Pagkatapos kong magtraining ayy napagdesisyunan kong puntahan si Clive sa SSU headqaurters para kausapin at pasalamatan kasi sa dalawang araw na nagpahinga ako siya ang patuloy na nagdadala ng bloodbag saakin, kahit na utos yun ni Lady Anna gusto ko pa ring magpasalamat.m "Uy saan ka pupunta?" nasalubong ko naman si Gavin sa daan. "Bakit na naman?" sagot ko sa kanya habang nakasimangot. "May pag uusapan daw tayo sabi ni Eloise" hinawakan niya ako at hihilahin sana pabalik pero pinigilan ko siya. "Mas importante pa ba yang pupuntahan mo kaysa sa pag uusapan natin?" Ganitong oras lang kasi ang break ni Clive kaya ngayon ko lang siya pwede makausap. "Oo kaya susunod na lang ako, okay?" tinapik ko siya at umalis na. Habang naglalakad ay iniisip ko kung paano ko siya pasasalamatan.

