E14- Suspicion

1574 Words

Alam ni Sheena kung ano ang inihatid niyang sensasyon kay Andrew nang yakapin siya nito dahil akala nito na siya si Patricia. Alam niyang nagdulot siya ng kalituhan sa isip nito. Tinaon niyang nakaalis na muna si Patricia bago siya magtungo sa kwarto ng mag-asawa upang kumuha ng mga labahin nang umagang iyon. Kadalasang naaunang umalis si Patricia. Nakaawang ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan niya iyong binuksan. Hindi mahagilap ng kaniyang mga mata si Andrew. Tuluyan na siyang pumasok at narinig niyang bukas ang shower. Alam niyang naroroon ito. Kinuha niya ang ilang mga labahan na nakalagay sa laundry basket. Inabangan niya ang paglabas ni Andrew. Sinadya niyang magtago sa likod ng pader at nang palabas na si Andrew ay saka siya lumabas. Kaya naman bumangga siya sa basa pa nitong kata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD