Maaga akong nag-ayos at umalis ng hotel para dumalo sa libing ni Carlo. Habang nasa simbahan sila ay nanatili lang ako sa kotse ko at hinintay silang makalabas. Nang umandar na yung sasakyan na naglalaman ng kabaong ay sumunod ako. Pagdating namin sa sementeryo ay pinanatili ko ang distansya ko mula sa kanila. Pinanood ko lang sila mula sa malayo hanggang sa tuluyan na nilang ilibing si Carlo. Halos lahat ng tao ay umiiyak kaya ayoko na ring lumapit sa kanila dahil ayoko nang malungkot pa at ayoko ko ring makita si Carlo sa kabaong iyon. Ang mahalaga nagpunta ako, para kahit sa huling sandali alam niyang nandito ako. Sana masaya na kayong magkasama Clarita at Carlo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. I will also never forget what happened that night, I swear after I deal with all my

