One month later...
"I'm on my way," nakangiting wika ni Andrew habang nagmamaneho. "You swore that it's a stripper-free party. Okay? And I got to get home early to Patricia after."
"Okay!" tugon ng kausap niyang si Samuel. He has to ask him to swear dahil pilyo ito. His best friend, Cristoff, wasn't the one who took care of his bachelor party. Naging busy ito kaya si Sam na ang gumanap sa gawain nito. Now he will take Sam's word. Ipininatag niya ang kaniyang kalooban.
Thirty minutes and he reached the venue of the party. Sinalubong siya ni Samuel na may malapad na ngiti. "I know that smile, Samuel. Siguraduhin mo lang na wala kang katarantaduhang gagawin this time," birong wika niya sa kaibigan.
"Wala!" tugon ni Samuel. "Masaya lang ako na may ikakasal na sa ating apat. Mayroon nang makakapagbigay sa amin ng clue kung kumusta ba ang buhay may asawa. Sa gano'n, makakapag-decide kami kung magpapakasal din ba kami someday o hindi."
"If I were you, huwag ka nang magpakasal. Kawawa lang ang mapapangasawa mo," natatawang tugon ni Andrew. "Ang tulad mong madaling mabagot sa babae, dapat single na lang habangbuhay."
"Sa bagay, may tama ka," pagsang-ayon ni Samuel. "I'd rather be single than get married and die out of boredom." Naghikab pa ito.
"Hindi ka talaga nagbabago. Siraulo ka pa rin."
Imbes na tumugon ay may kinuhang blindfold si Samuel mula sa bulsa ng pantalon niya. Akmang isusuot niya iyon kay Andrew ngunit pinigilan siya nito.
"What's with that blindfold?" ani Andrew. "You know I don't like surprises. Kapag ganiyan, kinakabahan ako."
"Come on, bro. Let me do my job, okay? Hindi ka mapapa'no," tugon ni Samuel. "Hindi ba gusto mong umuwi nang maaga kay Patty after the party? Isuot mo na itong blindfold para matapos na tayo agad. Let's don't waste time, okay?"
Napabuntong-hininga si Andrew. Kahit na kinakabahan sa mangyayari ay isinuot na lamang niya ang blindfold. Samuel guided him hanggang sa marinig niyang may bumukas na pinto.
"You can remove your blindfold now," wika ni Samuel. Sumunod kaagad si Andrew.
"Surprise!"
Halos mabingi si Andrew sa sabay-sabay na sigaw at pagbati sa kaniya ng mga kaibigang naghihintay sa loob ng kwartong iyon. Napangiti siya nang makitang kompleto na ang kaniyang barkada. Naroon na si Cristoff at Eden. "You guys are here!" overwhelmed na bulalas niya. Nilapitan siya ng mga ito upang batiin at yakapin.
"Wait, we are not the actual surprise," nakangiting wika ni Eden. Pagdating sa kapilyuhan, kasing-pilyo ito ni Samuel.
Nagsalubong ang mga kilay ni Andrew. Sa isang kisap-mata ay namatay ang ilaw sa kwartong iyon. Wala siyang nagawa nang muli siyang piringan ni Samuel. Inalalayan siya nito paupo sa sofa. "Sit down, relax, and enjoy..." bulong ni Samuel sa kaniya. Kitang-kita niya sa kaniyang isip ang ngiting-aso nito. Parang hindi niya magugustuhan ang mangyayari. Gusto na lamang niyang umalis ngunit akmang tatayo pa lang siya, napigilan na siya ni Samuel.
Kasunod ay pagpailanlang sa apat na sulok ng kwartong iyon ang isang maharot na musika. Lalong kinabahan si Andrew. Parang alam na niya ang susunod na mangyayari. Inalis na ni Samuel ang kaniyang blindfold at lumantad sa harapan niya ang isang cake na lagpas tao ang taas. Nakailang pikit-mulat siya sa matinding nerbiyos.
Napatingin siya kay Cristoff. Nagkibit-balikat ito. Si Samuel at Eden naman ay abot-tainga ang mga ngiti. Marahil kagagawan ito ng dalawa.
"I'm going home," wika niya. Pagtayo niya ay siya namang biglang paggalaw ng cake sa kaniyang harapan. Mula sa butas sa gitna ng itaas na parte nito ay unti-unting may lumabas na isang babae. Nakasuot ito ng maskara. Manipis na tela lamang ang nakabalot sa katawan nito. Nagsimula itong gumiling habang nakapako sa kaniya ang mapang-akit nitong mga mata. Bumaba ito at lumapit sa kaniya.
"Stop doing that, Miss," mahinahong pakiusap ni Andrew sa babae, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Kinuha ng babae ang kaniyang kamay at pinahawak sa cake. Then, she made him wipe the cake on her body. "That's it. I'm going home," mas agresibo na niyang wika. Pero pinantayan ng babae ang pagiging agresibo niya. Itinulak siya nito at muli siyang napaupo sa sofa.
"Don't resist, bro," tuwang-tuwang wika ni Samuel. "Just stay still para mas mabilis matapos ito. Let the b*tch do her job."
Natigilan si Sheena sa ginagawa nang marinig ang itinawag sa kaniya ni Samuel. He just called her a b*tch. Natiim niya ang kaniyang nga bagang. Parang biglang nangati ang mga kamay niya at gusto niya itong pagsasampalin. And Andrew just tolerated him. What did she expect? But she proceeded to what she's doing. Matagal-tagal din ang ginawa niyang paghahanda para sa pagkakataon na ito. Kaunti na lang at mahahawakan na niya sa leeg si Andrew. Kaunting tiis na lang.
Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Andrew. "Tama ang kaibigan mo, Sir," bulong niya sa binata, "huwag na kayong manlaban para matapos tayo kaagad." Sinadya pa niyang idikit ang labi sa tainga nito. Sukang-suka na siya sa ginagawa. Halos hindi niya maatim na dumadantal sa balat niya ang mga kamay ni Andrew, pero parte iyon ng kaniyang plano. Nagpatuloy siya sa pagsayaw sa harap nito. Kinuha niya ang kamay ni Andrew at nakitang may natira pang icing sa mga daliri nito. Habang nakatitig pa rin sa mga mata nito ay isinubo niya ang daliri ng binata upang masimot ang icing na iyon.
Napasapo na lang sa ulo si Andrew. Sa wakas ay natapos din ang tugtog pati na ang pagsasayaw ng babae. At doon na siya nakahinga. Akala niya ay aalis na ang babae pagkatapos nitong sumayaw, ngunit nanatili ito roon.
"She will stay with us until the party's over," wika ni Samuel. "It's part of the job she is gonna be paid for. Sayang naman kung hindi masusulit ang ibabayad namin."
Ngumiti si Sheena.
"I thought you promised me that this party is stripper-free," wika ni Andrew. "Patricia will be mad at me if she knows—"
"She wouldn't know unless you tell her," ani Eden. "We wouldn't tell her. Would you?"
Napabuntong-hininga si Andrew. Tumingin siya kay Cristoff.
"I have zero idea about this, Drew. I'm really sorry. I was also surprised," wika ni Cristoff. "You know me. Kung nalaman ko lang nang maaga, I would have stopped Samuel."
"Alam n'yo, itigil na ninyo ang kakaganiyan. Aminin nating lahat na nag-enjoy rin naman tayo. At sumayaw lang naman si—" Napatingin si Samuel kay Sheena na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Andrew. "I'm sorry, what's your name?"
"Erika," tugon ni Sheena.
"Yeah, right. Erika," ani Samuel. "She just danced. And licked your fingers." Humalakhak ito.
Napailing na lang si Andrew kasabay ng buntong-hininga.
"Chill, Andrew. Walang nangyari. You didn't cheat on Patty. This is just a normal stag party. Kung sakali namang malaman ni Patty, ako na mismo ang kakausap sa kaniya. Wala kang dapat ipag-alala."
Tumayo si Sheena. "Kukuha ako ng whiskey sa ref," aniya. "Hayaan n'yong pagsilbihan ko kayo." Sinadya niyang maging mapang-akit ang kaniyang boses.
Tiningnan lamang siya nina Andrew.
"In fairness, that b*tch is fvckin hot!" Napakagat-labi pa si Samuel pagkawika niya nito. "Hindi lang talaga ako papatol sa mga ganiyan. Siguradong napagsawaan na ng maraming lalaki." He clicked his tongue.
Narinig iyon ni Sheena, ngunit hindi niya na lamang iyon inintindi. Nagpatuloy siya sa pagtungo sa ref at kumuha ng isang bote ng whiskey.
"Iinom ako pero kaunti lang," wika ni Andrew. "Patricia doesn't like the smell of liquor."
"Gawin mo namang exception kahit ang gabi lang na ito," wika ni Sheena sa binata. "Hindi ka naman magiging masamang boyfriend kung iinom ka sa sarili mong party, 'di ba? Sigurado akong maiintindihan ka ng girlfriend mo kung mahal ka niya talaga."
"Erika is right, bro," wika ni Eden. "We got your back, okay? Kaya, cheers! Inumin mo na iyan."
"How about you?" ani Cristoff kay Sheena. "You should drink also."
"Huwag na. Panunuorin ko na lang kayo," tugon ni Sheena.
"I insist," wika pa ni Cristoff.
"Ahm, sa totoo niyan, may allergy kasi ako sa alcohol kaya sorry, hindi ko talaga kayo masasabayan," dahilan ng dalaga. "Huwag na ninyo akong intindihin."
"Okay," ani Cristoff. He lifted the glass. "Cheers!" aniya.
Bilang pakikisama, ininom ni Andrew ang isang baso ng whiskey hanggang nasundan pa iyon ng marami pa. Ilang taon na rin siyang hindi umiinom ng alkohol kaya hindi na siya sanay. Kaya pagkalipas lang ng ilang shot, nakaramdam na siya ng pagkahilo.
Lihim na ikinatuwa iyon ni Sheena.
Nasapo ni Andrew ang ulo dahil umiikot na ang kaniyang paningin.
"O, nakaubos na pala kayo ng isang bote. Kukuha ulit ako ng isa pa," wika ni Sheena.
"No, please. May tama na rin kami. Baka hindi na kami makauwi," wika ni Cristoff.
"Don't mind him," wika naman ni Samuel. "Go, Erika. Kumuha ka pa. Kaya pa namin."
At iyon nga ang pinakinggan ni Sheena. Alam niyang hindi na makakatayo pa si Andrew sa sobrang kalasingan nito. Ang mga kaibigan na lang nito ang problema niya. Kinuha niya ang sleeping powder na nakalagay sa loob ng suot niyang underwear. Inilagay niya iyon sa bawat baso ng whiskey na ibibigay niya kayna Cristoff.
"Heto na ang round two!" wika niya. Gano'n na lamang ang satisfaction na naramdaman niya nang makitang nilagok ng tatlo ang whiskey na nilagyan niya ng pampatulog. Wala siyang pakialam kung ma-overdoze ang mga ito. Ang mahalaga sa kaniya ay maisagawa ang kaniyang plano. Ilang minuto lamang ang hinintay niya at nakatulog na ang mga ito...