"Sa tingin ko hindi ako mananalo sa competition na ito" Parehas kaming napatingin ni Eloise kay Gavin na pinagigitnaan namin. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa garden habang umiinom ng juice at nakatitig lang sa magandang tanawin. Ang sarap ng hangin dito tapos ang linis ng paligid, ang gaganda ng bulaklak at halaman. Ito na ang huling araw na mananatili kami dito at naghihintay na lang kami ng result ng competition bago kami tuluyan pabalikin sa mga tahanan namin. "Ang nega mo naman, tsaka meron pa namang election" sagot sa kanya ni Eloise. Tama naman siya, hindi natatapos ang laban namin sa competition dahil pagkatapos nito ay magkakaroon naman ng eleksyon. ang mangyayari ay 50% sa competition at 50% din sa election. Bago mag simula ang last round ng competition ay pinakita na sa

