"OO, ako nga ang kumuha ng makakasama mo dito sa bahay." Tinignan niya ng masama ang binata at diretsong lumakad para lang iwan ito. Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa mini garden sa likod bahay niya upang i-relax ang sarili dahil sa namumuong inis kay Dylan dahil sa ginawa, ano ang karapatan nito na pangunahan ang desisyon niya, kung gusto niya ng katulong di sana noon pa siya kumuha. "Hey, i'm sorry, Nagagalit ka ba? Nag-alala lang talaga ako sa iyo ng sobra kaya ikinuha kita ng makakasama mo dito sa bahay." Sabi ni Dylan sa nakatalikod na dalaga. Hindi pa rin niya ito pinansin at ibinaling ang paningin sa isang halaman sa paso na nasa kaniyang harapan sa bandang paanan. Napabuntung hininga siya, "You need a maid Rhaime, lalo at nag-iisa ka lang dito." "Hindi ko kailangan ng

