SOBRANG sakit ng ulo niya ng umagang iyon at ang pakiramdam na ang bigat din. Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Lenie na may dalang pagkain sa isang tray. "Kamusta pakiramdam mo?" "Sobrang sakit po ng ulo ko at ng tiyan ko po humihilab. Pakiramdam ko lasing din siya." Napahawak siya sa kanyang sentido ng kumirot iyon. "Normal iyan kasi may hang over ka pa." "Oh, i don't like this feeling, I hate hang over Ate." "Hate mo pero naglasing ka. Mabuti pa at kainin mo na Itong chicken soup na niluto ko habang medyo mainit pa ng mahimasmasan ka. Inumin mo din ito Advil pagkatapos." "Sobrang lasing ko po ba kagabi? " "Ay oo wala ka na ngang malay ng iuwi ka ni Dylan. As in bagsak ka na." "Talaga po; Siya po pala naghatid sa akin, napangiti siya pero agad din nawala ng maalala ang tag

