Second place si Gavin habang si Eloise naman ay nanalong first place, ano pa nga bang ineexpect ko kay Eloise. Nakakailang beses na ako sa paghinga nang malalim simula nung naglalakad ako pababa dito sa maze hanggang sa papasok na kami ng maze. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, hindi naman ito bago saakin. Bago tuluyang pumasok sa loob ay lumingon muna ako kung nasaan si Clive at nakita ko siyang natingin saakin. Tipid niya akong nginitian at pumasok na ako sa loob. Pagdating ko sa maze ay para akong batang nawawala kasi kahit na nakapasok na ako dito ng isang beses noong assessment hindi ko pa rin makabisado. Sobrang lawak at wala akong masyadong palatandaan kasi magkakamukha lang talaga yung paligid. Tumingin muna ako sa paligid para maghanap ng ano mang magagamit, kanina kasi n

