ALMOST one week nag-stay si Dylan sa kanila after ng pamamanhikan nito sa pamilya niya. Ngunit kinailangan nitong bumalik sa manila dahil sa biglaang tawag ng secretary nito na si Angel. Dahil sa isang emergency na hindi kayang i-handle nito at ito lang ang pwede.
Two days had past and he miss her so much, kaya naman tinawagan niya ito pero nakaka ilang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot.
Marahil ay sobrang halaga ng ginagawa nito ngayon araw, kaya hindi sinasagot ang mga tawag niya. Hindi lang kasi siya sanay na hindi agad nito sinasagot ang tawag niya. Ngayon lang iyon nangyari.
"Maghihintay na lang ako ng tawag niya sa akin" kasi usually si Dylan naman talaga ang tumatawag sa kanya.
Para hindi maisip si Dylan, napagpasyahan niyang pumunta sa manggahan, kung saan ang kapatid niyang si Skylaine na siyang nangangasiwa doon. Nadatnan niya ito na abala sa pag-iistima ng mga mangga at mabusising Chini-check.
"Laine, ano kamusta ka naman dito, mukhang sobrang busy talaga ah?"
"Ate ikaw pala, ayos lang naman. Kailangan lang na masiguro na nasa maayos ito lahat, pa-export ito sa makalawa eh, kaya kailangan maiayos ang lahat bago maisakay sa cargo."
"That's good, nasaan naman pala si line? Hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw ah."
"Naku lagalag iyon, baka kasama na naman ng mga kaibigan."
"Ganoon ba, anong pwedi ko maitulong sayo dito?, naiinip ako sa bahay hindi ako sanay na walang ginagawa eh. Si mama naman, ayaw din ako pakilusin sa bahay kasi dapat sulitin ko daw ang pahinga ko."
"Parang hindi mo naman kilala si mama lalo na kapag nandito ka." Nakangiti nitong wika sa kanyang Ate. "Alam niya kung gaano ka ka-workaholic, at isa pa siguradong pagbalik ni kuya Dylan, mag-aasikaso na kayo ng mga kakailanganin at dapat gawin sa kasal ninyo diba?"
"Oo, na mimiss ko na nga siya eh.
"Aysus, ganyan talaga daw pag inlove ng sobra Ate nagiging O.A, parang ilang araw mo pa lang hindi kasama si Kuya, ganyan ka na."
Natawa ito sa sinabi ng kanyang kapatid, "mukhang di ka pa nai-inlove kaya ganyan ka magsalita."
"Bata pa naman ako Ate, hindi ko kailangan magmadali. Ewan ko lang si line, kasi feeling ko may boyfriend na iyon hindi lang sinasabi."
"Talaga ba, ayos lang naman iyon basta hindi siya sasaktan, ikaw wala ka ba talagang balak mag-boyfriend?"
"Naku Ate, wala pa sa plano ko iyan." Nang bigla itong napalingon ng may tumawag sa pangalan niya.
"Sky..! Sky..!" Si Loer iyon, ang best friend niya. Sky ang tawag sa kanya nito nang maging matalik silang magkaibigan. Ok lang naman na tawagin siya nito ng ganoon dahil never nagpa tawag ng sky ang kakambal niyang si line sa kahit na sino.
"Hi Ste Rhaime, kamusta ka?" tanong nito ng nakangiti sa kanya. "Lalo po kayong gumanda, paano po maging ganyan kaganda?"
Natawa naman si Rhaime sa tanong nito sa kanya. "Ano ka ba maganda ka rin naman eh."
"Hindi po ako maganda palagi po iyan sinasabi ni sky eh."
"Naku huwag ka maniwala, kapag sinasabi niya iyon sa iyo. Ayaw lang niyang nasasapawan ang ganda niya."
"Ate Rhaime naman eh!" alma ng kapatid nito sa sinabi niya. "Pareho kaya kaming hindi maganda."
"Hoy, ang kapal mo sky, maganda nga ako diba sabi ng Ate mo, kaya kung hindi ka nagagandahan sa sarili mo, solohin mo na lang iyan huwag mo akong idamay." Pare- pareho silang nagtawanan sa sinabi nito.
"Ay oo nga pala. bakit ka nandito at kung makatawag ka wagas?" Tanong nito kay Loer.
"Wala lang gusto lang kita tulungan dito Sana."
"Sige uwi na ko, tutal mukhang wala naman na ako maitutulong dito kasi may katulong ka na." Paalam ni Rhaime sa mga ito.
NAPAGPASYAHAN na lang niya na bumalik sa bahay para doon na lang ubusin ang oras at libangin ang sarili. Nang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Sabik na tinignan niya ito sa pagbabaka-sakaling si Dylan na ang nagtext.
Ngunit agad na nangunot ang kanyang noo ng makita na galing iyon sa isang unknown number, Dahil sa pag-aakalang importante, agad niya itong binasa, ngunit muling nangunot ang noo niya dahil sa mensaheng nakasulat.
I am Dylan's girlfriend, do you think he is true and really madly in love from you? You were wrong, you have been erased from his heart and mind for a long time. So don't expect him that he's coming back to you. Everything he shown you was just a revenge, from what you did to him fifteen years ago. I feel sorry for you, so I will let you know while it's still early, because maybe if it last longer, you will drown completely in the trap he intended for you. So do not plan to call or talk to him again, even meet him. I warned you Rhaimella.
Ayaw niyang Maniwala sa nabasa, kaya pinilit niyang pakalmahin ang pusong nasaktan. Kung iniisip nang kung sino man na nagtext sa kanya nito, na basta-basta na lang siya maniniwala, puwes nagkakamali ito. Dahil siya ang tipo ng babae na hindi madaling maniwala sa sabi-sabi, kung wala man lang itong pruweba na makikita ng kanyang mga mata.
Dumaan ang maghapon ay wala pa din siyang natanggap na tawag o text mula kay Dylan. Kahit na siya na mismo ang tumawag, ay hindi pa rin nito sinasagot.
"Buwise, ! what happened to him?" mahinang tanong niya sa sarili. Nanggigigil na siya lalo na at naaalala niya ang text na natanggap. kaninang umaga sa kung sino man na girlfriend daw nito. But wait, Bigla siyang natigilan nang maisip na, oo nga pala, masyadong mabilis ang pangyayari simula noong magkamabutihan sila ni Dylan.
Hindi niya naisip na baka nga may girlfriend na ito at nakakapagtaka ang biglaang pagbabago nito nang pagtrato sa kanya simula noon. Napasabunot siya sa sariling buhok habang nakayuko.
"Shit." Mura niya ng maalala ulit ang text na natangap niya kaninang umaga sa girlfriend daw nito. Kung totoo na talagang magka-relasyon sila ni Dylan nakasisigurado siyang malalim ang relasyon mayroon ang mga ito dahil mukhang alam nito ang nakaraan sa kanilang dalawa ni Dylan.
Kung totoo ang sinasabi nito na paghihiganti lang ang rason kung bakit ginagawa ito ni Dylan sa kanya. Isinusumpa niya na hindi niya mapapatawad si Dylan. Kahit kailan hindi niya ito niloko at mas lalong hindi pinaglaruan.
Ang lahat ng mga ipinaramdam niya dito ay totoo, kaya ganoon na lang siya kabilis naniwala dito, na humantong pa sa pagbibigay niya ng kanyang p********e.
HALOS hindi siya nakatulog magdamag sa kaka-isip sa pesteng text na iyon, kaya kahit pasado alas singko na ng umaga ay gising pa rin siya.
Sinubukan niya na tawagan ang numero nang nagtext sa kanya, ngunit hindi na ito makontak pa. Alam niyang hindi siya matatahimik, hanggat hindi niya nalalaman ang totoo. Kaya kahit wala pa siyang tulog, inayos niya ang sarili upang puntahan si Dylan.
Umalis din siya ng umagang iyon at dahil hindi niya dala ang kanyang sariling sasakyan, hiniram niya muna ang Sasakyan ng kapatid na si Skyline. Sinabi na lang niya sa kanyang mga magulang na may importante siyang aasikasuhin sa manila kaya hindi na masyadong nagtanong pa ang mga ito sa kanya.
Makalipas ang 3 oras na byahe ay nakarating siya sa mansyon ni Dylan. thanks god at walang traffic nang araw na iyon. Kaya bago mag-tanghali ay nakarating na siya. Malamang na nandito si Dylan sapagkat nakabakasyon din ito gaya niya.
She parked the car just outside the gate. dahil may sarili naman siyang susi, ito ang ginamit niya para makapasok. Binigay ni manang Flor sa kanya ang susi bago umalis ang mga ito papuntang Batangas.
NAALIMPUNGATAN si Dylan at agad na napabalikwas ng bangon ng makitang mahimbing na natutulog sa tabi niya si catleiah.
"f**k s**t!, Napamura siya ng hindi maalala kung paanong naging magkatabi sila nito ngayon. Basta ang natatandaan lang niya ay nagpunta ito kahapon at pilit na nagtanong kung bakit parang lumalayo na siya dito.
Sinabi niya ang totoo tungkol kay Rhaime at para na rin putulin ang kung ano man ugnayan mayroon sila dahil nagpa-plano na silang magpakasal. Kinalabit niya ito upang gisingin.
"Oh!, Good morning hon." bumangon ito at mabilis siyang niyakap at hinalikan.
Hindi pa man siya na kakabawi sa pagkabigla, dahil sa ginawa nito ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at makita si Rhaime na nakatayo doon. Kita ang gulat na mababanaag sa mukha nito.
Kakatok sana si Rhaime sa pinto ng silid ni Dylan, ngunit hindi na niya ginawa. Kaya hinawakan na lang muna niya ang doorknob ng pinto at ng masiguro na hindi ito naka-lock, agad niya itong binuksan. Ngunit sa pagbukas niya nito ay isang senaryo ang kanyang nasaksihan.
Dylan was kissing a woman and hugs his naked body. Wala silang kumot kaya kita ang hubad nilang mga katawan. Hindi siya tanga para hindi mahulaan kung ano ang ginagawa ng mga ito o nagawa na lalo na at magkatabi pa itong natulog buong magdamag.
Para siyang natuka ng ahas at hindi na nakagalaw sa labis na gulat at mabilis na dumaloy ang luha sa kanyang mga mata at ang pakiramdam ng libo-libong karayom na tumutusok sa kanyang puso na unti-unti ng nadudurog.
Nang makabwelo sa pagkabigla at gulat si Dylan ay mabilis siyang umahon sa kama para lapitan si Rhaime, agad niya itong hinawakan sa magka bilang braso. "Let me explain Rhaime. Mali ang iniisip mo."
Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang hawakan siya ni Dylan sa mga braso, tumingin siya dito at mabilis na kumawala sa pagkakahawak sa kanya nito.
"No need to explaine, Dylan." Wika niya habang patuloy na umaagos ang mga luha. "I have seen enough to prove and believe that text i received from your said "girlfriend" that you're just playing on me, and you did all that to me just to repay from what i did to you fifteen years ago!"
"No, Rhaime, That's not true. please listen to me."
"Napakaraming beses ko nang nais sabihin sa iyo ang totoong dahilan nang pag-alis ko, fifteen years ago, ito pala ang dahilan mo" wika niya at tumungin siya kay Dylan. "dahil ayaw mong masira ang plano mo na makapag-higanti sa akin!"
Hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil mabilis niyang tinalikuran ito at hilam ng luha ang mga mata na dire-diretso ng umalis sa bahay nito. Pagkasakay ng kanyang sasakyan ay hindi muna siya umalis sapagkat patuloy na nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa patuloy na pagagos ng kanyang luha.
Umiyak lang siya ng umiyak, at ng sa tingin niya ay kaya na niyang magmaneho ay pinaharurot na niya ito bago pa lumabas si Dylan para pigilan siya.
"You! " Galit na galit si Dylan na sinunggaban si Catleiah sa kama na naka upo pa rin.
"Anong ginawa mo ha?!, ikaw ang nagsabi nun kay Rhaime?"
"Oo may iba pa bang gagawa nun? Sa akin ka lang Dylan at hindi ka pwedeng maging pag-aari ng iba, akin ka lang!" Sigaw nito sa kanya.
"Kahit kailan, hindi mo ako naging pag-aari Catleiah. alam mo iyan noon pa!" Gigil na gigil ito sa nalaman kung hindi lang ito babae baka nabugbog na niya ito.
"Umalis ka na habang nakaka-pagpigil pa ko at makalimutan ko na babae ka. But remember this Catleiah, kapag hindi ako pinatawad ni Rhaime dahil sa'yo, I swear, pagsisisihan mo ang lahat ng ito. Pagsisisihan mo na sinira mo ang relasyon ko sa kanya."
"Don't try me Catleiah, you don't know me" mariing wika ni Dylan. "Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa iyo! " At mabilis na niya itong iniwanan para habulin si Rhaime.
Ang kaninang halos manlisik na mata niya dahil sa galit ay napalitan ng bahagyang takot, ngayon lang niya nakita si Dylan na magalit ng ganito at aaminin niya na hindi si Dylan na kilala niya ang kaharap niya kanina.
Kahapon ng puntahan niya si Dylan sa opisina nito ay hindi niya ito natagpuan doon, dahil may emergency meeting daw ito sabi ng secretary nito na si Angel. Kaya napag pasyahan niya na hintayin na lang ito. Nang mapansin niya ang cellphone ng binata na nakalapag lang sa table nito marahil ay naiwan.
Dahil sa kuryusidad ay agad niya iyon pinakialaman at kundi naman siya sinuswerte ay wala iyon password kaya madali niyang napakialaman. Agad niya binuksan ang mga messages nito na puro kay Rhaime galing at dahil sa klase ng Palitan ng topic ng mga ito nasisiguro niya na ito ang babaeng pinag-uusapan ni Dylan at ni angel noong minsan magpunta siya dito nang araw na tinangihan din siya ni Dylan. Nalaman niya iyon dahil hindi naman siya agad umalis noon, kaya narinig niya ang usapan ng mga ito.
Mabilis niyang kinopya ang cellphone # nito sa kanyang sariling cellphone at mabilis na lumabas sa opisina ng binata at nagpaalam na sa secretary nito na hindi na niya mahihintay pa ang binata.
Agad nga niya itong tinext at tsaka bumuo ng plano kung paano niya masosolo si Dylan ng buong magdamag. Tagumpay ang plano niya dahil dumating si Rhaime at swerting sa ganoon tagpo sila nito maabutan na lalo niyang nagustuhan dahil tagumpay siya na magalit dito si Rhaime.
Ang hindi lang niya inaasahan ay ang galit ni Dylan sa kanya. "Ganoon ba talaga nito kagusto ang babaeng iyon? Para baliwalain ni Dylan kung anong meron sila. She spent five years of her life, carrying the hope that it would change his decision. and stay with her. but she wrong, he still chose that damn woman instead of me!"
Samantala ang papalayong sasakyan ni Rhaime ang kanya na lang inabot. "Bull s**t!" mura ni Dylan.