[ I found her location]
I smiled sweetly as I heard the news. It's already passed 12 midnight and with this news I am now sure that I will be able to finish this case before sunrise.
[ I've done my part, siguraduhin mong makakauwi siyang ligtas dito. Tandaan mo hindi lang siya basta basta newbie na vampire]
"Whatever, Don't worry, I'll hand her over as soon as I found her"
Tumayo na ako at inayos ko ang gamit ko kaso napatigil ako nang may kumatok at pumasok sa office ko. Sa mga yapak niya palang alam ko na agad kung sino siya.
"Going...home?"
Humarap ako sa kanya habang sinusuot yung coat ko.
"Nope, I'm going to find a freaking vampire princess"
Napatigil ako nang mapansin ang itsura ni Zion.
"Z, seriously stop"
He looked at me innocently.
"Do you think I don't know? I'm fine okay, you don't need to check on me every single minute, I'm not suicidal or whatever. I'm fine"
He is obviously still thinking about my resignation. It's written all over his face. Akala ko okay na dahil nakapag usap na kami ng maayos kanina, bothered pa rin pala siya hanggang ngayon.
Dahan dahan siyang lumapit saakin at tumigil sa harap ko.
"I remembered it’s your mother’s death anniversary tomorrow and also.....you've been receiving a lot of letters from the realm lately. Are you sure nothing's going on?"
Pagsususpetsya ni Zion. Alam kasi niyang marami akong kabaliwang ginagawa kapag nalalapit na ang death anniversary ng nanay ko. I'm scary when I'm sad. I do all the crazy things just to escape from the past, because it's been years but I can still remember what happened that night and after that---vividly. It still hurts the same, so I need to find a way to release it.
"I assure you that my mom or the realm has nothing to do with my resignation, so if you'll excuse me, I have a case to finish in order to get Madame Veron's vote"
Hindi ko rin alam bakit marami akong natatanggap na letter galing sa Realm lately, pero syempre hindi ko iyon pinapansin, ang alam ko lang may bigla raw lumitaw na anak ng chancellor. I don't know why my grandmother is making a big deal out of it to the point that she wanted me to return to the realm.
Nginitian ko siya pero nanatili ang titig niya saakin at hindi siya nagpatinag sa kinatatayuan niya.
"Z, don't piss me off", naging seryoso na rin ako.
"I feel like when you leave, you'll never come back"
Napatingin ako sa kulay brown niyang mga mata. I actually don't understand myself. If you think of it, I'm all good here, I'm starting to like this place, I'm getting comfortable here and I'm------ starting to get attached-------- which is not good.
"I didn't mean to stay here in the first place"
Napahinga siya ng malalim at napaayos sa buhok niya.
"I'm sorry", napayuko siya tapos ay umatras. Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
"Z, I will be there when you need me"
This is the bad thing when you get attached, you become vulnerable and they will see your weakness.
I understand what exactly he feels, after all, we both don't have anyone.
Saglit kaming nag usap ni Zion dahil bukas na magmemeeting ang board at 2 to 3 days from that lalabas ang desisyon tungkol sa resignation ko.
Sumakay ako sa kotse ko at nagtungo sa club na sinabi saakin ng informer ko. As I went inside, the club is still lively and there are a lot of people. Mabilis kong hinanap yung babae na nasa litrato na sinend saakin. Malaki talaga ang naging tulong ng singsing na nahanap ko dahil hindi lang iyon simpleng singsing. It's a ring from a very known family in the Institution. When I saw the ring, I knew it's a ring from a known family of hunters.
"Excuse me??? B*tch!", sigaw noong babaeng nabangga ko pero hindi ko siya pinansin at patuloy ang pagsuyod sa buong club. Hanggang sa nakita ko na ang hinahanap ko. I smirked. Nagtatago siya sa gilid while feeding on someone.
"Hello my dear, sorry for interrupting", matamis ko siyang nginitian at bago pa man siya makasagot ay nabali ko na ang leeg niya tsaka binuhat siya. I compelled the guy she was feeding on before leaving.
Ipapasok ko na sana siya sa loob ng kotse nang biglang may bumangga saakin ng pagkalakas lakas kaya nabitawan ko yung babae.
Mabilis ang naging pangyayari, nasa ibabaw na siya noong newbie vampire at nakaamba na siyang papatayin yung babae pero agad akong nakalapit sa kanila at pinigilan siya.
Napakunot noo ako nang makita yung babae kanina sa organization na nag-aasist saakin. Tinignan niya ako ng masama at muling umatake.
What the hell is her problem??
Hinawakan ko siya para pigilan pero sobrang lumalaban siya.
Now I know why.....
"You cannot do that", I glared at her.
"Bitawan mo ako, I will kill her!!", tinulak niya ako at inatake.
I can feel her burning desire to kill that woman. Alam mo papayagan ko naman siya kung hindi lang siya anak ng makapangyarihang pamilya sa Institution. The instruction to me is to bring her alive! Baka imbes na malagay ako sa good side ni Madame Veron doon pa ako sa bad side malagay at maudlot pa ang pag-alis ko.
"You can kill her after I bring her alive to Madame Veron", I said while trying to stop her, in fairness she is quite strong.
"Sa tingin mo ba mapapatay ko pa siya kapag nasa Institution na siya?!!", she hissed.
"That's not my problem anymore!", irita kong sagot.
She scoffed "You're really a heartless b*tch huh?"
Why is it always my fault? Come on people, I'm just following orders!
Naglabas siya ng knife at sinubukang atakihen ako pero nakaiwas ako. Kapag talaga nagising ang babaeng ito at tumakbo na naman kung saan, I swear magagalit na talaga ako at hindi nila gugustuhing magalit ako.
Inatake ko siya at pinalipad ko yung kutsilyo na hawak niya tapos ay hinawakan ko ang leeg niya at binali ito.
"You will not mess up with this case"
Paglingon ko doon sa newbie vampire ay wala na siya.
"Shoot", mariin akong napapikit.
Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at tinawagan ang team ko. I prepared my team in case unexpected things like this will happen because I cannot mess up my last case!
"I lost her!! Track her now", inis kong sabi saka binaba ang tawag.
Kaya pala ganoon na lang siya ka-invest sa case kasi boyfriend niya pala yung isa sa mga biktima.
Ilang sandali lang ay nakatanggap na ako ng mensahe sa team ko na nagsasaad ng location ng babae, maigi ko silang binilinan na walang lalapit sa babae, papaligiran lang nila ang lugar at ako na ang bahala.
Tinigil ko yung kotse sa tapat ng isang saradong amusement park. Pagkakaba ko ay sinalubong ako agad ng malakas na hangin. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at pumasok na ako sa loob para hanapin yung babae.
Napatigil ako sa paghahanap ng may maaninag akong isang babaeng na nakatayo sa may tapat ng carousel.
I found you.
Napangiti pero agad ding nawala ang ngiti ko nang makita ko yung babae kanina na mukhang aatakihen na naman siya kaya mabilis akong nagtungo doon. Sakto pagdating ko ay nahila ko papalapit saakin yung newbie vampire at ako ang nasaksak ng dagger sa likod. Napasinghap yung newbie vampire na nasa harap ko. Good thing, I'm a royal, dagger like this won’t kill me but I admit it sting a bit and I feel dizzy.
Tinanggal ko yung dagger sa likod ko at humarap doon sa babaeng member ng Prodigy.
She looked shocked at what happened.
"Ganoon ba katigas ang puso mo para hindi mo maintindihan kung gaano kasakit na pinatay niya yung taong mahal ko??! Just let me kill her!!"
She's an idiot, does she think killing this vampire will bring her boyfriend back?
Aatake na sana ako nang bigla siyang bumagsak dahil may bumaril sa kanya na malamang galing sa team ko. Hinila ko agad yung newbie vampire paalis at sinakay sa kotse.
Habang nasa kotse kami iyak siya ng iyak, hindi niya raw sinasadya, hindi niya raw mapigilan, hindi niya raw ginusto ang mga nangyari. Kaya nagpababa na ako agad dahil hindi ko na kaya marinig ang mga kadramahan niya, hinayaan ko na lang na sila na ang maghatid sa kanya sa headquarters at dumiretso na ako sa apartment ko para makapagpahinga.
Akala ko makakapagpahinga ako dahil masyadong maraming nangyari ngayong araw, hindi pa rin pala, dahil hindi ako pinatulog ng mga alaalang nagbabalik. Nagtungo ako sa banyo para maghilamos pero bago ko pa mabuksan yung gripo ay napatingin ako sa reflection ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang kulay brown at wavy kong mahabang buhok, hanggang sa napatitig ako sa mukha ko.
Hinawakan ko yung singsing na galing sa aking ina na ginawa kong kwintas. Habang hinahawakan ko ito ay malinaw na bumalik
ang mga alaala, hanggang sa hindi ko na namalayang tumutulo na ang luha ko.
People keep on saying how bad I am that I don't deserve to be happy, I'm such a b*tch who deserves to die. I received all kinds of hurtful words. They shouldn't judge the book by its cover you know, because they don't know what I've been through.
Pagkatapos kong maglinis ay dumiretso na ako sa higaan ko at tumulala sa may ceiling.
---
I wore my shades as soon as I step out of my car. Today is a good day, I smiled as the warmth of the sun touches my skin. I walked confidently in our meeting place, wearing my long black dress and high heels. Natanaw ko na agad siya sa di kalayuan, nakatayo sa tabi ng puno at nakaharap sa lake, dahil kaming mga vampire ay may super speed kaya mabilis akong nakarating sa tabi niya.
"I didn't expect that it will be you, who will deliver the news to me"
Humarap saakin si Miss Rael at seryosong tinignan ako. She's wearing a double-breasted coat and her hair is neatly put into bun.
"Sigurado ka na bang aalis ka sa organization?", she looked at me in the eye.
"Yeah, I already have plans"
Well, actually I don't have one because I don't make plans. I need to lie so she won’t see any hint of doubt.
She sighed "Nanghihinayang ako kasi we will be losing a very great agent, pero wala akong magagawa kasi mukhang desidido ka na"
"I get that a lot", I smirked at her and she looked at me with disbelief.
"So, what will happen to the girl?"
Napataas ang kilay niya sa tanong ko at saglit na napaisip kung sinong babae yung tinutukoy ko. Well, I was referring to the prodigy's trainee who almost killed the newbie vampire.
"You mean Monica?"
Humarap siya saakin at nagcrossed arms sabay taas ng isang kilay.
"Since when did you care?"
I shrugged. "I'm just curious"
"She will undergo a trial and we'll see from there"
Humarap ako sa may lake at hinayaang hawiin ng hangin ang mahaba at wavy kong buhok.
She's just hurt...
"I guess this is where we part our ways?"
Humarap ako sa kanya at inabot naman niya ang kamay niya.
"Thank you for working with us"
Tinanggap ko ang kamay niya at nagshake hands kami. Hindi naging madali ang pag-alis ko dito, isang buwan akong nagtrabaho para makuha ko sa side ko ang mga member ng board. I also undergo a trial kaninang umaga para malaman nila kung may tinatago ba ako or what, sinauli lahat ng dapat ibalik, napakaraming proseso. Sinigurado nilang wala akong magagamit laban sa kanila. Wala naman din kasi akong masyadong hinahawakan ng confidential cases na alam nilang maaring konektado sa royals at malinis din talaga ang intension ko sa pag alis ko, mukhang nakita naman nila yun kaya pumayag sila. Malaking factor din talaga ang pagiging Royal ko kaya napapayag sila.
Pagkatapos naming mag-usap ay nauna nang umalis si Miss Rael samantalang ako ay nagpaiwan at umupo muna para i-appreciate ang magandang view. Iniisip ko rin kung anong gagawin ko ngayon. Should I fly to korea? Spain? Iceland? Last year I had a party in Las Vegas and it was a blast!! Naalala ko pa nga nakipagkarera pa ako noon ng kotse tapos nainis ako sa kalaban ko kaya binangga ko siya pero buhay pa naman siya kaso galit na galit nga lang si Zion kasi siya na lang daw lagi pinaglilinis ko ng kalat ko, wala naman akong sinasabi pero ginagawa niya, so weird talaga ng lalaking yun.
I should get wasted today, even though I don't get wasted literally.
Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko. Naglakad ako pabalik sa kotse ko at pagkasakay ko ay biglang nagring yung phone ko.
"Yes hello?", nakangiti kong bati.
[ Wow you're in a good mood ha ], sagot ng kapitbahay ko na nasa kabilang linya.
"What is it my dear?"
Binuhay ko ang engine ng kotse at mabilis itong pinatakbo.
[ May letter ka ulit galing sa Royal Realm ]
Napangiwi naman ako sa sinabi niya, akala ko naman kung anong magandang balita.
"As usually just throw it or burn it, I don't really care", mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo.
[ You sure? Parang kakaiba yung stamp nila, may naka engrave na letter C hindi kagaya ng dati. Ito sinend ko yung pic ]
Tinignan ko yung picture na sinend niya at halos manlaki ang mata ko nang makita kung anong klaseng stamp yung tinutukoy niya.
"Don't throw it! I'll be there in 30"
Agad kong niliko ang sasakyan at mabilis itong pinatakbo.
Why on earth would he send me a letter?
---