Chapter 19- Crazy Rhaime

2503 Words
"MY VIEN we're here," nakahinto na ang kanyang sasakyan sa harapan ng gate ng bahay ng dalaga. Bumaling siya ng lingon dito. "Give me your key my Vien para mabuksan ko na ang gate." "Stop calling me like that. Tapos na tayo kaya huwag kang umakto na parang wala lang," walang lakas na sagot niya dito. "Now unlock this door," dahil hindi niya iyon mabuksan. Hindi na maganda ang pakiramdam niya nahihilo na siya at sobrang sakit na ng ulo niya. Walang nagawa si Dylan kaya sinunod na lang niya ang gusto nito ipinagbukas niya ito ng pinto. Agad naman umibis ang dalaga, buti na lang at humina na ang ulan hindi gaya kanina. Sinundan na lang niya ito ng tingin habang binubuksan ang gate gamit ang susi nito. Napakaripas siya ng takbo palapit dito ng makita niyang natumba ito bigla. "f**k!" He cursed, "what happening to you?" Mabilis niyang binuhat ang katawan nito at muling ipinasok sa sasakyan. Bumalik sa gate para buksan naman ang malaking bahagi ng gate para maipasok niya ng tuluyan ang kanyang sasakyan. "s**t talaga, Bakit ba kasi wala man lang kahit isang katulong ito?" Nang maipasok ng tuluyan ang sasakyan sa loob at maisara ulit ang gatei ay ang main door naman nito ang binuksan niya buti na lang at magkasama ang susi sa gate at sa pinto nito kaya hindi siya nahirapan sa pagbukas. Binalikan niya si Rhaime, tinapik-tapik niya ang pisngi nito dahil sa nakapikit ito, nakahinga siya ng maluwag nang mapag alaman na may malay pa naman ito pero agad din iyon napalitan ng pag aalala ng masalat ang mainit na leeg at noo nito. Tinabig ng dalaga ang kanyang kamay. "Don't touch me." mahina nitong wika na nakapikit pa rin. "Bubuhatin kita kaya huwag ka magulo." Mabilis niya itong binuhat na at diretsong ipinasok sa silid nito na salamat naman at hindi na niya kailangan gamitan pa ulit ng Susi para mabuksan, dahil hindi iyon nakalock. Minsan na rin siya nakapunta dito kaya tanda niya ang silid nito. "Put me down so I can be myself, you can leave now Dylan." At pinilit niyang gumalaw para mapilitan siya ilapag nito. Pagkalapag sa kanya ni Dylan ay basta siya naghubad ng mga kasuotan wala siyang itinira ni isang saplot sa katawan. Napalunok naman si Dylan sa ginagawa ni Rhaime habang isa-isa nito hinuhubad ang mga saplot sa katawan nito, tila nakalimutan na siya nito na nasa loob pa siya ng silid nito. It did not know how eager he was to see that body kaya grabeng torture ito sa kanya at ang nagbabadyang pagkabuhay ng kanyang alagang tulog sa pagitan ng kanyang mga hita. Humiga si Rhaime sa kama at ibinalot lang ang buong katawan sa comforter na ulo lang ang nakalitaw. Napakunot siya ng noo at napa tanong sa sarili na aware ba ito na nilalagnat ito para magtangal ng buong saplot sa katawan at balutin ang sarili gamit ang comforter. Nilapitan niya ito at nakitang nakapikit na. "Rhaime." tawag niya sa pangalan nito, ng hindi ito kumibo ay umupo na siya sa gilid ng kama. Sinalat niya ang noo maging ang leeg nito at mas uminit pa iyon kaysa kanina. Bumahid ang pag-aalala ng labis sa kanyang pagkatao para sa kalagayan nito. Mabilis siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng palanganita at naglagay ng tubig kumuha na rin siya ng malinis na binpo sa drawer nito. Pinunasan niya ang buong mukha, leeg at maging ang buong katawan ng dalaga. "Oh, I really miss you Rhaime, god knows how much i miss you." usal niya sa natutulog na dalaga. Nabihisan na rin niya ito ng pantulog na kinuha niya sa closet nito. Sa sobra sigurong sama ng pakiramdam nito ay hindi na nakuhang magising habang pinupunasan at binibihisan niya. Nang matapos asikasuhin ito ay napag pasyahan niya ipagluto ito kaya tinungo niya ang kusina nito ng makita niyang may mga stock naman ito sa ref at halos kumpleto naman iyon kaya hindi siya nahirapan sa pagkilos. Tumawag siya sa kaibigan si Mond habang hinihintay maluto ang niluto niya. "Where are you now?" "Oh Dylan napatawag ka, i'm with Sansky why? " "I need help, nandito ako sa bahay ni Rhaime and she's sick now. I need medicine wala siyang gamot for fever na naka stock sa medicine kit niya. Hindi ko naman siya maiwan para bumili ng gamot kasi wala siyang kasama." "Okay buds pupunta kami diyan ni Sansky para makapag dala ng gamot." Biglang inagaw ni Sansky ang cellphone kay Mond. "Hey Dylan, how's my best friend now, is she's okay?" "Yah, natutulog siya pero mainit pa rin eh hindi pa kasi siya nakakainom ng gamot." "Okay pupunta na kami diyan mabilis lang kami promise bye." Hindi rin nagtagal at may narinig siyang pagbusina ng sasakyan kaya dali-dali siyang lumabas para alamin kung si Mond at Sansky na ang dumating at tama nga siya. Sa labas na lang ng gate ipinarada ng mga ito ang sasakyan dala. Binuksan niya ang maliit na gate para makapasok ang mga ito. "Where is she?" Tanong nito kay Dylan sabay abot ng isang plastic na may lamang gamot. "She is in his room now." Dumiretso silang lahat sa kwarto ng dalaga at nadatnan nga nila itong natutulog. Umupu sa gilid ng kama si Sansky at sinalat ang noo ng kaibigan. "Kukuha lang ako ng pagkain niya para makakain na muna siya bago siya uminum ng gamot maiwan ko muna kayo." Paalam ni Dylan sa mga ito. Nagising si Rhaime dahil sa paggalaw ng kama ng umupo si Sansky doon. "Best, are you okay?" Tanong ni Sansky "Best anong ginagawa ninyo dito?" napatingin din siya sa kasama nito na nakatayo naman sa tabi ng Kaibigan. "Dylan called Mond and said that you were sick. Eh nagkataon naman nasa bahay pa si Mond kaya na papunta kami dito bigla ng sabihin ni Dylan na wala ka daw gamot hindi ka naman niya maiwan aya kami na bumili. "By the way bestie he's Mond do you remember him?" "Ahm yeah," bumangon siya para maka upo ng maayos. Siya iyong kasama mo ng nagpunta ka dito noon wasak na wasak ang puso ko" Oo siya nga, at siya din yun isa sa kliyente natin na nadeal mo sa qatar. "Oh really, I can't remember him, if i'm not mistaken his name is Eduardo Clemente and not Mond." "That's my Uncle," sansala ni Mond kay Rhaime. "I'm one of the owner too. Masyadong abala si Tito Eduard ngayon kaya ako muna. By the way I'm Ritchmond Candellaria call me Mond in short." Sabay lahad ng palad dito. "And by the way I'm Dylan's friend too, nagka kilala na tayo before, dont you remember? sa mall iyon." "Oh, kaya pala you look familiar na noong nakita kitang kasama ni Sansky nagpunta dito hindi ko lang masyadong pinag tuunan ng pansin. Doon nga yon sa mall tama." Napangiti ito." Naalala ko may hinahanap ka diba. Did you find what you were looking for?" "Yah, I find her." sabay tingin nito kay Sansky ng malagkit. Pinanglakihan naman ng mata ni Sansky si Mond na hindi nakaligtas sa paningin ni Rhaime. Natuon ang pansin nila sa pagpasok ni Dylan na may dalang pagkain na nakalagay sa isang stainless tray. Maingat nito iyon inilapag sa mesang nasa gilid din ng kama nito na nakapwesto. "Nagluto ako ng macaroni soup kainin mo muna ito para makainom ka ng gamot." Akmang susubuan niya ito pero hindi iyon pinansin ni Rhaime. "Kailangan mo kumain muna bago ka uminun ng gamot para bumaba ang lagnat mo." "I'm okay na, mawawala din ito." Walang kagana-gana niyang sagot kay Dylan. Sinalat naman ng binata ang noo niya pero tinabig ni Rhaime ang kamay nito. "Don't touch me!" Nabigla man sa naging akto nito sa kanya ay hindi na nga niya ito hinawakan pa. Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid din ng kama nito. "Okay, since nandito naman na si Sansky aalis na ako, mapapanatag na ang kalooban ko may kasama ka na dito." Lumakad palabas ng silid nito. Tinignan ng masama ni Sansky ang kaibigan bago mabilis na humabol dito ganoon din si Mond sa nakalabas ng binata sa silid. "Dylan waite!" Huminto si Dylan at hinintay na makalapit sa kanya ang dalawa "Thank you for taking care of Rhaime, ako muna bahala sa kanya. Pag pasensiyahan mo na rin at ma-attitude ngayon ganoon talaga iyon kapag may sakit." "Okay lang naiintindihan ko naman ang pinag huhugutan niya, at hindi naman ako madaling sumuko. Ikaw na ang bahala sa kanya muna." "I will." "So, aalis na din ako sweetie," sabi ni Mond. "para magkaroon kayo ng privacy magkaibigan." Mabilis itong humalik sa mga labi ni Sansky. Kung gaano kabilis ang paglapat ng labi nito sa labi niya ay ganoon kabilis din ang paglapat ng mga daliri niya para kurutin ito sa tagiliran. "Aray!" Ang sakit sweetie pakiramdam ko natanggal ang balat ko," habang bakas ang sakit sa mukha nitong nakabusangot na hinihimas pa ang parteng tagiliran na kinurot nito. "Sige umalis ka na din, nakaka alibadbad na din iyang pagmumukha mo." Natatawa nitong turan. "Mag-iingat kayo." "Buds come on." Aya na ni Dylan kay Mond. "Punta tayo sa gate of heaven buds shots muna tayo doon para marelaxt ka naman." Aya ni Mond sa kanya. "Tutal wala ng ulan at iyon sasakyan ko na lang muna gamitin natin." "Sure tara." SA silid ng dalaga ay naabutan ni Sansky na kinakain na nito ang nilutong pagkain ni Dylan para dito. Umupo ulit ito sa tabi niya sa gilid ng kama nito. "Mabuti naman at kumakain ka na." "Nagugutom na ko eh." "Gutom ka na pala, pero ang arte mo lang kanina kay Dylan." Sinalat nito ang noo at leeg nito. "Buti bumaba na ang lagnat mo uminum ka pa rin ng gamot ha." "Galit pa ako sa kanya eh." "Kaya ba hindi mo na nasip na kung hindi dahil sa kanya baka kung na paano ka na ng tuluyan? Inabot ka ng ulan kanina noh kaya nagka ganyan ka." "Oo biglang buhos yun ulan eh, iyong kotse ko plat yun gulong kaya magtataxi na lang sana ako. Bigla dumating si Dylan at nag-presinta nga na ihatid na ako, ayoko naman talaga kasi nga galit pa ako sa kanya." "Kaya okay lang na maulanan ka ganon? Oh Kaya tignan mo iyan inabot mo dahil sa kaartehan mo? Mabuti na lang at nandoon pa talaga si Dylan." "Actually bumalik na lang siya kasi pina alis ko rin iyon kaninang umaga. Nasaan na pala siya tsaka si Mond?" "Umalis na, ikaw salbahe ka rin doon sa tao talaga noh. Pagkatapos kang ihatid dito alagaan at ipagluto ginanon mo pa." "What do you mean inalagaan? Hindi ba ikaw ang nag-alaga sa akin kanina pa at nag suot ng damit sa akin." "Anong ako, eh kadarating lang namin ni Mond nang magising ka." "Hala,' You mean hindi ikaw ang nagbihis sa akin." "Hindi nga, may suot ka naman na nang dumating kami." Napatutop siya sa bibig ng mapagtanto ang sinasabi ng kaibigan. "OMG! bestie Rhaime don't tell me nagburlis ka sa harap niya." Sa nanlalaking mga mata. "At nakuha mo pa talaga mag bold sa harap niya." "Ahm i don't know." "Until now hindi mo pa rin pala naaalis ang ganyan gawi mo kapag nilalagnat ka. Alam mo bestie ang weird mo sa bagay na iyan. Ikaw lang ata ang taong kilala ko na gustong naka bold kapag nilalagnat kaloka ang trip mo. Best." "So parang sinasabi mo na baliw ako, kailangan ko na ba magpa psychiatrist best?" "Ay, bestie wala ko sinabing baliw ka ang sabi ko ang weird mo lang." Sabay silang nagkatawanan. Ininom nito ang bioflu na gamot nang maka tapos siyang kumain. "Anong mayroon sa inyo ni Mond bestie?" "Sa amin? walang mayroon sa amin. Bakit mo naitanung?" "Wala ba talaga, eh bakit parang hindi naman iyon ang nakita ko sa inyo kanina. Hindi pati ito ang unang pagkakataon na nakita ko kayo na magkasama." "Walang namamagitan sa amin maliban sa trabaho lang okay. Kliyente natin siya at nagkataon na nasa bakasyon ka, noong magset ng meeting si Mr. Clemente at doon ko nga nakilala si Mond dahil siya ang dumating para makipag meeting." "Oh sige sabi mo eh. Pero aminin mo bestie he's good looking and yummy also. Hindi na masama para maging first boyfriend mo." "Hoy! mahiya ka nga sa sinasabi mo anong yummy also, at anong first boyfriend walang ganoon sa akin noh never. "Eh bakit nga kayo magkasama? Tudyo pa rin niya sa kaibigan. "Hoy bestie ayoko nang klase ng ngiti mo nakakainis lang. Ang mabuti pa magpahinga ka na at matulog na. Matutulog na rin ako at doon ako sa kabilang silid mo." "Tabian mo na lang ako kaya dito." "Hindi ako maarte best pero ayoko baka mahawaan mo ako." "Umuwi ka na lang noh, kaya ko na ang sarili ko dito. Naka labi nitong maktol. "Ayoko tinatamad na ko mag- drive." "Oh eh di maglakad ka tutal hindi naman na ata umuulan." "Bestie nakakainis ka alam mo iyon, ayoko nga mag-drive kasi tinatamad ako, eh di mas lalo na ang maglakad. Kahit na ba doon lang sa kabilang block lang ang bahay ko malayo pa rin iyon para sa akin." "Maarte ka lang talaga." Nasa iisang subdivision lang sila nakatirang mag kaibigan at isang block nga lang ang layo ng bahay nito sa bahay niya. Kaya hindi na kapagtatakang nakarating nga agad ang mga ito ng tumawag si Dylan kay Mond lalo na at magkasama pa ang dalawa kanina. "Sige na dito na ako matutulog." "Yehey, tara na dito tabi na tayo." "Matulog ka na. Maya-maya na ako." "Goodnight bestie Sansky." "Goodnight bestie.Rhaime." TIYAK maagang umalis ang kaibigan niyang si Sansky kaya hindi na siya nagtaka ng magising siya na wala na ito. Magaan na din ang kanyang pakiramdam. Lumabas siya ng kanyang silid para magtungo sa kusina, napahinto siya ng may madatnan na babae na abala sa kung ano man ang ginagawa nito doon. Tila naramdaman nito ang kanyang presensiya dahil lumingon ito sa gawi niya. At sa tantiya niya ay nasa kwarenta o kwarenta'y singko ang edad nito. "Ay Ma'am good morning po, ako po si Lenie ako po ang kasambahay na ipinadala ng agency." Bumahid ang pagtataka sa kanyang magandang mukha. "Ipinadala ng agency? pero wala po akong matandaan na nag-hire po ako ng kasambahay Ate, baka po nagkakamali lang po kayo ng bahay na pinasok." "Ay naku Ma'am hindi po, sigurado po ako na tama po ang bahay na pinasok ko kasi hindi naman ako nag-iisa ng dumating dito kanina, may kasama po ako at siya po ang nagpasok sa akin dito. "S-sino po? " "Siya po Ma'am." sabay turo nito sa kanyang bandang likuran. Napalingon siya sa itinuro nito. "Ikaw!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD