One week later... "Wow, Nanay, ang ganda-ganda mo naman po!" nakangiting bulalas ni Aiden habang pinagmamasdan ang ina na kanina pa pabalik-balik sa harapan ng salamin. Hindi malaman ni Sheena kung akma ba ang suot niya sa pupuntahan. Nakasuot siya ng pencil skirt na pinarisan niya ng pink na formal blouse na pinatungan niya naman ng blazer. Wala siyang alam sa fashion kaya bahala na si Batman. Nagbaling siya sa anak. "Talaga ba, anak, maganda si Nanay?" aniya. "Sobrang ganda po," tugon ni Aiden. "'Di ba, Tatay?" Nagbaling ito sa may pinto. Naroroon si Andrew nakangiting pinagmamasdan silang mag-ina. Naramdaman na lamang ni Sheena na nag-iinit ang magkabilang pisngi niya. Kanina pa kaya roon si Andrew? "'Tay, 'di ba ang ganda ganda ni Nanay?" ulit na tanong ni Aiden. "Oo, maganda,"

