“Eloise, tara na raw”, tawag ko sa kanya habang nagsusukat pa siya ng shades. “Okay, wait” sagot naman niya at napabuntong hininga ako. Alam ko na ibig sabihin ng wait niya, ibig sabihin matagal pa siya at magsusukat pa siya malamang ng ibang shades kaya nilapitan ko na siya. “Diba meron ka nang suot na shades bakit bibili ka pa?” Kinuha ko yung mga hawak niyang shades at binalik ito sa dating lalagyan. “Hindi naman ako bibili, tumitingin lang ako tsaka bakit ka ba nagmamadali wala pa nga yung iba” “Nasa CR pa si Anthony” Rinig naming sabi ng kasamahan naming nasa labas gamit ang super hearing namin. “See”, nilagpasan ako ni Eloise at lumabas na kami ng shop. Sumakay na kami ng van at pinuntahan yung una naming lead. Nagtungo kami sa baryo hagdanbato dito sa Cagayan kung saan

