"Bakit ka aalis?" nagtatakang tanong ni Roxy kay Sheena.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo. Pasensya ka na" tugon ng dalaga. "Pero kailangan ko nang umalis. Hindi na ako pwedeng magtagal dito."
"Ano ba'ng ginawa mo, Erika? May nangyari ba?"
"Maniwala ka sa akin, Roxy, ligtas ka kung wala kang alam." Binitbit na niya ang bag na naglalaman ng ilang gamit at ang perang bigay ni Wisley Buenaventura na kahit kusing ay hindi pa niya nababawasan. Akmang aalis na siya ngunit may naisipan siyang gawin. Binuksan niya ang bag at kumuha ng isang tali ng lilibuhin.
Nanlaki ang mga mata ni Roxy nang kunin ni Sheena ang kamay niya at inilagay roon ang pera. "Ano ito, Erika? Bakit ang dami mong pera? Nagnakaw ka ba?" aniya. "Iyon ba ang dahilan kaya ka aalis? Pinagnakawan mo ba iyong mga kliyente mo?"
"Hindi ako magnanakaw, Roxy. Pera ko iyan. Nagawa ko na ang kailangan kong gawin kaya kailangan ko nang umalis. Umalis ka na rin dito. Sapat na ang perang iyan para makaalis ka rito at makapagsimula ng bagong buhay," tugon ni Sheena. "Umalis ka na rin habang wala pa si Mamu. Huwag ka nang magpaalam."
Nasa state of shock pa rin si Roxy. Iyon ang unang beses na nakahawak siya ng gano'n kalaking pera. "Ano ka ba talaga, Erika, assassin?" biglang tanong nito.
Muntik nang mabulunan sa sariling laway si Sheena sa narinig. "Hindi. Ano ka ba?" Natawa siya. "Ordinaryong tao lang ako. Ano, tanggapin mo ba iyang pera o hindi? Kasi kung hindi, akin na."
Umangal naman si Roxy. "Ba't mo babawiin, eh ibinigay mo na? Akin na ito. Nagtataka lang ako kung bakit ang dami mong pera," paliwanag nito.
"Ang kailangan mo lang malaman, pera ko iyan. Iyon lang," tugon ni Sheena. "Sige na, kailangan ko nang umalis. Salamat sa saglit na pagkakaibigan natin. Ikaw lang ang naging kasundo ko rito."
"Ikaw lang kasi ang mabait na napunta rito. Magaan ang loob ko sa iyo kahit isang buwan pa lang tayong magkasama. Nalulungkot ako na aalis ka. Hindi naman ako pwedeng umalis dito. Wala naman akong pupuntahan. Wala rin akong ibang alam na trabaho kundi ito lang."
Napabuntong-hininga si Sheena. "Gusto mo bang sumama na lang sa akin? Pero hindi ko rin alam kung saan ako pupunta," aniya.
Nagliwanag ang mukha ni Roxy sa narinig. "Talaga? Isasama mo ako?" Tumango si Sheena at ngumiti. Hindi na niya napigilang mapayakap sa kaibigan."Sasama ako sa iyo kahit saan," wika niya.
"Desisyon mo iyan ha? Walang sisihan sa huli," ani Sheena.
Umiling-iling si Roxy. "Alam kong hindi mo ako pababayaan."
"Binigyan mo pa ako ng responsibilidad," natatawang wika ni Sheena. Natawa na lamang sila kapwa.
Hindi na sila nagsayang pa ng oras. Nagmamadali na silang umalis sa lugar na iyon.
"Hindi Erika ang totoo kong pangalan," wika ni Sheena kay Roxy nang makalayu-layo na sila. "Sheena. Nagpunta ako sa club ni Mamu para magawa ang unang hakbang sa paghihiganti ko."
"Paghihiganti? Kanino? At para kanino?" Napalingon sa kaniya si Sheena.
"Paghihiganti kay Andrew Santillan," tugon ni Sheena. "At paghihiganti para kay Cielo, ang ate ko."
Napanganga si Roxy at natakpan nito ang bibig. "Ano? Bakit? Ano'ng ginawa ni Andrew Santillan sa ate mo?" aniya.
"Pinatay niya ang ate ko. Hindi man kamay niya ang kumuha sa buhay ng ate ko, siya naman ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko. Kaya, gagawin ko ang lahat para mabigyan ang ate ko ng hustisya. Hustisya na rin para sa akin para sa ilang taon kong pagdudusa sa pag-aakala kong ako ang dahilan ng pagpapakamatay ni ate."
"Pinatay mo si Andrew Santillan sa gabi ng bachelor party niya?" nahihintakutang tanong ni Roxy.
"Hindi ko siya papatayin. Wala akong balak. Gusto ko lang maging miserable ang buhay niya. Buhay niya at ng babaeng ipinagpalit niya sa ate ko. Pagbabayarin ko silang dalawa."
"Kung gano'n, ano ang nangyari? Bakit kailangan mong umalis sa club? Ano'ng ginawa mo?"
"May nangyari sa amin ni Andrew."
Bumagsak ang panga ni Roxy sa narinig. "Ano? May nangyari sa inyo?" Napa-sign of the cross ito.
"Sinadya kong may mangyari sa amin Gusto ko sanang mahuli kami ng girlfriend niya, pero hindi nangyari iyon. Pero alam kong sa mga oras na ito, nagkakalabuan na sila. Matalino ang girlfriend niya, iyon ang alam ko. Hindi niya man kami nakita at nahuli, alam kong malalaman niyang may nangyari sa amin ni Andrew. At si Andrew, dadalhin niya sa kaniyang konsensiya ang pagpatol niya sa akin. Alam ko kung gaano siya ka-loyal sa girlfriend niya." Ngumisi siya. "Ibig sabihin no'n, wala nang mangyayaring kasalan. At dahil mahal na mahal ni Andrew si Patricia, mababaliw siya sa paghihiwalay nila."
"Diyos ko!" mahinang bulalas ni Roxy. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. "Eh, iyong pera mo, sa iyo ba iyan talaga?"
"Sinabi ko na sa iyong akin ito. Sinabi ko na sa iyo ang kaya kong ibahagi sa iyo." Kinuha niya ang mga kamay ni Roxy. "Nagtitiwala ako sa iyo, Roxy. Sana hindi mo ako traydurin. Hindi naman ako masamang tao. Gusto ko lang ipaghiganti ang ate ko."
"Alam ko namang hindi ka masamang tao. Kaya nga ako sumama sa iyo. Nasa-shock lang ako sa mga nalalaman ko. At gusto rin kitang mas makilala pa," tugon ni Roxy. "By the way, Roxy talaga ang palayaw ko. Roxanne ang tunay kong pangalan. Hindi na ako gumamit ng alias pagpasok ko sa club. Wala namang may pakialam sa akin. Ulila na ako. Wala rin akong mga kapatid. Mag-isa lang ako sa buhay."
"Marami pala tayong pagkakatulad kong gano'n. Kaya magaan din ang loob ko sa iyo. Ang pagkakaiba lang natin, may kapatid akong ipinaglalaban."
"Hindi naman kita masisi sa ginagawa mo. Hindi kita kayang husgahan."
"Maraming salamat, Roxy."
"Makakaasa ka sa akin... Sheena."
Ngumiti sila sa isa't isa.
"I'M REALLY SORRY, Andrew!" wika ni Samuel. Kapwa sila ni Eden na hindi makatingin nang deretso sa mga mata ni Andrew. "It wasn't my intention. I just wanted us to have fun. I knew I swore that the party will be stripper-free, pero gano'n talaga katigas ang ulo ko. I'm sorry for being selfish. I'm sorry sa nangyari sa inyo ni Patricia. I promise to make it up to you."
"We cannot undo things. Nangyari na ang nangyari. I know you're really sorry. Hindi rin ako magsisinungaling na hindi ako galit sa iyo," wika ni Andrew. "Sana naiintindihan mo ako. Right now, all I want to do is find that woman. She ruined everything. Ikaw lang ang pwedeng makatulong sa akin para mahanap siya."
Tumango si Samuel. "Kapag nakalabas na ako ng ospital, hahanapin ko siya. Ihaharap ko siya sa iyo. At isinusumpa ko sa iyo na babalik sa iyo si Patricia. I'm sorry, bro... Sana mapatawad mo pa ako."
Isang buntong-hininga lang ang itinugon ni Andrew.
Pagkalabas sa ospital, walang sinayang na oras si Samuel. Kaagad niyang tinawagan si Enzo na siyang nagbigay sa kaniya ng babaeng iyon. Itinuro naman siya ni Enzo sa isang babaeng tinatawag na Mamu. Pinuntahan niya ito sa isang club.
"Hinahanap mo si Erika?" wika ni Mamu. Nakaguhit sa buong mukha nito ang pagkayamot. "Kung gano'n, dalawa na tayong naghahanap sa kaniya."
"Wala na siya rito?" ani Samuel.
"Umalis siya. Isinama pa niya ang isa kong alaga. Ano ba ang ginawa ni Erika? Nagtataka rin ako ba't bigla na lang siyang umalis."
"Malaki ang kasalanan ng babaeng iyon. Ipapakulong ko siya. Hayop siya! Nilason niya kaming magkakaibigan. Ginapang niya pa si Andrew!" galit na galit na wika ni Samuel.
Natakpan ni Mamu ang bibig. "Ha? Ano?" anito.
"Nautal ho ba ako? Narinig na ninyo ang sinabi ko. Hindi ko na kailangan pang ulitin. Ngayon, sabihin ninyo sa akin kung nasaan ang babaeng iyon. Huwag ninyo siyang itago."
"Hindi ko siya itinatago. Totoong hinahanap ko rin siya. Hindi ko pa nga nakukuha ang bahagi ko sa kinita niya!" tugon ni Mamu. "Bakit niya naman gagawin ang mga sinasabi mo? Baka naman pinagtangkaan ninyo siyang halayin?"
Hindi na napigilan pa ni Samuel ang sarili. Nasakal niya si Mamu. "Mukha ba akong sabik sa babae? Sa tingin mo, papatol ako sa gano'ng klaseng babae? I will never fvck a wh*re!" Pagkatapos ay marahas niyang binitawan si Mamu. Uubu-ubo ang ginang. "I just hired her to entertain us. Pero ano ang ginawa niya? Nilagyan niya ng pampatulog ang mga inumin namin. Dalawa kaming na-overdoze. At iniwan si Andrew ng girlfriend niya dahil sa babaeng iyon."
"Wala talaga akong alam kung saan nagpunta si Erika. Isang buwan pa lang siya sa akin. Mukha naman siyang mabait. Kaya pasensya ka na sa akin kung hindi ako kaagad naniwala sa ibinibintang mo sa kaniya. Pero naniniwala na ako," wika ni Mamu. Maluha-luha ito. "Pangako, tutulong akong mahanap siya. Lalapitan agad kita kapag nalaman ko kung nasaan siya."
Walang pasabing umalis na lang si Samuel.
Nakahinga nang bahagya si Mamu nang tuluyan nang makaalis ang binata. Napaisip siya. Ano ang motibo ni Erika sa ginawa nito kay Andrew at sa mga kasama nito? Ang motibo na iyon kaya ang dahilan kung bakit ginawa ni Erika ang lahat upang siya ang maibigay na babae kay Andrew? Sinadya kaya nitong mapalapit sa bachelor?