“So, how are you going to ask him?”, tanong ni Eloise habang nakahiga sa kama ko samantalang ako naman ay inaayos yung binigay na uniform naming grupo na kulay pink. Ito yung kulay na pinakaayaw ni Gavin kaya ito yung pinili ko para makaganti man lang sa kanya, buti na lang din at lima kaming babae at dalawa lang silang lalaki, plus kasama ko pa si Eloise na sobrang mapilit. “Alam mo, sana man lang pinigilan mo si Gavin”, sabi ko pagkalabas ko ng bathroom. “Bat parang kasalanan ko?, pero may point naman din kasi si Gavin.” Umupo siya at mabilis akong nginitian dahil kita niya ang pagkairita sa mukha ko. “Why are you exactly here Eloise?”, tanong ko sa kanya bago niya buksan ang pinto. Sa totoo lang lahat kami ay inaasahan na tatakbo sa politika for a higher position after graduati

