"Where is the letter?", bungad ko kay Joana pagkapasok ko sa apartment niya.
"Wow that was fast", in just a split of a second, I was already in front of her.
"Okay okay chill!", she motioned her hands for me to wait as she gets the letter.
Pagkakuha niya ng letter ay agad akong lumapit sa kanya at hinablot ito tapos ay mabilis akong nagtungo sa apartment ko.
"Salamat ha", sarcastic niyang sigaw pero hindi ko yun pinansin at sinara ang pinto ng apartment ko.
Sinuri ko maigi yung envelope at hinawakan yung stamp na may naka-engrave na letter C. Could it be him? Nakita ko nang ginamit niya ang stamp na ito before kaya malakas ang kutob ko na sa kanya galing ito. Mabilis ko itong binuksan at binasa ang laman ng letter.
The head of Secret Service Unit is asking for my presence for a confidential matter?
He is now the head of the Secret Service Unit? Well, he's really good, I'm not even surprised with his achievement.
Dahan dahan kong hinawakan yung pangalan ni Clive na nakasulat sa baba na may kasamang pirma niya.
Did he really write this for me? Is it really Clive?
It's weird that I can hear my heart beating fast.
After 23 years, it's his first time writing to me. Is he not mad at me anymore?
I know I should not get my hopes up after what happened to us, but him writing to me is a big thing.
No... I should think about this.
Umupo ako sa lapag at nilagay yung letter sa lamesa tapos nagsalin ako ng wine tsaka ininom ito. Dinantay ko yung noo ko sa kamay ko habang nakatitig sa lamesa.
Right now, I should be planning what country I should go but with this unexpected letter, I am now torn, between going back or running away.
He said he doesn't want to see me anymore but why send me a letter? I know its him who wrote this, I know as I trace each letter by my finger.
I tapped my fingers as I think....
Tumayo ako nang makapagdesisyon ako.
---
Sakto pagkatapos magbigay ng speech noong Mayor ay nagtayuan ang mga tao para pumalakpak tapos ay nilapitan din siya ng iilang tao at malugod naman siyang nakipagkamay sa mga ito. Napanguso ako habang bored na binabantayan ang Mayor.
Why am I even here? I don't know if I agreed to babysit the mayor?
Last night while I was packing my things I received a call from Zion, He said it was urgent so I have no choice but to pick it up, and that's how I ended up here. Sinabihan niya ako tungkol sa mission at hindi man lang niya ako hinintay na umoo, basta sabi niya lang ito raw ang bayad ko sa pang-iiwan ko sa kanya tapos binaba niya na ang tawag.
Kinuha ko ang wine glass ko at uminom kaso napatigil ako nang mapansing ubos na pala ito. Lalapit na sana ako sa waiter para humingi pa nang bigla akong nakantanggap ng text message. Nilapag ko yung wine glass sa tray na hawak noong waiter at lumabas sa Function room.
"Excuse me have you seen a sophisticated woman this tall? Wearing branded clothes? Nakared siyang damit."
Napatingin ako sa sarili ko habang nagdedescribe yung lalaki.
"Hanggang dito yung buhok niya, brown tapos wavy"
Umiling naman yung staff ng hotel na kausap niya.
I think this guy is referring to me. Napataas ako ng kilay at palihim na sinundan siya. Hindi ko siya kilala so bakit niya ako hinahanap? Nakakuha ako ng tiyempo noong nagpunta sa CR yung lalaking naghahanap saakin. Pagpasok ko sa CR ay ni-lock ko yung pinto at naka de kwatrong umupo sa may sink habang hinihintay siyang lumabas sa may cubicle. Lumingon ako sa may salamin para i-check ang sarili ko. Inayos ko ang buhok ko at napalingon nang bumukas ang cubicle. Nanlaki naman ang mata noong lalaki nang makita niya ako.
Nanigas siya sa kinatatayuan niya. "A-alicia?"
I smiled sweetly as I stood up. "The one and only"
Nang mapagtanto niya kung anong nangyayari, dali dali siyang may kinuha sa bulsa niya pero bago niya pa maitutok ang dart gun saakin ay nakuha ko na ito at pinalipad. Hinawakan ko siya sa leeg ay sinandal sa pader.
"Who are you working for?", diretso ko siyang tinignan sa mata.
"I--- don't know---"
I rolled my eyes as I realized that this guy doesn't really know anything. Napag-utusan lang siya ng taong hindi niya kilala kapalit ng malaking halaga ng pera. Hinagis ko siya sa may kabilang pader sa pagkairita at nawalan siya ng malay dahil tumama ang ulo niya.
Sa dami naman ng ipapadala saakin, yung mahina pa talaga?
Nagkibit balikat na lang ako at umalis na, masyado akong maraming kaaway kaya kung iisipin ko pa isa isa, mapapagod lang ako at
saka ayokong nag iisip.
Natapos ang event ng Mayor at ligtas siyang nakauwi, doon rin natapos ang boring na araw ko. Pumasok ako sa apartment ko at automatic na bumukas ang ilaw, dumiretso ako sa kama ko at humiga. Tahimik lang akong nakatitig sa ceiling nang biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko ito.
"Bakit?"
[ Thank you for taking the mission]
Hindi ko kaya ginustong tanggapin yung mission na ito kasi sobrang boring, muntikan na nga ako makatulog doon sa event.
Pasalamat itong si Zion at wala ako sa mood awayin siya.
"Whatever"
[ So saan ka na pagkatapos nito? ]
"Secret, bakit ba gustong gusto mo malaman?"
Hindi na natapos yung pagtatanong ni Zion kung saan ko raw balak pumunta, kahit nga ako walang idea saan ako pupunta tsaka kailan pa siya nagkapake kung saan ako pupunta. Dati nga ayaw na ayaw niya malaman kasi ayaw niya raw madamay sa mga kalokohan ko ngayon naman ayaw niya ako tantanan hanggang sa sumagot ako.
[ because I still can't believe that you are leaving]
Alam ko namang mahirap talagang mapawalay sa magandang katulad ko, tsaka wala na rin kasing nagtityaga sa ugali niya kung hindi ako, parehas kasi kaming panget ang ugali.
"Ah, kaya nagpadala ka ng mundane para sundan ako?"
[ what the hell are you talking about? Gusto ko malaman saan ka pupunta pero hindi ako mag-aaksaya ng resources para ipa-stalk ka]
Napairap ako sa pagiging straight forward niya.
"Edi hindi"
[ Why? Is someone following you]
"I guess it's normal to be followed by anyone for a person who have tons of enemies"
Pagkatapos ko magbilin ng mga bagay bagay kay Zion ay binaba ko na ang tawag. Maaga akong matutulog ngayon dahil dapat fresh ako bukas kahit hindi ko alam kung may connect ba yun kasi vampire naman ako.
Kinabukasan mas nauna pa akong nagising kaysa sa alarm ko. Bumangon ako at naligo na. I wore my new Paris feels dress, heels and a beret. Since mukhang matagal akong mawawala dito, nag-breakfast ako sa favorite restaurant ko. Pagkatapos kong mag almusal ay dumaan ako sa salon para magpaayos ng buhok. Lagi ako sa salon na ito kaya alam na nila ang particular na ayos ng buhok na gusto ko kapag may special event akong pupuntahan.
"Wow, you look really gorgeous"
Pumapalakpak na sabi nung babaeng nag ayos saakin. FYI, I'm not just gorgeous, I'm beyond gorgeous, I'm a goddess. Nagbayad na ako at sinukbit ko ang maliit na bag ko sa braso ko tsaka sinuot ang shades ko. Pagkalabas ng salon ay kinuha ko ang phone ko at may tinawagan.
"Ready my car because I'll be paying a visit at the Realm", binaba ko ang tawag at nagsimula nang maglakad.
Matagal kong pinag isipan kung babalik ba ako sa Realm o hindi, it's like my mind versus my heart. My mind says, don't go kasi wala namang magandang dulot saakin ang Realm but in contrast to that my heart says, go because Clive might need me. Did my heart win? I don't really know how I ended up with this decision. Basta alam ko lang tutal wala pa naman akong naiisip puntahan, doon muna ako, pansamantala. Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta doon, simula nung umalis ako 23 years ago ngayon pa lang ako babalik.
Mahaba ang naging byahe kaya pagbaba ko ng airport sa Cebu ay padilim na. Nag-unat ako at may tumigil na itim na kotse sa harap ko. Bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto. Sumandal ako sa may bintana at naging tahimik lang ang byahe namin hanggang sa makapasok na ako sa Realm. Pagdating ko doon nakaabang na ang red sports car ko na inutos kong ihanda. Inabot saakin nung lalaking tauhan namin ang susi at sumakay na ako sa loob. Habang nagddrive papuntang Royal Castle ay hindi ko maiwasang tignan ang paligid. Wala pa rin namang masyadong nagbago kaso parang dumami na ang tao sa Realm. Pagdating ko sa entrance ay hinarang ako ng mga guard, tinignan nila ang badge ko. Binaba ko ang salamin ko para maigi silang tignan, mukhang mga bago lang sila dito kaya hindi nila ako kilala, biglang may dumating naman na isnag guard din pero mukhang mas mataas ang rango sa kanila batay sa uniform nila. Nagulat siya nang makita ako at agad na nagbow, sinenyasan niya ang mga kasama niya kaya nagbow din sila saakin.
"Welcome back to the Realm, Miss Alicia"
Nilagay ko sa ulo ko yung shades ko at nagdrive na papasok. Malayo pa lang natatanaw ko na ang mga katulong namin na naghihintay sa labas ng mansion. Pagkababa ko sa kotse ay sabay sabay silang nag bow at bumati saakin.
"Maligayang pagbabalik po, Miss Alicia", sabay sabay nilang sabi. Obvious naman na hindi sila maligaya. Saglit ko silang tinignan dahil napansin kong maaraming bagong katulong. Hindi ko talaga maintindihan si Lady Anna kung bakit kailangan marami pa ang katulong namin sa bahay, eh mag isa lang ako. Aanhin ko yung marami kung hindi naman nila kayang gawin ng maayos ang trabaho dito sa mansion. Bago ako umalis dito, kada linggo ako nag sisisante ng tauhan dahil mahigpit ako pagdating sa bahay, ang tanging matatag lang dito ay ang head mistress at si Juliana. Inabot ko sa kanila ang bag ko at pumasok na sa loob ng mansion. Maigi kong tinignan ang bawat gamit at bawat madadaanan ko. Mukhang inayos nila ang trabaho nila ha.
"Hinanda na po namin ang kwarto niyo", sabi ni Juliana pero tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita dahil biglang may hindi kilalang lalaki ang lumabas sa kusina ng mansion ko.
Mukha siyang binatang lalaki, nakasuot siya ng royal uniform pero nakabukas ang ilang butones nito at base sa badge niya hindi siya
isang Royal. Napalingon siya saamin nang mapansing lahat kami at tahimik na nakatingin sa kanya.
"Who the hell is this bastard?", tanong ko habang nakatitig pa rin, Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Excuse me? Bastard? Ako ba nag tinutukoy mo??", tinuro niya ang sarili niya pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay lumingon kay Juliana.
"He is Mr. Sixto's little brother", napataas ang kilay ko nang marinig ang pangalan ni Sixto. May kapatid si Sixto? Saang lupalop naman kaya niya napulot ang batang ito?
Lumapit sa binata nag headmistress at may binulong sa kanya. Mabilis siyang nagpunta sa harap ko at yumuko.
"Good evening, Miss Blaunche...”
Siniko naman siya ng headmistress kaya agad niyang tinama ito,
“Miss Alicia pala. I'm Zachary Sanchez and it's a pleasure to meet you", nilahad niya ang kamay niya saakin pero nilagpasan ko lang siya.
"Where is Sixto?", tanong ko kay Juliana na sumunod saakin.
"Mr. Sixto is currently outside the Realm for a mission"
Tumigil kami sa harap ng kwarto ko at pinagbuksan ako ni Juliana ng pinto.
"Mission?", hindi ko naiwasang mapakunot noo. Why the hell is he doing a mission?
"While you were gone, the Secret Service Unit recruited him to be a temporary agent since they saw his potential"
I can't help but agree. I've been with him since we were a child and I've seen what he is capable of doing. I can't deny, he's really strong and smart because he's been trained to be one, in order to protect me.
Umupo ako sa kama ko at tinignan ang buong kwarto ko. It's still the same. Humiga ako at pinikit ko ang mga mata ko.
I really hope that coming back is not a bad decision.