Nanginginig ang mga kamay ni Sheena habang kinikimkim sa palad niya ang ginamit na pregnancy test kit. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang palad at napahinuhod na lamang siya't napaupo nang makita ang dalawang pulang linya roon. Buntis nga siya. Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Napatingala na lamang siya sa kawalan. Napatda siya sa kinauupuan nang may kumatok sa pintuan. "Are you okay?" bungad na usisa ni Patricia pagkabukas niya ng pinto. Tumango si Sheena. "You know you can tell me anything." "Wala. May bigla lang akong naalala," wika ni Sheena. "Sino?" Patricia sat beside her. "Kaibigan ko," anang dalaga. "Why? What about her?" "Iniwan ko kasi siya kung kailan kailangan niya ako." It's another lie she has to make para maitago ang tunay na dahilan n

