Kagaya nga ng sabi sa'kin ni doc Austin kahapon ay balik trabaho na siya ngayong araw ngunit dahil marami siyang naiwang gawain kung kaya't isang beses lang siyang nadako rito sa O.R bago siya nag simulang mag rounds. Wala rin naman siyang schedule sa O.R ngayon kaya naman nasa opisina niya lamang siya mag hapon. "Sinong gustong mag kape?" Agad kaming nag sitaasan ng kamay bago muling lumabas si sir Cheeto. Ilang minuto ang makalipas ay bumalik siya sa loob na abot tenga ang ngiti habang binibilang ang hawak niyang pera. Nagtaka naman kaming lahat kung saan galing ang pera kaya ng makita niya ang aming mga mukha ay doon niya sinabing galing daw iyon kay doc Escanor, isa sa mga senior cardiothoracic surgeons dito sa UFMC na manlilibre ng kape sa'min dahil halos anim na oras din kaming na

