E9- Hangover

1531 Words
Hindi na mapakali si Patricia. Kanina pa niya hindi makontak si Andrew. Hindi naman sumasagot sina Clifford at ang iba pa nilang kasama. One more try, she dialed Andrew's number. Sa wakas, nag-ring na iyon. But to her disappointment, hindi sumagot ang kaniyang fiance. Muli niya sana itong tatawagan nang biglang may dumating na text mula rito. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Address iyon at pangalan ng isang hotel. Why would Andrew send her that? Why wouldn't he answer her call? And when she tried to call him again, hindi na naman niya ito makontak. She got more frustrated. Dali-dali niyang kinuha ang susi ng kaniyang kotse at umalis na. She got to get to that hotel... Just a few minutes after she made love to Patricia, nagising si Andrew dahil pakiramdam niya ay nasusuka siya. Susuray-suray siyang tumayo. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makapunta sa comfort room dahil sumuka na siya sa kaniyang kinatatayuan. How much he hates alcohol! Nang mailabas na niya ang lahat ng laman ng kaniyang sikmura, nakaramdam siya ng ginhawa. Parang nawala ang kaniyang kalasingan. Tumingin siya sa paligid. He is not familiar with the room that he's in. He just knows he's in a hotel. Why is he in a fvcking hotel? Ano ang ginagawa nila ni Patricia ro'n? Dapat ay kasama niya sina Cristoff. Nasapo niya ang ulo na biglang nanakit. Bigla siyang kinabahan. Tila nanigas ang kaniyang leeg nang maalala ang babaeng nakahiga sa kama. He just realized the girl he made love to is not Patricia. "Fvck!" napamura siya nang paulit-ulit. "This can't be!" Kinakabahan man ay dahan-dahan siyang lumapit pabalik sa kama. Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo nang makumpirmang hindi nga si Patricia ang kaniyang nakaniig kanina. Nasapo na lamang niya ang kaniyang mukha. Parang tinakasan siya ng lakas kaya napaupo siya sa gilid ng kama. Isang masamang panaginip naman ang gumising kay Sheena. Sa kaniyang panaginip ay nagagalit si Cielo sa kaniya. Himahangos siyang bumangon. Ang mga mata ni Andrew ang sumalubong sa kaniya. Napanganga siya sa matinding gulat. "You were the stripper..." mahinang wika ni Andrew. Kitang-kita ni Sheena ang disgusto at pandidiri sa mga mata ng binata. Dali-dali siyang tumayo at isinuot ang jacket. Hindi pwedeng magtagal pa siya roon. Baka kapag tumagal, makilala na siya ni Andrew na siya ay si Sheena. Hindi na siya nagsalita pa at dali-dali nang lumabas ng kwarto. "Hey!" sigaw ni Andrew. After what happened, basta na lang aalis ang babaeng iyon? Pero wala siyang balak na habulin iyon. Nagbihis na lamang siya at dali-dali ring umalis sa hotel na iyon. Paglabas niya ng hotel, sakto na bumababa ng kotse si Patricia. Napalunok siya sa matinding kaba sa kung ano ang sasabihin niya sa nobya. "Pat," mahinang usal niya. Tumakbo palapit sa kaniya ang dalaga. Yumakap ito sa kaniya nang mahigpit. "What happened, Babe? I was so worried about you. What are you doing here? Where is Cristoff and your other friends?" sunud-sunod na tanong ni Patricia. Maluha-luha ito. "I... I don't know what happened," tugon ni Andrew. "I just woke up in the hotel room. I... I was alone. H-hindi ko alam kung paano ako napunta rito." Lalong nag-alala si Patricia sa narinig. "Dapat tumawag tayo ng pulis. They should investigate this." She checked him up. "Wala bang masakit sa iyo?" "I don't feel anything. Nothing strange. I'm just a little drunk," tugon ni Andrew. "Eh iyong wallet mo, your credit card, and everything, nasa iyo ba? Your car?" "I don't know," tugon muli ni Andrew. "Diyos ko! Nabudol ka yata, Babe. Marami na akong narinig na cases na ganito." "It's okay, Babe. Ang mahalaga, okay ako. I have to check on my friends. I don't know what happened to them after the party. It's them I worry about the most." Kaagad silang sumakay na sa kotse ni Patricia at nagtungo sa venue ng bachelor party ni Andrew. Everything was quite just before they enter the room. Nang pumasok sila roon, naroroon pa sina Clifford, Samuel, at Eden. Pawang mga tulog. Napaawang ang mga labi ni Patricia nang makita ang malaking cake. Alam niya kung para saan iyon. "Babe, let me explain," nag-aalalang wika ni Andrew. "I didn't know about all this. Samuel hired a stripper. Pero maniwala ka, sumayaw lang iyong babae. Tapos, uminom kami." "I thought hindi ka na umiinom," wika ni Patricia. Napabuntong-hininga si Andrew. "I know, Babe, pero napilit ako nina Samuel. It was hard for me to say no to them lalo na at ilang taon kaming hindi nagkita-kita," paliwanag niya. "Iyon lang, Babe. Pinakisamahan ko lang ang mga kaibigan ko." Nangilid ang mga luha ni Patricia. "Okay. I will believe you, in that case. But tell me more about the stripper," aniya. "What about her? I already told you, she just danced. Nothing more." "Siya ba ang kasama mo sa hotel na iyon?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ng dalaga. "Please, Andrew, don't lie to me. You know how you got there. You know who you're with. Kasama mo ang stripper na iyon. Tama ba ako?" Napabuntong-hininga si Andrew. Hindi niya kayang magsinungaling sa fiancee. "I'm sorry, Babe," wika niya. Sumagana ang mga luha ni Patricia. "May nangyari ba sa inyo?" tanong pa nito. Her voice was trembling. Bumagsak na rin ang mga luha ni Andrew. "I was so drunk. I... I'm sorry, Babe," tugon niya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha. "The wedding is cancelled. I don't want to see your face ever again!" sigaw ni Patricia. And she walked out. Hinabol siya ni Andrew ngunit wala nang nagawa ang binata nang makapasok na siya ng kotse. Pinaharurot niya iyon paalis doon. Napayuko at napahawak na lamang sa kaniyang mga tuhod si Andrew. Nawala na nga ang kaniyang kalasingan, napalitan naman iyon ng walang kapantay na kirot sa puso. Gayunpaman, isinantabi niya muna ang kaniyang nararamdaman. Naisip niya ang kaniyang mga kaibigan. They should be awake by now. Naabutan niyang gising na si Cristoff, pero mukhang matindi ang hangover nito. Napatingin si Cristoff kay Andrew. Napansin niya ang basang pisngi ng kaibigan. "Have you been crying, Drew?" nag-aalalang tanong niya. "Patricia just broke up with me," tugon ni Andrew. He's voice cracked. Nanlaki ang mga mata ni Cristoff. "Ha? Bakit? Ano'ng nangyari?" aniya. Napatingin siya sa mga kasama. Tinawag niya ang mga ito, ngunit walang kibo ang dalawa. Kahit na nahihilo ay nilapitan niya ang mga ito upang yugyugin sana. Laking hilakbot niya nang makitang bumubula ang mga bibig nito. Sa nakita ay maglahong parang bula ang kaniyang kalasingan. "What?" usisa ni Andrew. Nang walang nakuhang tugon, nilapitan niya rin ang dalawa. Gano'n din ang hilakbot na kaniyang naramdaman. Kaagad silang tumawag ng ambulansiya upang madala sa ospital ang dalawa. Overdose. Iyon daw ang nangyari kayna Samuel at Eden dahil sa dami ng nainom ng dalawa at sa substance na natuklasang nakalagay sa whiskey na kanilang ininom. Gano'n na lamang ang pasasalamat ni Cristoff na hindi siya gaanong uminom. Kung hindi ay ganoon din ang mangyayari sa kaniya. "That woman put sleeping pills on our drinks," wika ni Cristoff. "Why the hell would she do that?" "She took me to a hotel," wika naman ni Andrew. "At dahil sa kalasingan ko, may nangyari sa aming dalawa. At dahil do'n, nakipaghiwalay sa akin si Patricia." Natiim niya ang kaniyang nga bagang habang nangingilid ang mga luha. "What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Cristoff. "I was drunk, Cris. Hindi ko ginusto iyon..." "Drew, it wasn't your fault. Who would have known, right? Kailangan nating hanapin ang babaeng iyon. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa mga kaibigan natin, lalo na sa iyo." "No," mariing wika ni Andrew. "Kapag ginawa natin iyon, madadawit si Patricia. Madudungisan ang pangalan niya pati ang foundation. I don't wanna hurt her twice." "So, what do you want to do? You should do something. Hindi pwedeng palagpasin mo lang ang nangyari." "I would definitely do something, but in a quiet way." Napabuntong-hininga si Cristoff. "I'm sorry, Drew. This is all my fault. Dapat hindi ko na ipinasa kay Samuel ang pag-aasikaso sa stag party mo. Hindi sana ito nangyari," aniya. "Wala kang kasalanan. Kung may sisisihin man ako, walang iba kundi ang babaeng iyon. And I'll make sure that she's going to pay for everything," tugon ni Andrew. "We'll help you find her. Kakausapin ko rin si Patricia. Kung makikinig siya sa akin, maiintindihan ka niya. She was just upset. Napangunahan lang siya ng emosyon niya. But I'm sure, hindi ka niya hihiwalayan nang gano'n gano'n lang." He tapped Andrew's shoulder. Muling naluha si Andrew sa sinabi ng kaibigan. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi na bumalik pa sa akin si Patricia. She's my life. I can't afford to lose her, lalo na sa ganitong paraan," aniya. "You're not going to lose her. She knows how much you love her. And she loves you that much, too. Just give her space for now. Count on me, Drew, I'll talk to her. Everything will be alright." Tumango si Andrew. Sa ngayon, wala siyang ibang magagawa kundi ang mag-isip ng positibo kundi mababaliw siya. Isinusumpa niyang mahahanap kaniya ring mahahanap si Erika...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD