang doktor daw sa UFMC ang nag papakulo ng dugo ni McYummy. Bagama't magaling ang nasabing doktor at malapit ito sa mga bosses kung kaya't hirap si Dr. Clemente makahanap ng rason o butas para mapatalsik ito ng UFMC. "Wala man akong inilabas na pera para mapagamot ang papa ko pero wala na rin akong mukhang maiharap kay Austin." Ayon kay Ma'am Princess ay inutusan daw siya ni Dr. Clemente na gumawa ng paraan para mapaalis ang nasabing doktor sa UFMC kapalit ng pag tulong nito dahil kung hindi ay si Ma'am Princess ang aalis ng ospital. Matagal na pinag isipan iyon ni Ma'am Princess hanggang sa dumating na ang oras para isakatuparan ang nabuo niyang planong pang sasabotahe sa doktor. Ang kaso dala ng matinding konsensya ay hindi niya ito itinuloy rason para tanggapin nalamang ni Ma'am Princess ang kondisyon ni Dr. Clemente na mag resign at huwag ng mag pakita kay doc kahit kailan. Mahirap man paniwalaan ngunit bakas sa magandang mukha ni Ma'am Princess ang pait at lungkot sa nangyari kung kaya't nang araw ding iyon ay minabuti kong itago nalamang sa isang notebook ko ang liham para kay doc. Speaking of notebook.. Kasing instant ng instant noodles ang panlalaki ng aking mata ng malamang na kay Alyson pala ang notebook kong iyon. Bago mag weekend ay pinahiram ko iyon sakaniya dahil kokopya raw siya ng lessons. Takte naman! Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan si Alyson sa messenger. Buti nalang at sinagot naman kaagad. "Alyson, may nakuha ka bang naka ipit na papel diyan sa notebook kong nasa sa'yo?" "Yung pink ba na letter mo kay McYummy?" "Oo, yun nga. Nandiyan pa naman sa'yo diba?" "Ah.. Hehe! Wala na." "Anoo?! Nasaan na?" "Nilagay ko sa kotse ni doc. Akala ko kasi nakalimutan mong ibigay kaya iniwan ko nalang doon. Huwag kang mag alala, wala namang nakakita sa'kin kaya safe pa rin ang sekreto mo." Haay.. Ano pa nga bang magagawa ko? Wala na rin namang saysay pa kung magmamaktol ako dahil malamang sa malamang ay nabasa na iyon ni Dr. Clemente. Juskong pagkakataon nga naman. Tsk! Nagpaalam na ako kay Alyson at muling isinilid sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone ko bago ipinagpatuloy ang panunuod kila Ate Candy. "Stalking someone again?" "D-doc?" Muntik pang hindi ko makilala si Dr. Clemente sa itsura niya ngayon dahil sa OOTD niyang white sneakers, jeans, long sleeve shirt, at naka salamin pa which is nakakapanibago. Para siyang college student lang kung titingnan ngayon na may hawak ding milk tea habang nakatayo sa likod ko at nakiki silip din. "Anong ginagawa niyo po rito?" "Ikaw? Anong ginagawa mo? Why are you stalking again?" "Hindi po akong nang i-istalk. May tinitingnan lang." "I doubt it. So who are you stalking this time?" "Hindi nga po ako nang i-istalk. Tinitingnan ko lang si ate." Dahil alam na ni Dr. Clemente ang itsura ni Ate Candy kung kaya't mabilis niya itong nakilala at tumango tango. "Looks like your sister is having a nice time with her boyfriend." "Oo nga po. Ngayon ko lang nakitang ganiyan si ate." "Do you wanna have a closer look?" "Ay huwag na po. Baka madakip ako ni ate na nang i-istalk sakaniya.' "Haha! Sabi mo hindi ka stalking. You know what, let's just go inside. Pinapahirapan mo ang sarili mo." "Wala po akong pera para mag dine in sa ganiyang restaurant kaya rito lang po ako." "Just come with me." "Teka po.." Wala na akong nagawa dahil nahila na ako ni Dr. Clemente papasok ng restaurant. Ang tanging nagawa ko nalamang ay takpan ang mukha ko ng iniinom kong milk tea para hindi ako makilala ni Ate Candy. Nang makapag hanap ng table ay pinaupo ako ni doc bago siya naupo sa tapat ko. "You can lower your milk tea now though covering your face is unnecessary." "Baka makita po ako ni ate. Mapapagalitan po ako." "Hindi 'yan. They are are too occupied. Kilala ka ba ng boyfriend niya?" "Hindi po. First time ko po siyang makita. Hindi pa po pinapakilala ni ate si Kuya Cute sa'min." "Oh, okay. Anyway, it would be best if we'll eat while you're stalking. So, what's your order?" "With all due respect doc., kahit ikaw din naman stalking na eh. Ikaw pa nga po nag dala sa'kin dito kaya hindi lang ako ang stalker ng ate ko ngayon." "Fair point. Well, it's not bad to help my student sometimes." "Bakit ka nga po pala nandito? Wala ka po bang trabaho?" "It's my day off and aside from that, nag practice din ako ng kakantahin ko sa singing contest. Thanks to you." "Ah.. Eh.. Pasensya na po. Pwede pa naman po kayo mag back out." "Nah, it's okay. I don't want to disappoint my 'fans' in Saint Agatha anyway." Pilyong ngiti niya habang nag hahanap ng ma-oorder sa menu ng restaurant. Bakit ganito? Parang pakiramdam ko tuloy nakikipag date rin ako. Isama pa natin na sa kabila ng nalaman ko mula kay Ma'am Princess ay ni katiting hindi man lang nabawasan ang pag tingin ko sakaniya. Haay.. Pinag lihi siguro ito sa gravity, his force is inevitably strong. Ay? Hugot pa Candice. "And one smoked-duck salad with walnuts and raspberries." "And for the dessert sir?" "Later. How about you Candice? Have you decided what to eat?" "Ahm.. Garlic bread lang po." "Huh? Are you serious?" "Ito lang po ang kaya ng budget ko eh." Nagkatinginan si Dr. Clemente at ang waiter kung kaya't ang order kong tatlong pirasong garlic bread ay upgraded sa grilled bread with cheese fondue na dinagdagan pa niya ng isang spaghetti aglio e olio. Nang mag repeat order ang waiter at makompirma ang order ay nag lakad na ito palayo sa table namin at dumiretso sa loob ng kitchen ng restaurant. "I forgot to ask if you are allergic to sea food." "Hindi naman po doc." "Good 'cause I suddenly remember this classmate wayback in med school who's allergic to seafood. One time she ate something, not sure kung ano 'yon pero that gave her an anaphylactic shock and of course I don't want that to happen to you. Wala pa naman akong hydrocortisone rito." "Huwag po kayong mag alala, wala akong allergy pwera ngayon." "Huh? May allergy ka ngayon? Why didn't you tell me? Let me see." Akmang tatayo na sana si Dr. Clemente para matingnan ako ng kaagad kong sinabing allergic ako sa bill ng pagkain namin. Nawala tuloy ang focus ko kay ate at sa boyfriend niya sapagkat hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa pagkain ko. "You got me there. Don't worry about the bill. It's mine that's why what you need to do is to eat, relax, and just stalk your sister." Isa-isang dumating ang order namin ni doc kaya naman nag simula na rin kaming kumain. Kahit hindi pa ako gaanong gutom ay kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang mga pagkaing nakahain sa aking harapan. Buti nalang at hindi niya narinig dahil abala siya sa kaniyang cellphone ngayon kung kaya't nauna na akong kumuha ng tinapay at isinawsaw sa fondue. "Ang sarap!" "I know right. One of the best I must say that's why my mother doesn't like ordering that in here. Kahit siya kasi ang nanay ko di hamak na mas masarap ang cheese fondue rito kesa sa gawa niya." "Ang sama mo naman sa mama mo doc." "I'm just being honest. So, what's your dessert?" "Huwag na po talaga. Lalong dadagdag ang utang ko sainyo." "Candice, how many times do I have to tell you that our bill's on me. If you keep on insisting that then you leave me no choice but to call your sister." "Pinagbabantaan mo po ba ako?" "Yes, I'm threatening you and again, what would you like to have for dessert?" "Apple pie po. May kasabihan kasing an apple a day keeps the doctor away." Sagot ko sakaniya habang nakabusangot na kumakain ng tinapay. Umiiling na napangiti nalamang siya sa sinabi ko bago inilapag sa mesa ang hawak niyang menu. "Well if that's the case then you need to stay away from an apple. That's a doctor's order."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD