"Saan pupunta si Eloise?" tanong ko kay Gavin na nasa tabi ko habang parehas kaming nakatingin sa labas ng bintana at pinapanood si Eloise na nakikipag usap sa Council. "Babalik ata siya sa Gahiji Tribe to pay respect sa pagkamatay ni Darius" sagot naman niya at tumango ako bilang tugon. Tumalikod naman si Gavin at umupo sa may lamesa. "So anong plano mo sa level 2 ng competition? Malamang pagkakaisahan nila tayo kasi tayo yung nagkaroon ng puntos sa unang round" sabi niya habang kumakain ng mga pagkain na hindi ko naman nagalaw. "Okay lang" walang pake kong sagot at humiga sa kama ko. Sa level two kasi ng competition ang papasok lang sa arena ay yung tatlong candidate ng bawat pamilya na siyang maglalaban laban. Hindi man sabihin ni Gavin pero alam kong ganoon ang gagawin ng step-s

