E6- First Dance

1467 Words
Walang humpay ang mabilis na pagtibok ng puso ni Sheena habang hinihintay niyang tawagin ang kaniyang pangalan. Iyon ang unang gabing lalabas siya sa entablado upang sumayaw para sa mga kostumer na hayok sa laman. Ilang minuto na rin siyang nakatitig sa sarili sa harap ng salamin. Halos hindi na niya makilala ang sarili. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon sa Sheena na kaniyang kinasanayan. Kinulot niya ang kaniyang mahaba at itim na buhok. Unang beses niya ring lagyan ng kolorete ang kaniyang makinis na mukha. Nilalamig siya sa lantad niyang katawan kahit na mayroon pa namang dalawang piraso ng tela ang nakatakip sa mga pribado niyang parte. Hindi iyon sapat. Alam niyang isang daang porsiyento ang tsansa na huhubarin niya rin iyon. Ngunit kailangan niyang gawin ito. Ito lamang ang paraan para makalapit siya kay Andrew sa paraang alam niyang maisasagawa niya ang kaniyang paghihiganti. Napukaw siya sa malalim na pag-iisip nang kalabitin siya ni Roxy. "Erika, ikaw na. Dalawang beses nang tinawag ang pangalan mo. Lumabas ka na bago magalit ang mga naghihintay sa iyo," anito. Nakita nito ang takot sa mga mata ni Roxy. "Huwag kang kabahan. Hindi ba mas marami ka nang nakakatakot na karanasan kaysa rito? Kaya mo 'to, Erika. Huwag kang magpatalo." Ngumiti ito upang bigyan ng lakas ng loob ang dalaga. Huminga nang malalim si Sheena at ngumiti. "Salamat, Roxy," aniya. Iyon lamang at inihanda na niya ang sarili sa paglabas. Paghawi niya sa manipis na pulang kurtina sa kaniyang harapan, pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Ang tanging maliwanag na parte sa paligid ay ang entablado kung saan siya sasampa, ngunit bakit kitang-kita niya ang mga matang sabik na sabik sa kaniyang katawan ? Saglit siyang naestatwa sa kinatatayuan. Ngunit inisip niya si Cielo. Katawan mo lang, Sheena. Maliit na bagay ito kumpara sa nawala sa ate mo. Kaya mo iyan! wika niya sa sarili. Nagsimula nang maubos ang pasensya ng mga lalaking naghihintay sa kaniya na sumayaw. "Ano ba! Ano'ng oras na?" rinig niyang sigaw ng isa na sinang-ayunan ng iba. "Kung hindi ka sasayaw, umalis ka na!" sigaw naman ng isa pa. Napalunok si Sheena. Huminga muna siya nang malalim at saka humakbang. Sa wakas ay nasinagan na ng liwanag ang kaniyang mukha at katawan. Naramdaman niya ang pagkamangha ng lahat. Maybe she really is a sight to behold. Biglang umusok ang ilong ni Arumi nang makita si Sheena lalo na nang makita nitong mukhang proud na proud si Mamu sa dalaga. "Sinasabi ko na nga ba," wika ni Mamu, "hindi ako nagkamali kay Erika." Napakaganda ni Sheena. Kahit kapwa babae ay mapapatitig dito at mapapakuwestiyon sa kaniyang seksuwalidad. "Sa taglay na ganda ni Erika, hindi na niya kailangang maghubad o sumayaw." Napailing ito sa matinding paghanga sa bagong alaga. "Hindi ako makapaniwala sa iyo, Mamu! Paano mo nasasabi iyan sa harap ng pagmumukha ko?" inis na wika ni Arumi. Hindi man lang siya pinansin ng ginang. Wala siyang nagawa kundi mag-walkout sa inis. Hindi estranghero si Sheena sa pagsasayaw dahil hindi kasinungalingang noong nag-aaral pa siya ay miyembro siya ng grupo ng mananayaw. Sa katunayan ay palagi siyang sentro noon. Kaya sinimulan niyang gumiling. Simpleng simple lamang iyon para sa kaniya. Inisip niya na lamang na mag-isa lang siya sa isang kwarto at sumasayaw lamang siya para sa sarili. Wala na siyang ibang marinig kundi ang maharot na tugtog. Wala na ang mga sigaw ng galit mula sa mga manunuod. Natahimik na ang mga ito. Hanggang sa hindi na lamang niya namalayan at tapos na ang tugtog. Wala ni isang humiling sa kaniya na alisin ang kaunting tela sa kaniyang katawan. Malaking ginhawa iyon sa kaniya. "OMG, Erika!" tili ni Roxy na siyang sumalubong pagbaba niya ng stage. "Pinataob mo ang lahat. Ang bongga bongga mo!" Sa tuwa ay nayakap nito ang dalaga. Napangiti si Sheena. "Salamat sa pagpapalakas ng loob ko kanina. Laking tulong no'n," senserong tugon niya. "Walang anuman. Sa sobrang ganda mo, ininis mo si Arumi. Unang beses ko na makita siyang nagkagano'n. Hindi ko na rin siya makita. Baka lumipat na siya sa ibang planeta. I wish!" Natawa ito. Napalingon sila kapwa nang dumating si Mamu. Kinuha nito ang mga kamay ni Sheena. "Isang gabi at isang sayaw lang pala ang kailangan para mapatunayan mo ang iyong sarili sa akin, Erika. Wala na akong masabi," anito. "Ibig sabihin ba niyan, Mamu, ako na ang ibibigay ninyo kay Andrew Santillan?" ani Sheena. "Walang duda," tugon ni Mamu. Sa sobrang tuwa ay napayakap na lamang si Sheena sa ginang. "Mamayang hapon, tatawagan ko si Enzo," wika ni Mamu. Si Enzo ang lalaking nakausap nito. "Ipapakilala kita sa kaniya. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka. Siya ang magdadala sa iyo sa kaibigan ni Andrew Santillan na siya namang magdadala mismo sa iyo kay Andrew Santillan. Alam kong hindi ako mapapahiya sa iyo." "Maraming maraming salamat po, Mamu. Hinding-hindi ho talaga kayo mapapahiya sa akin." Napatingin siya sa kawalan at napangiti. "Ang kapal ng mukha mo!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Sheena. Walang sino man sa kanila nina Roxy ang nakapigil kay Arumi nang bigla na lamang siyang sugurin nito. Biglang umalsa patungo sa kaniyang ulo ang lahat ng dugo niya. Nahawakan niya ang pisnging bahagyang namula sa pagsampal ni Arumi. "Sampung taon, Erika! Sampung taon na ako sa club na ito. Ito ang buhay ko. Pero sa isang gabi lang, inagaw mo ang lahat sa akin," hinanakit ni Arumi. Naningkit ang mga mata ni Sheena. "Pasalamat ka maganda ang mood ko ngayon. Lilinawin ko lang sa iyo, wala akong inaagaw. At kasalanan ko bang magustuhan ako ng mga tao kahit hindi ko na kailangan pang maghubad?" aniya. "Ginawa ko lang ang trabaho ko. Huwag mo akong pag-initan. Napaghahalataan kang naiinggit." Akmang sasampalin na naman siya ni Arumi, pero sa pagkakataon na ito, napigilan na ito ng isang bouncer. Nagpupumiglas si Arumi habang hawak ng bouncer ang parehong kamay nito sa likuran. "Pakawalan mo na siya," wika ni Sheena sa bouncer. "Kaya ko na siya. Subukan niya lang sampalin ako ulit, sisiguraduhin kong mababalian siya ng buto sa kamay." Tinitigan niya nang matalim si Arumi. Halos umusok ang magkabilang tainga ni Arumi sa galit. Mukhang hindi nagbibiro si Sheena sa banta nito sa kaniya. "Kahit sampung taon ka nang nagtatrabaho rito, hindi ibig sabihin no'n na ikaw na ang reyna sa lugar na ito," wika pa ni Sheena sa kaniya. "Pareparehas lang tayong nagtatrabaho rito para mabuhay. Hindi ka higit sa kahit sino man. Iisa lang ang lupang tinatapakan natin kaya wala kang karapatang magmataas. Ngayon, kung ayaw mo ng nalalamangan, umalis ka rito. Hindi iyong pinahihirapan mo ang sarili mo. Sige ka, baka ma-stroke ka sa stress." Ngumisi siya. Wala nang ibang nagawa pa si Arumi kundi manggigil na lang at sa bandang huli ay nag-walk out na lamang ito ulit. Napapalakpak si Roxy sa nasaksihan. Sobrang satisfying na makitang magisa sa sariling mantika si Arumi. At last, she got the taste of her own medicine. Nagawa na ni Sheena ang pinakaunang hakbang sa niluluto niyang plano para sa paghihiganti niya kay Andrew. Sa gabi ng bachelor party nito, ibibigay niya ang regalong sisira sa pagsasama nito at ng mapapangasawa. Hindi niya ito magagawa kung ang Sheena na nakilala ni Andrew ang haharap dito. Sa kaniyang gagawin, inaasahan niyang wala nang kasal na matutuloy. Three days later, nagtungo sa club si Enzo upang makita siya. Sinigurado niyang pinakamaganda siya sa araw na iyon. "Mamu, tama nga ang bumulong sa akin. Tama na sa iyo ako kumuha ng babae!" bulalas ni Enzo habang pinagmamasdan si Sheena. "Girl, you're so pretty!" Huminto ito saglit. "Well, that was an understatement. You're perfect for the role I'm about to give you. Siguradong sulit na sulit ang bachelor's party ni Andrew Santillan dahil sa iyo." Ngumiti si Sheena. "Hindi ko kayo ipapahiya. Gagawin ko ang best ko para mapaligaya ko si Andrew," tugon ni Sheena. Nagkatinginan tuloy sina Enzo at Mamu. "Mapaligaya si Andrew Santillan? Aba! Mukhang palaban ka talaga, Erika. I like that!" wika ni Enzo. "Well, you have plenty of time to prepare. Gusto kong magpahinga ka muna. Dapat fresh na fresh ka sa gabi ng bachelor party. Huwag ka na munang sumayaw. Ako na ang bahala. Bayad ang bawat araw ng pagpapahinga mo." Kinindatan nito ang dalaga. Ngumiti si Sheena. Laking ginhawa sa kaniya. Pagkatapos ng bachelor party ni Andrew, aalis na rin siya sa club na iyon. Ginamit niya lamang ang club para mapalapit kay Andrew sa paraang pabor sa kaniya. Alam niyang hindi siya makikilala ni Andrew sa gabi ng bachelor's party. Sino ba naman ang mag-aakala na si Sheena at Erika ay iisa? Isang beses lang naman silang nagkadaupang-palad. Ngumisi siya nang makita sa isip ang katuparan ng paglinlang niya sa lalaking naging mitsa ng buhay ni Cielo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD