Chapter 3

2323 Words
"Bonjour !!", masaya kong bati pagkabukas ko ng pinto ng office ni Mr. Robert. "Alicia", sinara niya yung librong binabasa niya at umupo ng diretso. Naglakad ako palapit sa kanya tapos nilagay ko yung designer bag ko sa ibabaw ng table niya at matamis siyang nginitian. "What brought you here?", niluwagan niya yung neck tie niya at sumandal sa swivel chair. "I bet you already heard the news" Nakapagpasa na ako kahapon ng paper for resignation at malamang nakalipad na sa mga member ng board ang plano kong pagreresign. "Ah. Your resignation here in The Prodigy" "Yes, and I'll be needing your help" He seems taken back by what I said but still he remained composed. "I understand your desire to leave the organization but I'm afraid that there is a process and my power is---" "Please don't give me that speech” Kung kanina medyo mapagpasensya pa ako, ngayon hindi na. Does he think I'll buy that? I've been in this field for more than decades. He cleared his throat. "Alicia—" "Mr. Robert let me show you something" Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata. Tignan natin pagkatapos mong makita ito, humindi ka pa saakin. Mabilis niyang tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "Are you threatening me?!", this time nawala na yung pagiging composed niya. "Nope, this is a reminder of the things that I have done and things that I know. Kaya ayusin mo ang desisyon mo" Hindi naman ako mag-aabalang kausapin siya kung hindi ko lang siya kailangan, para kasi makaalis ako dito, parte ng proseso ay magkakaroon ng deliberation at botohan ang mga member ng board. I need to get the vote of the majority so that the President doesn't have any choice but to let go of me. It was supposed to be a secret, that's why Mr. Robert thought that I have no idea about it but I'm always one step ahead of them and I will make sure that I will get what I want, I won’t end like that pathetic girl, Jackie. Sa Royal Realm nga nakaalis ako, dito pa kaya. "Don't worry, after I leave here, I will bury everything that I know.... So, don't try to do anything that will piss me off, or else you'll be the one I'll be burying", malamig kong sabi. "at ayun ang threat, see the difference?", muli ko siyang nginitian pero nanatiling masama ang tingin niya saakin. "Do you think you can take me down?", he scoffed then I smiled at him. "You wanna bet? When I take you down, I will make sure you'll lose everything. As for me, I fear nothing because I already lost everything" Naging mas seryoso yung tingin saakin ni Mr, Robert at ako naman ay hindi nagpatinag. Akala niya ba natatakot ako sa kanya? Hell, I've been through worst. Biglang may kumatok kaya naputol ang tension saaming dalawa. "Mr. Robert? Your wife is here", sabi ng secretary niya. "Okay, I'll be there in a sec" Tumango ang secretary at lumabas na kaya muling binalik na ni Mr. Robert ang atensyon niya saakin. "I'll think of it, Ms. Blaunche. Good luck to you", mariin niyang wika saka tumayo at inayos ang butones ng coat niya tapos tinanguan ako. Tinuro niya yung pinto kaya kinuha ko ang bag ko. "I'll be expecting good feedback from you", I smiled sweetly and left the room. Nakasalubong ko yung asawa ni Mr. Robert pagkalabas ko. Tumigil ako sa harap niya at nagbow bilang paggalang. "Good morning, ma'am" Nginitian niya ako at naglakad na papasok sa opisina ng asawa niya. Paglabas ko ng headquarters ay napataas ako ng kilay nang may tumigil na pamilyar na kotse sa harap ko. Bumaba ang binatana nito at bumungad saakin ang mukha ni Zion. "Get in" Umikot ako at umupo sa may passenger seat, "Anong trip mo?", nagtatakang tanong ko habang inaayos yung buhok ko. Ang weird na nandito siya at kahit hindi ko alam kung bakit niya ako pinapasakay sa kotse niya, sumakay pa rin ako, so mas weird ata ako? "This is me being nice to you since you're leaving", he said without looking at me because his eyes were on the road. "Let's have lunch first tapos ihahatid kita sa location ni Madame Veron since malapit lang yun sa penthouse" Napangalumbaba ako at tinitigan siya. Madame Veron is in field work that's why she wasn't in the headquarter. "Sana ganito ka umpisa pa lang, pwede ka naman pala maging mabait" 5 years na kaya niya akong sinusungitan, napakacompetitive pa at perfectionist kaya minsan pag naiinis ako pinipilit kong talunin talaga siya para mas mainis siya, pero minsan lang ako manalo because I admit he's good. "Shut up" Magsasalita pa sana ako para asarin siya kaso nagring yung phone niya kaya sinuot niya yung earpiece niya at sinagot ito. "Yes ma'am" Tinignan ko kung sino yung caller ID at sinamaan naman ako ng tingin ni Zion sa pangingielam ko. "Opo, it’s my rest day........noted, I'll send po the file tonight", binaba niya yung tawag. "She's a pain in the ass, you're already a head too, bakit ka pa niya inuutusan? good thing I won't be able to deal with her anymore" Napacrossed arms ako at sumandal sa headrest. Sobrang pahirap sa buhay yung bagong department head namin ngayon, tambak ang mga cases hindi ko alam bakit, pero hindi na siya naabutan ni Zion kasi napromote na siya at nakaalis sa department namin, such a traitor. Habang nasa byahe kami wala akong ibang ginawa kung hindi inisin si Zion at nang makarating kami sa penthouse niya ay nakahanda na yung kakainin namin at ang aming special drink which is a special blood. I've been with Z for 5 years so he already knows what I want. "So, what is your plan after your resignation has been granted?", sabi ni Zion habang kami ay nakaupo sa malambot niyang kama at nakaharap sa magandang view ng penthouse niya. "Hindi pa tayo sure kung maga-grant", ininom ko yung wine ko. "Are you kidding me? Kilala kita, kapag sinabi mo dapat mangyayari, if it didn't happen, you'll probably burn the whole headquarters down" "That's a good idea", mahina akong natawa at napa-iling naman siya. "But seriously, are you going back to your home?" Humarap ako sa kanya at tinitigan siya. "Where could that be?" Sinulyapan niya ako ng tingin at uminom sa baso niya. "Sa Realm?" I scoffed upon hearing his answer. "It was never my home; I never had a home" He sighed, I bet somehow, he feels the same since we're both orphans. "Bigyan mo ako tip kapag na-approve na yung resignation mo" Napakunot noo naman ako at nilapit ko ang mukha ko sa kanya na parang iniexamine ito. "Why? You're planning to leave the organization? Huh, you'll never do that" Pinaghirapan niya kung nasaan siya ngayon, isa siya sa mga mabilis na napromote. In the Prodigy, we're all good but Zion was the best. In a few years, I bet he'll be part of the board. Actually, at first, I was wondering why is he trying so hard but when I'm starting to know him, I found out that organization is very important to his parents that is why he is really trying his best. Kaya nagulat ako noong narinig kong sinabi niya na sasama siya saakin, unang beses kong narinig yun sa kanya na gusto niya umalis sa organization. "Why do you think so?", this time he faces me. "I think you fit perfectly there, you have the leadership, you're an asset in the organization while me, I'm like a lost soul. I don't know what I want. I keep doing things that I thought will fill the hole in my heart. Plus, they’re never going to promote me.", tinapik ko yung pisngi niya. Biro ko sa huli. Alam kasi ng mga tiga Prodigy na isa akong royal since ang organization ay binubuo ng mga supernatural creature na katulad ko rin kaya hindi nila ako prinopromote hangga’t hindi ko pini-pledge ang loyalty ko sa kanila at hind isa royals. "If you're having a doubt in yourself, I'm telling you, you're doing good... more than good., you're the best.", I smiled genuinely at him. Minsan lang ako magbigay ng compliment tutal aalis na rin naman ako. "I know that" Napailing na lang ako sa kayabangan niya. "But if you really want to leave there, you can come to me", I took another sip. Can't believe, I'm having this serious talk with him, this is the first time and somehow it feels good because I can see the sincerity between the two of us. "I hope you'll be happy" Gulat akong napalingon sa sinabi niya, muntikan ko na nga madura yung iniinom ko. Ito ata yung unang beses na may gustong maging masaya ako. "You think I will be able to?" I can't even remember the last time that I was genuinely happy, I don't even have a lot of good memories, in short, I'm a messed up sad b*tch. "Of course, no matter how messed up we are, we still deserve to be happy" I nodded then rested my head in his shoulder. Nakatanggap ng mensahe si Zion na hinahanap na siya sa headquarters kaya nag-ayos na kami at hinatid na niya ako kung nasaan si Madame Veron. Pagbaba ko ng kotse ay agad kong siyang natanaw na may kausap. Lumingon ako kay Zion. "Thanks for the ride" "Goodluck!", he said before driving away. Taas noo akong naglakad palapit sa kanila at nang malapit na ako ay napalingon silang lahat saakin. Nagbow ako sa harap ni Madame Veron. "Ms. Blaunche, what brought you here?" Inabot niya yung papel sa babaeng nasa tabi niya at she motioned her na umalis na. "I need to talk to you" Saglit niya akong tinitigan bago nagsalita. "I think I already know why. Siguro bago tayo mag usap, gagamitin muna kita. So, your last day here will be quite productive" Tinapik niya ako at naunang pumasok sa isang fine dining restaurant. Sumunod ako sa kanya at pagpasok ko ang bumungad saakin ay magulong mga lamesa, nagkalat na katawan at dugo sa paligid. "This happened an hour ago, the Institution is asking for our help, so I believe something is special in this case. Find the killer and bring her to me, alive." May tinawag si Madame Veron na tauhan at agad itong lumapit sa kanya. "Assist Ms. Blaunche with whatever she needs because she will be handling the case" Tumango yung dalawang tauhan, isang babae at isang lalaki tapos ay nagbow saakin. Napalingon ako sa kanya, ang akala ko tutulong lang ako hindi ako nainform na ako pala ang hahawak sa kaso. "I'll be expecting a result before sunrise" Nilagpasan niya ako at nagsunuran ang mga alagad niya sa kanya, samantalang tatlo na lang kami natira dito. Napabuntong hininga ako. "What the hell are you looking at? Start finding for something useful", asik ko doon sa dalawa na nakatingin lang saakin, mabilis naman silang umalis sa harap ko. Tinali ko ang buhok ko at nagsimula ng maglibot libot. Pagkatapos ma-check ang paligid ay tignan ko naman ang mga katawan. Minsan kasi malalaman mo kung anong klase ng tao yung umatake sa biktima base sa marks or sugat na meron sila. Katulad nito, isang baguhang vampire ang nag-iiwan ng ganitong marka. Napatayo ako at napacrossed arms saka nagconcentrate. "Shh!", sita ko dahil rinig ko ang paggalaw nila sa mga bagay bagay. Naglakad ako at may nakitang singsing sa ilalim ng lamesa. Kinuha ko ito at tinignan maigi. This is familiar. Nang maramdaman kong may lalapit saakin ay agad kong tinago yung sing sing at malamig na humarap sa kanila. "Give me your phone", nilahad ko yung kamay ko doon sa babae at dali dali naman niyang inabot yung phone niya saakin. Sinave ko yung business number ko at binalik sa kanya. "Call me if you find anything" "Wait... may nahanap ka ba?", tinaasan ko siya ng kilay dahil sa paghawak niya sa braso ko, nang marealize niya ito ay agad niya akong binitawan. "Sorry po", napayuko siya pero nilagpasan ko lang siya tsaka umalis. Sumakay ako sa kotse ko at may tinawagan ang isa sa mga connection ko sa institution. "I need you to look something for me" Pinaliwanag ko sa kanya lahat ng kailangan ko at sinend ko rin yung picture ng singsing na nakuha ko. I'm very sure this ring is the reason why the institution is involved and they even asked for our help. I went back to the headquarters to check and find something. After I finished investigating, I stayed at my office. Diretso akong nakaupo sa swivel chair ko at tinatap ang mga daliri ko sa lamesa habang naghihintay at nag- iisip. Biglang bumukas ang pinto at pumasok yung babae kanina na inutusan ni Madame Veron para mag-assist saakin. "Nalinis na po yung crime scene as per your request" She reported but I didn't even glance at her. "Good, you may now go" Hinarangan niya yung tinitignan ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Aren’t you going to say something? Bat pinalinis mo agad yung crime scene? Anong mga information ang meron ka? I'm sorry to say this, maaring mas mataas ang posisyon mo saamin pero parte rin kami ng investigation kaya we have the right to know" I stared at her. Mukha ba akong may pake sa nararamdaman niya? "You got here at The Prodigy it means you're smart, you should know this by now. In here we work fast, less talking more working. So, if you don't have anything to contribute in the case just shut up and get lost" Naging mabigat ang paghinga niya at masamang tingin ang pinukol niya saakin pero hindi naman ako natakot. Tinalikuran niya ako at padabog na lumabas ng office ko. Napailing ako at saktong nagring yung phone ko. Finally, the call that I've been waiting.... -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD