Pabalik na akong O.R ng may kabuteng sumulpot sa tabi ko. Kinuha niya rin ang dalawang malalaking paper bag na nag lalaman ng supplies namin sa O.R kung kaya't hindi na ako umangal pa dahil medyo may kabigatan ang dala ko. "What are your.." "Austin, diba ang kondisyon ko sa lingwaheng Filipino tayo mag uusap?" "Oo nga pala. Pasensya na." Tumango tango si Austin sa sinabi ko kaya hindi na siya nag salita pa hanggang sa nakarating kami ng O.R. Nataranta pa nga ang mga kasamahan ko ng pumasok siya pero hind naman niya iyon napansin dahil parang malalim ang kaniyang iniisip. Napressure siguro. Wehehe! Nang pumasok ako ng storage room ay sumunod din siya dala ang mga stocks namin saka inilapag ito sa mesa kaya nag pasalamat ako sa kaniya. "May problema ka ba?" "Wala. May iniisip lang."

