Paglabas ko ng kwarto ko ay sinalubong ako ng liwanag na galing sa sikat ng araw. Alam ng mga kasambahay namin na gusto kong maaliwalas sa bahay, ayoko ng madilim dahil nakakalungkot lang at mas lalo kong nararamdaman na mag-isa na lang ako sa bahay na ito dahil patay na parehas ang mga magulang ko. Pagkababa ko sa hagdaan ay nakahilera na ang mga katulong at sabay sabay na nag bow saakin, nilagpasan ko sila at nagtungo na sa kusina para mag umagahan. Pinapwesto ko ang dining table namin malapit sa binatana para nasisinagan din ito ng araw. Inurong ni Juliana ang upuan para makaupo ako at tumayo sa tabi ko.
“Where’s the kid?” tanong ko habang iniinom ang morning coffee ko. Hindi ko maiwasang mapapikit sa sarap ng kape na gawa ni Juliana. In fairness namiss ko rin yung kape niya. Sila ng Headmistress ang nagluluto ng pagkain at naghahanda ng inumin ko dahil alam nila ang pagkain na gusto at ayaw ko tsaka ang tamang timpla na gusto ko.
“Pumasok na po ng school”
The kid must be smart for him to be able to enroll in the school here at the Castle. Matataas ang standard ng mga tao dito eh. They believe that royals are meant to be not just good but the best.
“So, what’s my schedule for today?”
Nilapag ni Juliana yung cellphone na gagamitin ko habang nandito sa Realm.
“You have a meeting with Lady Anna—”
“Pass”, bored kong sabi. Bakit ba gustong gusto akong makita ng matandang yun. Akala mo naman talaga tinuturing niya akong apo niya.
“What time will I be meeting Clive?”
Doon ako pinakainteresado dahil yun naman din ang isa sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Realm. I can’t wait to meet Clive.
“That will be on Friday”
Padabog kong binagsak yung cup na hawak ko.
“What?!”, irirta kong sabi. Tama ba ang dinig ko? Friday? 2 days from now???!
“Alam niya bang nandito na ako sa Realm?”, hindi ko na mapigilang mapakunoot noo.
“Opo Miss Alicia. Hinatid po namin sa kanya ang balita as soon as you have arrived at nakatanggap po kami ng letter mula sa Secret Service Unit na kayo po ay nakaschedule sa meeting on Friday”
I can’t help but scoff in disbelief. They asked for my presence and now that I’m here, they’re going to make me wait 2 days before meeting them??? What the hell.
“Tell them I’m going to meet them today”, tumayo ako at pinatong ang table napkin na nasa hita ko kanina sa lamesa.
“I’m afraid I cannot do that Miss. SSU has a strict rule regarding their schedules”
Hinarap ko si Juliana habang nakapamewang.
“Do you think I care? Tell them we’re meeting them now after I visit my mom or I’ll meet them never”, binangga ko siya at umakyat na sa kwarto ko para mag-ayos. Anong karapatan nilang paghintayin ako? Sila ang may kailangan tapos paghihintayin nila ako ng 2 days?
I wore my pastel pink vintage dress and nude pointed heels. Nagmake up din ako tsaka kinulot ang buhok ko. Sweet girl ang theme ko ngayon lalo na’t makikipagkita ako kay Clive. Paglabas ko ng mansion ay nandoon na si Juliana sa tabi ng kotse at naghihintay saakin.
“Fire the maid who cleaned my room”, sabi ko kay Juliana bago sumakay sa loob ng kotse. Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. Akala ba noong babaeng yun na hindi ko mapapansing may ginalaw siya sa gamit ko at yung mga alikabok na hindi niya nalinis.
“Actually, fire half of the maids. I don’t need them all”
Ang dami dami naming katulong wala namang ginagawa yung iba tsaka may mga nakikita pa rin akong alikabok sa mansion. Sino ba naman kasi may kailangan ng benteng katulong kung mag isa ka lang nakatira sa bahay. Ayoko rin ng masyadong maraming tao, naiirita ako.
“But it was Lady Anna’s idea to hire them all”
“Now that I’m here, wala na siyang say sa mansion. Ako na ang masusunod”, napairap ako habang nagse-cellphone.
Ilang sandali lang ay tumigil na ang sasakyan sa sementeryo. Mag-isa akong bumaba dahil alam ni Juliana na gusto kong mag-isa lang ako. Naglakad ako patungo sa kung saan nakalibing ang aking ina at pagdating ko doon ay nilapag ko sa lapida niya ang paborito niyang bulaklak. Sa tabi ng kanyang lapida ay ang pangalan ng aking ama.
Death Anniversary niya ngayon at napakalinaw sa alaala ko kung paano siya namatay.
I’m sorry mom…
Sa tuwing naalala ko yun bumabalik din lahat ng sakit. Sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko pero huli na ang lahat. Kaya ko namang burahin yung mga alaala na yun, pero pinili kong hindi burahin dahil hindi ko pwede makalimutan ang nangyari noong araw na yun, kailangan ko yung sakit para may maramdaman.
Obviously, I’m not a good daughter nor a good person. Pinalaki akong nakakulong ng nanay ko para matuto raw akong mag-isa. My mother is not the best mother either, she’s very strict. Kailangan ko matuto mag-isa, kailangan ko maging malakas mag-isa, kailangan ko gawin lahat nang hindi dumedepende sa iba. Pinalaki ako ng aking ina na isang strong and independent woman. Malaki na ako noong pumasok ako sa school dito sa Castle dahil home school ako. Noong first time ko sa school lahat sila iba ang tingin saakin, naweweirduhan sila saakin kaya walang lumalapit saakin. Kakaiba raw ako kasi ang angkan naming Blaunche ay kilala sa pagiging sociable, marami kaming koneksyon pero ito ako tahimik lang sa gilid at ni isang kaibigan wala. Ang tangi ko lang kakilala noon ay si Sixto dahil tulad ko tini-train din siya para maging malakas at protektahan ako. Ang tatay ko naman, wala naman siya pake saakin basta nag-aaral ako mabuti, nakakapag uwi ng mga award okay na siya. Kaya kinailangan ko pa mag-aral ng instruments at magdrawing para makasali sa mga competition para sa kanya. In short, my life is messed up.
Hindi na ako masyado nagtagal sa puntod ng aking ina. Nagtungo kami agad sa palace dahil wala naman akong ibang agenda today pero pagdating namin doon ay hindi kami agad nakapasok dahil hinarang kami. Napairap ako nang mainip sa pag-uusap nila Juliana at noong guard kaya binaba ko ang bintana at tinignan ang guard.
“I’m a f*cking Royal, so why do I need a f*cking letter or whatever to enter?”, pinakita ko sa kanya yung badge ko. Muli siyang kinausap ni Juliana, she mentioned something about Lady Anna Blaunche being my grandmother. Ilang saglit lang ay pinapasok na kami. Dumiretso kami sa headquarters ng Secret Service Unit sa west wing pero pagdating namin doon hinarang din kami. Sobrang malapit na akong mapikon dahil kanina pa kami hinaharang. Ganoon ba ako hindi ka-welcome sa lugar na ito? Sabagay ayoko rin naman dito.
Pinigilan ko si Juliana para makipag-usap at ako na mismo ang humarap sa kanila.
“My name is Alicia Blauche and I’m here to meet Clive Denzil---”
“I’m sorry Miss Blaunche but your name is not on the list—“, bago pa matapos ng lalaki yung sinasabi niya ay binato ko na sa pader yung tablet na hawak niya. Naalarma naman yung ibang agent ng SSU at may ilang guard na lumapit saamin.
“Miss Alicia”, tawag saakin ni Juliana pero hindi ko siya pinansin. Naglakad ako doon papalapit sa lalaki na may hawak ng tablet kanina.
“Tell Mr. Clive Denzil to meet me now or meet me never, I don’t f*cking care if he is in the meeting or what. Get him here now!!”, sigaw ko roon sa lalaki at mabilis naman siyang tumakbo paalis. Nilapitan ako ng mga guard.
“Trust me you don’t wanna to cross the line”, nilagpasan ko sila at pumasok sa loob. Kita ang gulat sa mga mata ng mga tao doon pero hindi ko sila pinansin at umupo sa may sofa.
Tinignan ko ang relo ko para orasan ang pagdating ni Clive. He shouldn’t make a lady wait for too long. Makalipas ang walong minuto ay natanaw ko na si Clive na lumabas sa kanyang office, napataas ako ng kilay nang makitang may kasusap siyang babae sa tabi niya at mukhang close sila. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila habang naglalakad sila papunta saakin, nakita na ako ni
Clive pero masyado siyang busy kausapin yung babae sa tabi niya. Tumayo ako pagdating nila sa tapat ko at doon kami nagkatinginan tatlo. Malamig na tingin lang ang pinukol ko sa kanila.
“I’m sorry Ms. Blaunche—”
“It’s Alicia”
I cut him off. Ayoko kasi talagang tinatawag na Miss Blaunche kasi ayoko sa pamilya namin at dapat alam ni Clive yun sa tagal naming magkasama.
“I’m sorry Miss Alicia, for making you wait”, pagpapatuloy ni Clive ar nagbow siya habang nahingi ng paumanhin pero ang mga mata ko ay nasa babaeng katabi niya.
“By the way, She’s Celestine Roycestone the daughter of the Chancellor.”
Ohh, so she’s the controversial daughter of the head of the Royal Realm.
“Nice to meet you Miss Alicia Blaunche”, nilahad niya ang kamay niya pero hindi ko yun pinansin sa halip ay humarap ako kay Clive. Mukha namang nagulat sa ginawa ko si Clive kaya hinawakan niya na lang ang kamay noong babae na ikinainit lalo ng ulo ko.
“Let’s talk now”
Tinawag ni Clive yung tauhan niya para i-assist ako sa office niya habang siya ay hinatid si Celestine palabas. Bago ako sumunod doon sa tauhan niya ay pinanood ko muna silang dalawa umalis. Inalalayan niya si Celestine sa paglabas nila ng pinto. It’s very obvious that he cares for the girl and suddenly I felt a pang on my chest. She used to be like that to me.
I used to be his Alice but now he calls me Miss Alicia.
“Miss Blaunche?”, napalingon ako doon sa tumawag saakin at saka sumunod.
Pagpasok namin sa office ni Clive ay sandali ko itong nilibot. He’s office is quite big. Hatalang bigatin na siya. Tinanong nila ako if may gusto ba ako pero tumanggi lang ako at umupo sa sofa habang naghihintay. Hindi ko makalimutan yung bawat gesture ni Clive kay Celestine kanina. Gaano na ba sila katagal magkakilala? Even though we used to be close still, Clive never looked at me that way. Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Clive. Nagpaalam saamin si Juliana na sa labas na lang siya maghihintay.
“Matagal ka bang naghintay?”
Hindi ko siya sinagot at pinanood ko lang siyang umupo sa sofa na nasa harap ko.
“You changed your style” sabi niya ng mapansin ang ayos ko ngayon. There’s a little part of me that is happy because he noticed my change of style. Dati kasi mahilig ako sa dark na style. All my clothes back then are black because I believe black is elegant. Pero simula noong umalis ako sa Realm binago ko na yun.
“Just go straight to the point Clive, what do you want?”
Tipid siyang ngumiti.
“Kailangan ko ng tulong mo para sa isang case”
Tumayo siya at lumapit sa lamesa niya.
“I heard you’ve been an agent in different organizations”
Muli siyang lumapit saakin nang makuha yung hinahanap niyang folder at nilapag ito sa lamesa sa harap ko.
“I received an advice from the council that we should ask for help and they recommended you since you know a lot of organizations”
Binuksan ko yung folder at ini-scan yung files sa loob. It’s a mass murder from different places with the same style and pattern of killing. Sigurado akong malaki at hindi basta basta ang kaso na ito dahil hindi naman siya papayag sa suggestion ng board na humingi ng tulong saakin kung hindi talaga ito ganoon kaimportante, kasi ako yung huling tao na hihingian niya ng tulong.
“I’m going to review this and I’ll let you know once I made my decision”
Dinampot ko yung folder at tumayo na.
“I will understand if you refuse to accept the case”
Walang emosyon kong tinignan si Clive. This isn’t what I want to hear from you Clive. Sana man lang pilitin mo ako o makiusap ka pa saakin na kailangan mo ko kasi tutulungan naman kita. Hinihintay ko kung may sasabihin pa ba siya saakin pero mukhang wala na.
Tumango ako at umalis na ng office niya.
Hindi man lang niya ako inalok na ihatid o pagbuksan man lang ng pinto katulad ng ginawa niya kay Celestine kanina.
I badly wanted to touch him or hug him but I can’t because obviously he doesn’t want me here.
His eyes tell me everything.
--------